Multo sa Basement-2 Fire Exit Stair.
Hi mga ka-Ltap. Silent reader po ako dito at talaga namang nakaka-excite at nakaka-kaba magbasa ng mga shared stories nyo kaya naisipan ko ndn mag-share ng sarili kong experience. Ipagpaumanhin nyo na din kung mabagot kayo dahil perstaym ko lng po magkwento. ✌🏻
Nangyari ito ng 2018, sa pinagtatrabahuhan ko sa Mandaluyong, likod lng ng SM Megamall. Nasa construction firm ako, ang kasalukuyang project namin ay may 5 basement, amenity level at residential tower. Dahil on-going ang construction, ang opisina namin ay nasa basement 2 ng existing condo na katabi nito. Stay-in kami halos ng mga ktrabaho ko at tuwing weekends lng halos nakakauwi. Noong hukay palang ito, may ipinanood na video clip kuha sa cctv ng elevator lobby sa basement 2 ang management ng construction sa team namin, na kung saan makikita na nagbbukas ang elevator bandang 2-3am na wala naman nalabas at napasok sa loob, tanging anino lng ng matanda at isang bata ang makikita sa cctv sa loob ng elevator. Patunay lamang na may mga nagpaparamdam na bago plng magsimula ang proyekto namin dito.
Sa katagalan, nagkaron kami ng mga OJT sa opisina, naka-tatlong batch dn kami ng OJT at bawat batch ay nagkakataong may isang estudyante ang may third eye. Sa kwento ng nga estudyante na may third eye mula batch 1-3, may nakikita silang babaeng bata na pagala-gala mismo sa loob ng opisina namin na may "black tag" sa braso na kung susuriin ay nag-iindicate na patay na ito. Sa dami daming kwento ng pagpaparamdam at pagpapakita sa ibang kasamahan ko dito eh nasasabi ko nlng sa sarili ko na huwag sana ako makaramdam o makakita dahil baka di ko alam ano mangyri sa akin.
Ako yung tipo ng taong mahilig manakot, g na g sa katatakutan, manood at makipagkwentuhan basta may kasama ako. Pero pag mag-isa na eh nilalamon na ako ng takot. Hanggang sa ang kinakatakutan ko eh nangyri na nga sa akin.
Dalawa sa kasamahan ko sa kwarto kasama ako ang nagpasyang lumabas para magpa-laundry. Bitbit ang aming labahan, nagsimula na kmi maglakad palabas tahak ang fire exit stair paakyat sa ground floor. (di kami nag elevator gawa ng bata at matandang anino doon. 😅) sa paglalakad namin, nauuna ang katrabaho ko na nagcecellphone, ako sa gitna na nagbbrowse din sa phone at nsa dulo ung isa naming kasamahan. Pagdating namin ng basement 1 at dalawang akyat nlng sa ground floor, may naaninag ako sa dulo ng mata ko sa kanto ng hagdan na may kulay puting nakalutang, di ko direkta tinignan pero nahagip ng paningin ko ang ibaba nito na animo'y kurtinang hinahangin lang. Pinagpapawisan na ako ng malamig at di ko na maproseso sa utak ko bakit may nalutang na puti at prng kurtinang nakasabit lang sa gilid na hinahangin. Nilakasan ko ang loob ko na tignan mula ibaba paakyat sa itaas nito. Bumigat ang batok ko at halos lumaki ulo ko sa takot ng makita ko ang buhok nitong nakabagsak lng na halos matakpan ang buong mukha nito. P*tng!na whitelady banggit ko sa isip ko, Patakbo na sana ako ng makita kong gumalaw ito at lumutang ng mabilis patawid sa harap ko. Paglampas sa akin ay agad ako bumaling ng tingin pakaliwa ko pero tumagos na ito sa pader. Laking gulat ko ng makita ang kasamahan ko na nakatingin dn sa akin at sa pinuntahan nung white lady sabay banggit na "t*ng!na nakita mo dn?" di na ako sumagot kasi tumakbo na ako, sumunod dn ng takbo ung nakakita at napatakbo ung kasamahan namin sa likod na nagtataka bakit kami nagtatakbuhan.
Di ako makapaniwala sa nakita ko at buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng gnon, naidala na namin mga labahin namin sa laundry shop at sa katabing karenderya ay dun kami nagkwentuhan tungkol dun sa nakita naming white lady. Naka-2bucket kmi ng redhorse na usapang 2bottles each lng pra paguwi namin at makita ulit namin ung white lady eh di kami matatakot kasi nakahiram kami ng tapang sa alak.
P. S.
May posibilidad ba na makakita ako ulit? 2023 na, di pa dn ako ulit nakakaramdam at nakakakita.
Salamat sa pagbabasa at pagttyaga sa aking sulat.
Thanks admin. 🙌🏻
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)