Engkanto sa ilog

45 1 0
                                        

After saha ng saging. Share ko lng ung experience ko nung nakasama ko sa erpat ko dati. Nasa 2nd or 3rd yr highschool na ata ako nun. Mga year 2003.

"Engkanto sa ilog"

Nakakatawa isipin sa mga ndi naniniwala pero napatunayan ko na ung mga spiritual medium ay may mga ranking din sila. Parang base sa kakayahan nila. Kaya may ibang albularyo na ndi nla kaya pag malakas na elemento ung kalaban nla.

Isang gabi, naghahapunan kame ng may sumundo sa erpat ko sa bahay dahil may isang dalaga daw na ka brgy namin ang sinasapian at napakalakas,hindi nla makaya.

Sumama ako sa erpat ko. pagdating namin, nasa labas palang kame ng bahay, naririnig namin ung babae na nagwawala, nagsisisigaw at nkakakilabot ung boses nya na malaki at parang lalaki. Limang lalake din ung may hawak sakanya pero ndi sya kaya.
Dahil sanay na ako pag kasama si erpat, dahil binibilinan nya ako na pag sasama ako sakanya ay wag ako masyado lalapit dahil ung nga ganung sapi daw ay lumilipat pero sa mga taong mahihina ang naturalesa at may mga dinadalang problema. (pero awa ng Diyos di ako natalunan ng ganun😅)

Pagpasok ni erpat ng bahay. Nakta sya nung babae. Ung nagwawala na babae ay biglang yumuko. Tumingin ng pailalim at nagsalita, "ayoko dyan, paalisin nyo yan! Papatayin ako nyan" pero di na sya nagwawala at parang ilag at takot. Binitawan sya ng mga may hawak saknya. Hinawakan sya ni erpat sa isang daliri. (ganun kasi pag may sapi, bawat daliri sabi sakin ni erpat may katumbas daw un) dun nya inisa isa ung daliri mula sa hinlalaki gang sa hinliliit. Kumbaga parang pag hinlalaki ay dwende, hinliliit ay engkanto mga ganun, dko matandaan sori. 😅

Pag pisil nya sa daliri nung babae, nagsisigaw ung babae. Nakakakilabot, parang galing sa ilalim ng lupa. Malakas na boses na buo, na boses ng lalake. "aray! Ansaket!"
Nagmmakaawa na tama na daw ung gnagawa ng erpat ko at aalis na sya. Sinabihan sya ng erpat ko na tigilan na ung babae at wag na gagambalain.

Yung dalaga na pinuntahan nmin ay naligo sa ilog sa lugar namin. Dun sya nakita at sinundan nung engkanto na sumapi saknya at nagkagusto. Kwnto ng magulang ng babae ay bago masapian ang anak nila madalas nila sya mkita na prang lutang ang isip at madalas magpunta sa ilog.

Hindi na nagparamdam ung engkanto dun sa babae. Nakita ko sa sarili ko na kahit malakas ang kalaban. Hindi naman sa malakas si erpat bilang spiritual medium. Malakas din talaga ung dasal na baon nya kada aalis sya ng bahay. Dahil may mga Tumingin narin dw dti dun sa babae na pinuntahan nmin pero tinanggihan dahl malakas daw ung sumapi sakanya.

May maliit na chapel kame sa bahay namin dati, dun sya tumatanggap ng nagppatawas at nagppagamot ng wlang hinihinging bayad. Dun ako naging proud sa erpat ko. Kahit wla na sya, may mga naghhanap prn skanya dati.

Thank you admin.
Maya ko po post ung story nmin ni erpat sa bahay ng frnd ko





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon