Isinama kaming 3 tindera ni boss dati ng magpunta sya ng Pampanga, bakasyon ba. Excited kami nun kasi first time mapapadpad sa Pampanga tapos sabi ni boss eh mamamasyal kami sa sandbox ba yun tsaka dun sa street daw sa Angeles na madaming afam at bars pati restaurant.
Pagbaba namin sa Dau , sumakay kami ng tricycle papunta sa subdivision kung San nakatira ang parents ni boss (limot ko na name ng subdivision) pagbaba namin ng tricycle pumasok na kami sa gate ng subdivision, sa left side may clubhouse ,pool at slide. Paglingon mo sa right tanaw mo ang Bundok Arayat ang ganda dun tsaka ang lawak ng Lugar.
Pagdating namin kumain lang kami at nagbihis then gumala agad .Siguro mga 8pm na kami nakapunta ng Angeles kaya doon na naisip ni boss magdinner . Sa Isang Korean restaurant kami pumasok , friend daw ni boss may-ari , edi kain at kwentuhan sila ako tumitingin lang sa paligid , maya-maya may 3 guys lumapit saamin 2koreans na marunong magtagalog tsaka 1 Italian guy na nakakaintindi lang ng English. Kakilala sila ng may-ari ng restaurant tapos pinakilala samin nila boss edi lumaki na circle sa table namin. Generous Yung mga foreigners di nawawalan ng pagkain at alak Yung lamesa. Nabagot kaming tatlo ng mga katrabaho ko kaya nagpaalam kami Kay boss na maglalakad-lakad kami text o tawag na lang sya if uuwi na kami, pumayag Naman si boss Lalo nat nakikita niya kinukulit kami ng 3 foreigners to asked us out, sinabihan agad ni boss na off limits kaming tatlo(19 palang kasi kami that time).
Lahat ata ng street foods na nadaanan namin tinikman namin 😂 tapos namili kami ng kung anu-anu na sa mga store na andun. After an hour or 2 , tumawag na si boss na imeet daw Namin sya dun sa may arko na nadaanan namin earlier Kasi uuwi na at dun daw kami matutulog sa house na pag-aari nung may-ari ng restaurant na kinainan namin.
Edi gora kami ang ganda ng bahay napaka-homey . Edi binigyan na kami ng room tsaka mga damit pamalit. Tig-iisa kami ng room Kasi mga single beds lang Meron. Wala Naman akong nasense na Kung anu sa Bahay kaya panatag ako. Pumasok na ko sa room na tutulugan ko , may Cr na sa loob kaya di na need lumabas pa to shower , I fixed my things in bed tapos pumasok na ko sa Cr.
Habang nagshashampoo ako eh bigla na lang ako nakarinig ng humming sounds tapos nawala Yung ibang tunog sa paligid. Nagpalingon-lingon ako sa loob ng Cr , Ang weird kako. Binilisan ko na maligo then nagtapis na ko. Pagbukas ko ng pinto may Nakita akong babaeng nakahiga sa kama , magtatanong palang sana ko kung sino Siya ng biglang out of nowhere may lalaking dumating na may hawak ng kut$ilyo!.
$inak$ak Niya Ng paulit-ulit Yung babaeng nakahiga! Dinig na dinig ko Yung bawat baon ng kut$ilyo sa katawan ng babae , Yung talsik ng dug0 sa paligid , Yung hingal ng lalaki habang $ina$ak$ak Niya Yung babae! Yung pakiramdam ko sa ulo ko parang $a$abog ,Yung dibdib ko as in kumakabog .I can't take away my eyes sa nangyayari di ko Rin maipikit mata ko, Yung hininga ko na hinugot ko di ko pa nabibitawan. Hindi ko alam kung ganu katagal akong nakatitig sa kanila
, Nung Biglang lumingon Yung lalaki 🥶 Wala syang Mukha ! As in blangko parang binura! .Parang usok din silang nawala , Yung pag nagsindi ka Ng kandila tapos hinihipan mo ganun kabilis.
Hindi ko maalala pano ko nakalabas ng kwarto nun basta alam ko lang asa Sala na ko tapos nagiiyak kaharap Sila boss at Yung friend Niya na may-ari ng bahay . Yung wife ng may-ari Ang unang nagtanong sakin kung Nakita ko din daw ba? Sabi ko oo ,Alam Niya kung anung Nakita ko dahil Nakita niya din Pala yun dati pa , kala nila mawawala na Sila pag nablessed na Ang Bahay pero Hindi pa din andun pa din Sila at nakikita din ng ibang nagrerent doon. Kaya daw bihira na may nagtatagal sa pagrerent sa kanila.Kakapagawa palang daw nila (Nung may-ari na friend ni boss) sa Bahay nayon Ng umuwi galing Saudi Yung pinsan Niya na nakaasawa ng arabo , eh Wala daw ibang matutuluyan Kaya dun nila pinatuloy, silang mag-asawa lang daw andun, nagkikita-kita na lang Sila sa restaurant pag gusto nilang magbonding-bonding at gumala. Seloso Ang asawa ng pinsan Niya kaya madalas na kamag-anak lang mga nakakabonding nila. One time daw na may nakasalubong silang school mate ng pinsan Niya ay pinagselosan daw yun ng Malala Nung arabo . The next thing they knew ay patay na Yung dalawa sa Bahay😣 Ayun nga puro $ak$ak Yung babae at nagbigti Naman Yung lalaki . Mula nun 2 years pa Bago nila binuksan ulit sa pa-rent Yung Bahay, pinabless at pinalinisan ng maigi, nirenovate din .
Pero ayun nga nagpakita Sila . Hindi daw nila alam bat di Sila nawawala nagpacleanse at pinatingnan na din daw nila yun sa mga spirit questors kineme ay Wala daw effect..
Hindi na kami natuloy matulog dun , after ng usapang yun lahat kami umalis dun at umuwi sa parents ni boss. Habang nasa sasakyan nagtanong Yung Isang kawork ko kung tinapon daw ba nila Yung kama na nagamit sa kr!m3n? Sumagot silang oo pero Sabi Ng kawork ko Hindi daw Kasi yun daw Yung nasa kwarto na binigay sa kanya , Wala daw bedding Yung kama na andun kaya Nakita niya daw na may stain Yung foam 🥶.
Ito ang pangalawang pagkakataon na Nakita ko pano namatay Yung tao (Yung nauna ay Yung Kay Annie) at yun na din ang Huli. Nakakapanlambot Makakita ng ganung senaryo😰 para akong nasusuka na Ewan.
Huling Balita Namin nila boss dun sa Bahay eh pinagiba na lang ng friend Niya at binenta ang lupa na nasakop na daw Ng Isang subdivision na itinayo doon.📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.