Bakit?

30 2 0
                                    

Bakit?

Kapag sumasakay kayo ng jeep, van, uv exp, taxi or gr@b car, saan kayo palagi sumasakay, sa unahan (passenger front seat) o sa likod?

Ito na naman ako ulit para sa isang commuter story.

Sa subdivision na tinitirhan namin, katulad ng iba, may mga iba't-ibang phase kung saan located ang mga bahay. Ang sa amin, Phase 2, medyo may kalayuan sa gate.

Dahil sa distance at dahil parang riles ng roller coaster ang mga kalsada (taas-baba), merong paid shuttle service na umiikot sa loob ng subdivision.
Kilala kaming mag-asawa ng mga driver ng mga shuttle na hilig namin sa harap umupo, sa tabi ng driver.

Nangyari ito isang gabi, nakauwi kami ng 11PM, tamang tama sa last trip ng shuttle. Hindi na kami nagpatumpik-tumpik at sumakay na agad kami sa likod ng L300 (yung passenger type na magkaharapan ang mahabang upuan parang jeep). Siguro after 5 minutes, nagsabi na yung driver na ihahatid na kami dahil wala ng ibang sasakay at para makauwi na siya at makapagpahinga. Hindi naman na kami tumutol dahil mukhang pagod na din yung dalawang kaharap namin na nakapuwesto din malapit sa estribo.

Umalis na yung shuttle sa paradahan sa gate and nang nakarating kami sa isang waiting shed, pumara ang kaharap namin and bumaba (yes, tao po sila). Dahil kami na lang ang huling tao, sabi ng driver na ihahatid na niya kami sa harap ng bahay (hindi niya normal route ito dahil main road lang ang ikot niya) since end na ng biyahe niya (alam niya ang exact address namin dahil kinukuha namin siyang private service when we used to bring our old dog to the vet).

Nakarating na kami sa bahay and naalala namin na hindi pa kami nakakabayad, kaya pag baba namin, nagpunta si hubby sa driver's side para magbayad. Pagka bilang ni hubby ng coins niya, may kulang na couple of pesos kaya nanghingi siya sa akin. Nang tumabi ako kay hubby tinanong kami ni kuya driver

Driver : "O,  bakit hindi kayo dito sa harap sumakay?"

Me and Hubby: "Eh kuya, paano naman kami sasakay sa harap, may isa ng babae na nandiyan sa harapan kanina pag kita namin sa'yo sa gate. Bumaba nga yata kanina sa waiting shed."

Driver: "Huwag niyo akong takutin ha. Wala namang nakasakay dito. Apat na lang kayo na pasahero ko, sa likod pa kayo lahat sumakay."

Us: "Kuya, meron nakasakay na babae sa harap, nasa tabi ng bintana. Nakaputi na damit, mahaba ang buhok."

Driver: "Tinatakot niyo naman ako eh. Pagod lang yan."

So, wala naman palang pasahero sa tabi ng driver, at yung babae kami lang ni hubby ang nakakita. Ang kuwento, yung ibang mga kasama ni kuya na shuttle drivers, na experience na yung may mga pasahero na hindi sumasakay sa harapan dahil may nakikitang babae. Iyung driver nung gabi na umuwi kami, hindi pa niya naranasan yun before that night na sinabi namin sa kanya. At, according sa mga ibang drivers (naikuwento na ni kuya sa mga kasamahan niya yung sinabi namin), na nakausap namin after the incident, yung babae daw na yun madalas makita ng either 5AM or 12MN. May theory sila kung sino yun, baka daw yun yung asawa nung nagtratrabaho dito sa subdi na namatay nung ginagawa itong lugar namin. Nagkaroon kasi ng pag guho sa isang area ng subdi at may natabunan na mag-ina doon.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon