MAGBABALOT

58 1 0
                                        

MAGBABALOT

Hi Spookify Readers its my first time na mag share ng kwento dito itago nyo nalang ako sa pangalang Shin.

Way back January 2021 non ng Mabuntis ko ang asawa ko, E di pa tanggap ng magulang ko ang asawa ko dahil may anak na ito sa iba. so, we dicided na magtanan nalang. She was 2 months pregnant na non. Di talaga namin alam kung saan kami titira, Kinausap ko ang Tiyuhin ko (Kapatid ni Papa), Sya kasi kakampi ko sa Lahat at naiintindihan nya ako. Pinatira nya kami sa Bahay nila sa Rizal. Mejo Masukal don pero ok naman kasi may mga kapitbahay naman pero malalayo ang agwat. Ok naman ang first Month namin don ng Asawa ko. Dun sa Bahay na yon, Mejo malawak sya tapos ung likod nya is Nasa Labas talaga puro Grass na maliliit as in walang Bubong tapos mga ilang dipa Nandun ang CR. tapos ung Haligi Sa likod ay yero lamang.

Sa isang bwan namin don ay Lagi kong maririnig si kuyang magbabalot.twing gabi Bumibili ako sa kanya kasi naglilihi si misis don tapos parang napapansin ko sa kanya lagi syang nakatingin sa asawa ko. Parang nanlilisik talaga, Sa isip isip ko "Kuya Parang Trip mo asawa ko aa" Mid Aged na si kuyang magbabalot. tapos napansin ko sa kanya sa Gilid ng Basket nya may Langis don tinanong ko sya sabi nya Lana daw un so, nevermind na ko don.

7:00pm na ng Gabi Kakauwe ko lang galing work. Kumain lang ako at Nagpahinga nako kasi Maghapong Pagod. Nag ML muna ako saglit. Humiga na ung misis ko Katabi ko. Naririnig ko pa ung Si Kuyang Nagbabalot. di muna ako bumili kasi Wala akong pera. Kumakatok na sya sa pinto. sumigaw ako sabi ko Kuya pass muna sa sahod nalang. makalipas ang ilang oras. mga 11:30 na ata nun ng tinigil ko ung paglalaro ko ng ML. umiinda ng sakit ng tyan ung asawa ko. May naririnig akong kaluskos sa Gawing Harapan ng bahay. Sumilip ako sa Siwang ng pinto. P*t*ng *na Si kuyang nagbabalot nagtatransform. grabe sobrang takot ko, Kumuha agad ako ng Kutsilyo, Bawang at Asin. ilang minuto lang narinig ko ung pagaspas ng pakpak patungo dun sa Likod bahay , e ung Haligi nun yero lang. Pinatabi ko ung misis ko, "Dito kalang sa Likod ko, May aswang!!" Guys Totoo to As in parang sa pelikula ko lang napapanood pero nangyayare na sa amin. May umaatungal sa Likod bahay sya na nga un papalapit na sa Pinto. maririnig mo talaga. sinabit ko ung bawang sa Pinto. tapos nawala ung ingay. sabi ng Misis ko "Nawala na ata sya, Love Natatakot ako". Di ako makapagsalita sa Takot hawak hawak ko ung Kutsilyo at Asin. Mga ilang Minuto sumigaw ako " SA NGALAN NI HESUS LUMAYAS KA!!  WAG ANG ANAK KO!! LUMAYAS KA!!!! Lord God Tulungan nyo kami. 
pinatabi ko ung asawa ko Sa gilid pinahawak ko sa kanya ung Garapon ng asin. Sinilip ko ung Paligid wala na. Wala na.

pinakalma ko ung sarili ko at ang Asawa ko nawala nadin ung kirot ng Tyan nya. Nagdasal kami nung mga oras na yon. Hanggang mag umaga di kami nakatulog. Nakita ko pa ung Basket ng Balot ni kuyang magbabalot sa labas ng bahay. Napapaisip ako kung anong nangyare sa kanya. Basta sa isip ko niligtas kami ng Panginoon.

Ilang Months din napagpasyahan Namin na lumipat na ng bahay sa matao na ung dikit dikit na bahay na. Kaya simula non. natotrauma nako sa mga Nagbabalot jan di nako bumibili baka aswang HAHAHAHA.

Yun lang Po salamat sa pagbabasa. Sana Mapost to ni Admin Hahahahahahaha. Grabeng Experience ko

-SHIN



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon