Condo

56 1 0
                                        

Gusto ko lang ikwento yung experience namin sa ni rentahan naming condo unit nung college kami. Way back 2005 or 2006 ito nangyari. Luma na ang building along Makati Ave. And nasa 14th floor ito.

Ni rent namin ng mga ka barkada/thesis mates ko for short term lang hanggang matapos lang kami sa thesis.

Yung unit is malapit sa elevator. Hindi ko ma explain kung paano, pero pag labas mo ng elevator, liliko ka para ma reach mo yung unit na yun, dun sa side na yun ng building, 2 unit kaming andon. Ang katabi namin ang nakatira is a family of three, foreigners sila. Baby pa yung anak nila.

Wala naman kami masyadong nararamdaman na kakaiba at first, pero after a few days, napansin namin na at exactly 1am may kumakatok sa pinto namin. Gabi gabi yun. Walang palya. Nung una akala namin napag ttripan lang kami ng iba namin friends na bumibisita don. Pero pina check namin ang CCTV and wala talagang tao ng ganong oras sa pinto namin, or pinto ng katabing unit. Natatakot pa kami nung una pero nasanay din kami.

Bawal mag yosi sa unit kaya sa stairs kami nag yoyosi. One time, aalis kami ng friend ko, pero di pa siya tapos mag ready, sabi ko, mauuna na akong lumabas kasi mag yoyosi muna ako. Tawagin nya na lang ako pag nasa may elevator na siya. Maya maya, narinig kong tinawag niya ako. So pumunta na ako sa may elevator pero wala siya. Pinuntahan ko sa unit namin kasi baka bumalik siya don, pero wala din. So nag decide ako na bumaba na lang, pinindot ang elevator to go down. Ang elevator galing sa baba. Pag dating sa floor namin at paag bukas ng elevator, andon ang friend ko. Yung muka niya gulat na gulat na namumutla.

Me: "bakit mo ko iniwaaaan?"
Friend: "Gaga, ako nga iniwan mo, tinawag mo ko sabi mo bilisan ko at bababa ka na kasi andito na elevator"
Me: "Huh, andon ako sa hagdan magyoyosi nga diba, tinawag mo pa ko kanina, pumasok agad ako, pag check ko wala ka, pinuntahan pa kita sa unit wala ka din. Kanina ka pa daw bumaba"
Friend: "Hindi ako yung tumawag sayo, ikaw ang tumawag saken, na bababa ka na. Kanina pa yun 15 mins na ko nag aantay sa baba, di ka dumadating kaya umakyat ulit ako"

Hindi ko talaga alam kung sino ang tumawag sa amin. Nagpa check ulit kami sa CCTV, and yes, nauna siyang bumaba, bago siya bumaba, tumingin tingin pa siya sa paligid na parang may hinahanap. 15 minutes later, pumasok ako from fire exit(staircase), ganun din may hinahanap ako.
So imposibleng siya talaga ang tumawag sa akin kasi 15 mins na siyang nasa baba. At wala talagang ibang tao sa area na yun nung time na nangyari yun.

And lastly, eto na yata ang pinaka creepy. Yung isang housemate namin ay may third eye pala. Hindi niya sinabi agad sa amin na may mga nakikita siya. Until nangyari na ang mga nangyari. Sinabi nya na may babae na laging naka tambay duon sa unit. Nakatayo lang. Paiba iba lang yung pwesto.
May ininvite akong classmate na pumunta sa unit, kasi ka group ko siya sa isang subject. Hindi sya classmate/ka close ng mga housemates ko. Kumbaga, sa mga tao dun sa bahay, ako lang ang kakilala niya. Hindi kami close, groupmates lang talaga kami so malabong may alam siya sa mga nangyayari sa unit na yun. Nung andon siya, nag lalaptop sya sa sofa, ako naman ay nasa dining table. Nakatalikod ako sa may salamin. Yung sofa ay nasa gilid ng dining table. So parang ang pwesto naka "harap" siya sa may salamin. Bigla siyang sumigaw: *Put@ngin@ naman! Wag naman ganon!" Biglang nag alsa balutan. Sabi niya, may nakita siyang babae sa salamin pag angat nya ng ulo nya. Yung babae ay nasa likod ko lang. Pina describe ko sa kanya ang itsura. Babaeng mahaba ang buhok, nakaputi, walang muka, madumi ang paa. Eto din ang description na sinabi sa amin ng housemate namin na may 3rd eye few days ago.
Hindi ko na napigilan umalis ang groupmate ko, sumama na din ako pag labas haha.

Pasensya na ang gulo ko mag kwento.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon