This was way back 2013 ata.
I used to work in Accent_re. Night shift ako noon. Nasa 12th floor kami. Around 2:30AM, medyo nakaramdam ako ng sakit ng tiyan so pumunta ako sa CR. Since night shift, wala masyadong tao. Pag pasok ko ng cr, mag-isa lang ako. Masaya akong jumejebs habang nagseselpon. mag-isa lang ako.
Edi eto ka na nga. Narinig ko bumukas yung pinto. So ako, tahimik lang. Nakikiramdam sa mga kilos. Aba, walang movements pagkatapos buksan yung pinto. Kinabahan ako ng very slight. Kasi bumubulwak yung pupu ko nun so pinipigilan ko. Nakakahiya eh. Curious ako kung sino ba yung pumasok kasi team lang namin yung night shift sa floor na yun. Aba, walang boses, foot steps, gripo sa sink, wala. Alam mo yung itsura mo kapag tinatry mo makinig? Imaginine mo ako na nakatagilid ng konti yung ulo tapos nakaforward yung side ng mukha para makinig. HAHA. Nakakatawa pero totoo yan. Siguro mga 30 seconds din lumipas, pinapakinggan ko, wala talaga. Kinakabahan na ko. Tapos biglang nagulat ako kasi may bumagsak na metal sa sahig. As in gulat shyet.
Tapos sabi ko, “hello?” “Prrreee?”
Walang sumagot. Pinakinggan ko pa rin kung may foot steps, tubig sa sink, kumuha ng tissue or bumukas ng pinto para lumabas, wala!!!!!!!
Dali-dali ako naghugas ng puwit. Yung napakalakas na bidet ng floor na masarap sa puwit. Habang ginagawa ko yun, nakikinig pa rin ako kasi baka prank lang. Wala talaga.
Paglabas ko ng cubicle, nakita ko yung takip ng trash bin nasa sahig na. Gulat talaga ako. Sabay takbo palabas. Pagbalik ko sa floor namin, tinignan ko kung may reaction yung mga kasama ko kasi baka nangttrip lang. Nakangisi ako kasi ready na ako makipagtawanan kung sakali. Wala talaga. Lahat busy nagttrabaho. Walang umamin ng kabalbalan kahit nung mga sumunod na araw. Haha.
Nakakabwisit yung multo na yun. Sumasama kahit sa pagtae.
**pic for reference para sa trash bin haha shuta
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.