Shadow

36 0 0
                                    

Firt time ko ngkwento kc msyadong busy sa work. Tungkol to dun sa anino na hugis lalaki na lagi kong naeencounter nung teenager ako.

First encounter ko sa knya is grade 6 pa lng ako. May padasal samin nun kc uso dti ung Lord of Pardon na iaakyat sa bahay2 tpos pttuluyin nyo sya ng 1week. So eto na, pababa na nun ung Lord of Pardon samin so hnhintay n nmin ung mga mgdadasal. Nasa pinto ako ng bahay nmin tpos npansin ko may anino ng lalake na sumisilip dun sa may bakod. Akala ko tao, sinilip ko pro umalis lng sya. Hndi nmn ako ntkot msyado kc mrmi rami nang bisita. Ngtaka lng ako kc di ko sure nun kng tao b un o anino tlga.

Second encounter: 2nd yr highschool ako nito. Past 12mn na ngssulat ako sa diary ko. Sa bintana ng kwarto ko, may bubong na pra dun sa galawan nmin sa ibaba, tpos puno ng aratiles. Cguro mga isat kalahating dipa ang layo ng bintana sa puno. Ngaun tapos n ko mgsulat. Pglingon ko sa puno, may tao na umaaninag skn...ung gngalaw nya ung ulo nya na prng sinisipat akong maigi. Ay teka baka bosero to o magnanakaw edi sinipat ko pra mamukhaan ko lumapit ako sa bintana. Pglapit ko, papalapit din sya. Eto na, habang palapit sya nagging malinaw itsura nya.. OMG anino lng as in pitch black shadow! Walang mukha! Lalo nung tumama ung ilaw na gling sa bintana! Sa sobrang takot ko di ko naisara ung bintana! ngtalukbong nlng ako sa kama! At pakiramdam ko andun sya sa bintana nktingin skn! Nakatulugan ko n lng ung takot ko.

3rd encounter: 16yrs old ako at Nov1. Nakagawian nmin ng tropa na gumala sa sementeryo pg gnitong panahon. Sabi ko ttulog muna ako ng tanghali pra mmyang gbi hndi ako aantukin. Umakyat ako at humiga sa kwarto ng lolo at lola ko. Dinig ko ung sounds ng mga tV ng kpit bahay at TV nmin sa ibaba. Iisa ang pnpanood ung eat bulaga. Dinig ko ung hiyawan kc prng mkkajackpot ung contestant. Pti ung sex bomb girls dinig ko. Aware ako sa nangyyari. Gising ako, alam ko. Hanggang sa napatingin ako sa salamin ng aparador kc may lumabas na anino nnman ng lalake. Sabi ko kalma lang aalis dn yan. Pro hndi sya umalis. ngpanic ako kc eto na sya ngllakad papalapit skin. Tatayo dpat ako pra tumakbo. Pro di ako mkglaw. Sisigaw pra humingi ng tulong pro wlang boses. Hanggang sa lumapit sya skin, tumapat ung mukha sa mukha ko.. ung ktwan nmin mgktpat pro hndi mgkalapat. Tinitigan nya ko ng ilang segundo..sigurado ako wla syang mukha! Hanggang bumaba sya dhan dahan sa ktwan ko at hinalikan ang tiyan ko! Dito n ko nagwwla pro hndi tlga ako mkglaw. Sa awa ng diyos umalis din sya at bumalik sa salamin. Tska lng ako nkgalaw nun. gusto ko isipin na panaginip lng pro hndi. Dahil ung sequence ng nririnig kong palabas sa TV is maayos nung "nagising" ako.

4th encounter: msyado nang mhba kng ikkwento ko lahat pro mdlas nun sa panaginip ko na sya lumilitaw. Natigil lang lahat nung time na buntis na ko na hndi ko pa alam. Sa panaginip ko may lalakeng prng ngglit. Tpos may nkita akong plastic pgbukas ko may ulo ng tao na nakaluwa ang mata. Hndi ko alam kng sya un at sa gnung paraan sya nawala. Salamat at wla na sya kc ayoko tlga ng pkiramdam ko pg andun sya.

p.s. hndi ko mkklimutan ung form nya. Hndi sya ktwan ng male adult. Ktwan sya ng teenager between 16-18yrs old. Sna wag na syang bumalik. Nasa same na bahay p  din ako nktira. Ayokong marasanan ng anak ko ung gnun dahil sa ngaun teenager na ung anak ko.

Sana po nagustuhan nyo kht di ako mgling magkwento. Pg nagustuhan nyo mrmi p kong ikkwnto. :)


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon