CREEPY EXPERIENCE IN A HOTEL IN BORACAY

36 2 0
                                    

CREEPY EXPERIENCE IN A HOTEL IN BORACAY

Di na ko magdrop ng name for safety purposes eme! Hahaha! So eto na nga!

This happened in december 2022. We had a 4 days 3 nights stay supposedly for 3pax. Kaya deluxe room nireserve namin, 3 double beds bale. Sobrang spacious na sya for 3pax. Kaso mo lang, dalawa lang kami natuloy so ang ending, occupied namin na kama is yung dalawang dulo lang. yung friend ko sa unang kama pagkapasok ng room. Ako naman, sa opposite side beside window and door pa veranda. Vacant ang gitna.

Di naman ako ganun matatakutin but since nasa ibang lugar ako, sinasadya ko na pwesto ng tulog is harap ako sa buong kwarto and nakasandal sa wall para walang vacant space hahaha. First night, 12am na kami nakatulog nagising ako mga  2:30am. Although sumasagi sa isip ko baka may multo (namamahay eh), napilit ko pa din iikot mata ko sa paligid and wala naman. Tamang tingin lang sa cp then nakatulog din ulit. Same with 2nd night, same time ng gising and same pwesto. Kahit na lasing na lasing na ko nun, nagising pa din ako then tulog ulit.

Pero iba nung last night na. Eto di ko namalayan nakatulog ako ng nakaharap sa bintana likod ko yung bakanteng kama and friend ko sa dulo. pagkagsiing ko ng past 2:30am, nasa harap ko ang cp ko, bra ✌🏻 and isang unan aside sa akap at sandalan ko. Naihi na ako and di na nagdalawang isip magcr given wala naman naramdaman ng first two nights. After nun higa ulit ng nakaharap sa bintana, idlip. Walang ginalaw sa mga bagay sa harap ko. Kaso…

“Psssssttt… pssssssssst..”

Napadilat ako saglit na groggy, same view nung una kong gising. Andun yung napapaisip ako if panaginup ba o ano.. plus may feeling na parang may humahatak sa katawan ko lumingon sa bakanteng kama, kaso talo ng antok ko kaya tulog na lang ulit.

Pagkagising ko ng 7am. Ganun pa rin pwesto ko and dun ako napa shet ano yon!?! bakit may mag psst? Narealize ko din di siya panaginip kasi nga same ng view bago ko matulog and paggising! TIL NOW NAPAPAISIP AKO ANO BUBUNGAD SAKIN PERO BUTI NA LANG DIN DI KO NILINGON HAHA. 😅

AT! Eto pa nakakaloka. paguwi namin manila, dun ko naisipan i search if may iba pa creepy story sa hotel na yun. Turns out meron nga stories online na nagmamatch sa hotel na yun, same floor pa namin 🥲 room 425 ata sa kanila, samin room 419 🥲 IDK. Pero buti at yun lang experience and never again. Huehue



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon