Mamang Puti na pugot ang ulo At Iba Pa

56 1 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa mga lamang lupa? O sa mga bagay na hindi maipaliwanag tulad ng mga nuno, maligno, kapre, white lady at kung anu-ano pa? Ako kasi, OO.

Ang kwento ko ngayon ay hango sa tunay na pangyayari. Bawal basahin bago matulog. 🫣

Tara, LET'S TAKUTAN, PARE.. 👻

Part 1 - Mamang Puti na pugot ang ulo.

Grade 4 ako ng lumipat kami ng bahay, from Sta.Mesa, to Pasig. Lumipat kami sa Pasig kahit hindi pa gaanong tapos gawin ang bahay namin.

(Noon pa man, usap usapan na sa lugar na yon na ang Pasig daw ay tapunan ng mga nasasalvage o mga pinapatay.)

Noong bago palang kami sa subdivision sa Pasig ay wala pa ganoong nakakabili ng mga lupa kaya medyo layo layo pa ang bahay. Mga bakanteng lote pa na may matataas na damo ang katabi ng mga bahay.

Ang kama namin noon ay DYI lang... plywood na may tungkod sa ilalim na nakasandal sa isang malaking bintana. Kasama pa namin ang lola ko na naglipat ng gamit at sya yung tagaalaga samin ng mga kapatid ko habang ang mga magulang ko ay busy sa pag asikaso sa pagpapagawa ng bahay.

Hatinggabi noon, ng biglang nagising ang lola ko nadinig daw nya kasi na may nagwawalis sa bakuran namin, sasawayin daw nya sana kasi maingay, nung pagtingin nya sa bintana, nakita nya yung mamang puti na pugot ang ulo. Matapang ang lola ko kaya lumabas pa sya para tignan talaga pero nawala na daw.

After non, yung kapatid ko naman mga 6 yo sya that time, ginigising nya ang lola namin para magpasama na umihi, kaso medyo d makabangon agad si lola,, Gulat na gulat ang kapatid ko dahil nung paglingon nya sa bintana, nandon nanaman yung mamang puti na pugot ang ulo. Dalidali nyang ginising si lola at nakita din ng lola ko, Nilabas nya ulit ito pero nawala na.

So eto na nga, time ko na para maexperience yon. Gawa na completely yung bahay namin. May sarisarili na kaming kwarto. At aware naman ako sa istroya ng mamang puti na pugot ang ulo. Isang beses, happy pa ko na lumabas sa sala para manood ng TV. Kaso mo, nung pagtingin ko sa bintana, may nakita akong mamang puti lumalakad sya (yung andar nya ay parang lumulutang ganon). Mula sa bintana, sinundan ko ng tingin.. tapos dumaan sa pinto, tapos dumaan sa kabilang bintana, dirediretcho lang sya.. napasigaw talaga ako, sabi ko "nakita nyo yon! nakita nyo yon!" Habang nakayakap ako sa lola ko.

Maraming nakakita don sa mamang puti na yon.
Ang sabi sabi lang nila may tinapon daw dati don na pari na pinugutan ng ulo at yun daw malamang yung nagmumulto.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎
Sana nabasa nyo na yung part 1. Para may idea na kayo sa ikkwento ko sa

Part 2. - Alay

Tara, LET'S TAKUTAN, PARE.

Pakitignan muna ang picture para may idea kayo sa ikkwento ko ngayon.

Yan ang garahe namin sa Pasig, katapat ng mga electric fan ay yung kinwento kong bintana kung saan laging nakikita yung mamang puti na pugot ang ulo.

Itong 1st pic na to ay bagong picture na.

Isang gabi, nagkayayaan mag inuman ang tropa ng kapatid ko. Dyan sila sa mismong table na yan nag inuman.

Yung kaibigan nila biglang napatingin don sa may bilog na nakasampay, gumagalaw mag isa kahit wala namang hangin.

As in lahat sila napatingin at nawala lahat ng amats nila dahil gumagalaw na parang hinahangin yung sampay.

2nd & 3rd pic
Nakita nyo naman yung itsura ng likod ng bahay namin dyan, parang tirahan na talaga ng ahas sa dami ng damo at matagal na hindi naayos talaga..

Pinalinis bigla ng katapid ko ang lugar na yan para daw lalagyan nya ng mga halaman at ng kulungan. Ng mga pusa nya.

Yung dulong part na yan ay lagayan ng tanke ng tubig, may malaking tangke yan sa taas tapos sa ilalim ay may poso.

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon