Awakening your inner energies

85 1 0
                                        

"Awakening your inner energies"

Hi mga ka herrer, this story happened to me early 2000s cguro, not really sure of the exact date. Nagjo-job hunt kami ng friend ko nung mga panahon na to. Magkikita kami ni friend sa Greenbelt 3, maaga ako dumating dun kc magpapa-print pa ko ng resumé. Nagpunta ako sa isang kilalang bookstore sa greenbelt 3. Itong bookstore na to, pwede ka umupo sa floor at magbasa basa ng books. After ko magpa print, naisip ko magtingin ng books while waiting for my friend. Dun ako nagpunta sa isle na puro occult at mystery books. Gusto ko kasi matuto mag Tarot cards nung panahon na yun. Habang nagtitingin ako ng books about Tarot cards, biglang may nagsalita sa likod ko, gusto mong matuto nyan? Paglingon ko, may lalaki sa likod ko cute sya, kaedad ko. Sabi ko oo, gusto ko matuto. Marunong daw sya at tuturuan nya ko, pero bago daw yun may gusto syang ipabasa sa akin na book. May kinuha syang book sa shelf, di ko na matandaan title, pero may inopen syang page na Awakening your inner energies ang title. Gawin ko daw muna yun bago nya ko turuan mag Tarot. So, ayun na nga habang nakaupo kami sa floor sabi nya kopyahin ko daw yung page. After ko i-copy, bigyan ko daw sya copy iprint ko (mejo demanding😅) at meet daw ulit kami tomorrow dun. After nun, naghiwalay na kami kasi magkikita na kami ni friend. Ni hindi man lang kami nagtanungan ng name, at di pa rin masyado uso cellphones nun. Pag uwi ko tinype ko agad yung steps tapos kinabukasan bumalik ako dun sa bookstore. Bago ko ipaprint, hinanap ko ulit yung book just to double check my copy. Dun ko nakita na may 1 sentence akong na-skip, so ayun kinopya ko. Pina edit ko muna bago ko pinaprint. Ang tagal ko naghintay dun sa meeting place namin pero di sya dumating, inindian ako mga dzai. Anyway, trinay namin ng mga sis ko yung steps, twing gabi namin ginagawa, cguro mga 9pm or 10pm tapos pinapatay namin lights para feel na feel. Twing pagtapos namin gawin, pare pareho kaming may nakikitang shadows na tumatawid sa harap namin 😰. After ilang days na naming ginagawa, isang gabi natutulog na kami, nagising ako kc may naririnig akong nag cha-chant sa may uluhan ko. Di ako makagalaw and wala din lumalabas na boses sa kin. Eto yung first encounter ko sa sleep paralysis. Di ko maintindihan yung language ng chinachant nya. After some time, I was able to move my head, tumingala ako and dun ko nakita na may shadow sa bandang ulo ko, lalaki sya at somewhat familiar yung hair nya, parang yung nakita ko sa bookstore. Takot na takot ako nun pero pinilit ko gumalaw. Nung nkagalaw na ko, bigla na lang syang nawala. After that incident, itinigil na namin ng mga sisters ko yung steps. Wala naman na ulit nangyaring ganoon, although naka experience pa rin ako ulit ng sleep paraysis siguro 2x pa ulit pero ilang years apart. Nakapost yung copy ng awakening your inner energies dito, baka may alam kayo about this?

 Nakapost yung copy ng awakening your inner energies dito, baka may alam kayo about this?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon