BELGIAN MALINOIS
Kwento ito ng mga kaibigan ko na kasama sa org ng mga Belgian Malinois at mountaineering enthusiasts. Hindi daw nila ito madalas ikwento, as matter of fact, sa mga sobrang close friends lang. Itago natin ang mag-asawa sa pangalang JP at Cherry. We met in 2010, mas bata sila sa akin pero dahil nga sa mga alaga namin at sa mountaineering ay naging close na kami. Don't worry I made sure na ipinagpaalam ko sa kanila na isusulat ko ito.
Si JP ay laking Canada, pero naiwan sya ng ilang panahon sa lola nya before nakasunod sa parents nya sa Canada. Nag-stay na sya sa Pilipinas nun nagpakasal sila ni Cherry. Si Cherry naman ay taga-Batangas City pero empleyado sa Makati.
For almost 2 years since the wedding, hindi nagbuntis si Cherry kaya halos mga anak ang pagaalaga nila sa magkapatid na Burke at Mischa, mga BMs. Natutulog daw talaga ang mga ito sa kama nila sa gabi.
Then Cherry got pregnant. It was 2008. They were excited. Pinakahihintay nila ito at kambal pa! Pero, at first, ayaw muna nila sabihin kahit kanino at least until after the 3rd trimester. Middle of 4th month of pregnancy, bago pa sila nakapag-announce, ay namatay ang lola ni JP na nagpalaki sa kanya. He was heartbroken, sobrang mahal nya ang lola. Umuwi ang mga magulang ni JP from Canada and went straight to the province. While sina JP at Cherry ay susunod in a day or two. Sila pa ang naatasang mamili ng supplies for the wake. Hindi ko papangalanan ang province. Kilala eto sa hindi magandang imahe, hindi ako sang-ayon kasi nage-generalize lahat ng tagaroon kahit hindi naman sila “ganon”. Ayoko makadagdag sa bad rep kaya hindi ko sasabihin kung saan.
Probinsyana talaga kaya may kaba si Cherry dahil alam nya ang reputasyon ng probinsya, while si JP ay sabihin natin hindi naniniwala sa mga kababalaghan. Pero para hindi naman ma-offend or mainis si JP, patago ang pagdadala ng 2 kilong asin ni Cherry sa mga dala nilang supplies.
The day came na byahe na sila, maagang umalis ng Manila ang mag-asawa. They loaded their pick-up truck with their things and, of course, the BMs. Nagpilit na dumaan si Cherry sa bahay nila sa Batangas City since dun din naman sa port ang punta nila at madadaanan naman ang bahay. Masayang sinalubong ni Mang Jorge, ama ni Cherry, ang mag-asawa. Tinanggap ang mga pasalubong nila at sinabihan pa si Cherry na tumataba daw sya, hindi pa nito alam na buntis ang anak. Nagkaroon pagkakataon na nagkasarilinan ang mag-ama at sinabihan sya ni Mang Jorge na mag-ingat at ipagbabalot daw sya nito ng asin. Sabi naman nya na meron na nga siyang dala. After an hour or so, nagpaalam na ang mag-asawa. Bago sumakay sa pick-up ay masayang masayang in-announce nila kay Mang Jorge na buntis sya. Lumaki ang mata ng ama. Sinabing mag-antay sila saglit at patakbo itong pumasok sa bahay. Paglabas ay may dala itong backpack at dala na din si Hawk, another BM. Nagulat ang mag-asawa sa biglaang pagsama nila Mang Jorge at Hawk. Please note si Mang Jorge ay late 40s pa lang, matikas at malakas physically, another BM enthusiast.
Maayos ang byahe ng RORO na nasakyan nila. Nagkakatuwaan maging ang mga aso. Naaliw pa ang mga sakay ng barko kasi napakabait ng mga BM nila na pinayagan ng mga opisyal na makaakyat sa 1st level ng barko. After more than 2 hours’ drive from the port, paanan na kasi ng bundok ang area, late afternoon na ng marating nila ang ancestral house kung saan nakaburol ang lola. Pagdating nila ay napansin nila agad na halos sabay sabay na nagtinginan sa kanila ang mga bisita. Inisip nila dahil mga taga-Manila sila, makikinis at maputi at nakasakay sa magarang pick up. Pero at the same time, ang kaninang masasayang BMs ay biglang tumahimik at napakabilis na nagpalit ng stance. Biglang nag-security/defensive mode ang tatlo. Kung mahilig kayo sa working dogs, alam nyo ang itsura ng defensive or even aggressive stance nila. Halos ma-patid si Cherry sa paglalakad dahil nakadikit ang 3 aso sa paa nya at kahit anong taboy nila ay hindi umaalis sa pagitan ng mga paa nya.
Hindi pa iyon ang huling gabi ng lamay kaya hindi pa nila expected na marami ang dadating. Makakapag pahinga sila ng maayos. Pero in 3-4 hours, napakarami na’ng dumating. Tantya nila ay nasa 80 na. Nagkumahog ang mga nagaasikaso na magtimpla ng kape at mag-serve. Medyo malaki ang bahay nila at may foyer ito, doon nakahimlay ang lola, may pinto na naghihiwalay sa foyer at sala ng bahay. Makailang beses na pumasok sa bahay ang mommy ni JP dahil napapagod sa pag-istima ng mga bisita na hindi naman nya kilala, nasabi pa nya na hindi nya alam na ganun pala ka-popular ang lola ni JP. Pero sumabat ang isang matagal na nilang kasambahay na noon lang din nya nakita ang karamihan sa mga nagdatingan, at sinabing hindi man lang sila tumitikim ng kape at mga pagkaing nakahain. Medyo na-alert ang daddy at mommy ni JP kasi hindi naman kaila na may insurgency problem talaga sa lugar nila. Around 10PM, sila JP, Cherry at Mang Jorge ay kakwentuhan pa rin ng daddy ni JP sa sala. Kinausap ng pabulong ng kasambahay ang mommy ni JP, pagbalik sa sala ay isinara nito ang pinto, ini-lock. “Mga anak, may sasabihin ba kayo sa amin?” sabi ng mommy. Medyo nagulat sila pero sinabi na rin nila na buntis si Cherry at gusto lang nila palipasin ang libing bago sabihin sa lahat. Masaya ang mga magulang pero sobrang nag-aalala na sila dahil alam na nila kung bakit ‘dumagsa’ ang mga bisita. Kung bakit naman sa “kanila” pa nila nalaman ang ‘magandang balita’. Sa mga panahong ito ay heightened alert na din ang mga aso, pati ang mga alagang aspin ng mga lola ay nagpasukan sa loob at kung bakit pumwesto sa harap ng pinto ng foyer na parang nag-aantay kung may papasok. Si Mischa ay nakaupo at halos buong katawan nya ay sa kandungan ni Cherry nakapatong. Before all this ay nailabas naman na ni Cherry ang mga asin sa luggage at nailagay na sa malapit sa tabi nya. Sinabihan ng mommy na sa sala lang sila at wag lalabas. Akmang lalabas ulit sa foyer ang mommy at daddy ng pagbukas ng pinto ay nakaharap ang mga bisita sa pinto. Yun ba’ng pagbukas ng pinto ay mukha na ng tao ang bubungad. Naibagsak ng mag-asawa ang pinto sa takot at napaatras. Maya maya ay nagpupumilit na pumasok ang mga ito sa bahay. Nagkagulo na ang mga aso, at bigla nga bumukas ang pinto. Sinabihan sila ng mga ito na hindi nila gusto ng gulo ang gusto lang ay ibigay si Cherry sa kanila. Ibang iba ang itsura nila. Hindi naman sila mukang aswang (sa alam nating itsura ng aswang) pero halos naglalaway sa pagkakatingin sa tyan ni Cherry. Namumula din ang mga mata at ang mga ngipin nila ay parang maliliit na pangil. Doon na inilabas ni Mang Jorge ang laman ng backpack niya. Dalawang buntot-page iyon, ibinigay nya kay JP ang isa at sinabihang lahat ng kaya mo idasal, idasal mo na. Abot langit ang pakiusap ng mommy ni JP na pabayaan na si Cherry pero lalo sila dumadami na pumapasok sa bahay, hindi na nila alam kung ilan ang mga ito. Dito na nagkagulo. Ang mga aspin ay pumwesto sa likod nila at handa din lumaban. Habang palapit sa kanila ang mga aswang ay napaatras sila hanggang pader na ang likod nila at wala na sila susulingan. Isang medyo bata pa’ng “aswang” ang hindi nakapigil na tumakbo papunta kay Cherry, na mabilis namang nakagat ni Mischa. Ito ang nag-umpisa ng gulo. Niyakap ng mommy si Cherry habang ang mga lalaki ay lumaban gamit ang buntot-page. Ang mga BM ay halos magpakamatay sa pagkagat at paglapa sa mga taong pumasok sa bahay. Makailang beses na humampas sa pader ang katawan ng mga aso pero bumabangon at tuloy ang lapa kung sino ang abutin. Kabikabila din ang saboy nila ng asin. Napakahabang 10 minutes ng buhay nila ang dumaan. Biglang may umalingawngaw na putok ng baril. Ang ilang mga “aswang” na naroon pa ay tumakbo. Dumating pala ang mga kababata ng mga daddy at mommy ni JP na ang ilan ay pulis, makikiramay sana pero malayo pa sila ay narinig na nila na may nangyayari sa loob kaya binilisan nila at inabutan ang gulo. Matapos ang gulo, sira ang mga gamit, basag ang mga plorera, at nagkalat ang dugo. Marami ay dugo nila JP, sa daddy nya at kay Mang Jorge. Nang bumaba na ang adrenaline, humandusay ang mga aso. Halatang binigay nila ang lahat sa kanila. Si Burke ay wakwak ang dibdib, si Hawk ay may malaking sugat sa batok at si Mischa na hindi halos umalis sa tabi ni Cherry ay bumagsak din at habol ang hininga. Hindi kaya ng mag-asawa ang itsura ng mga alaga kaya kahit 11pm na, isinakay nila sa pick-up at tinakbo sa bayan, sumama ang buong pamilya dahil kailangan din nila ipa-ER ang sarili nila.
Naghihingalo na ang 3 aso nang dumating sa ER. Tinanggap naman sila ng ospital kahit mga aso at agad nagpatawag ng vet. Maraming vet sa lugar na ito dahil agri area. 3 vet agad ang dumating na nakapangtulog na. Naisalba ang buhay ng mga aso. May durog ang panga, may bali-bali ang tadyang, kulang-kulang na ang mga ngipin at pangil, at si Burke ay kinailangang salinan ng dugo.
Nang kinukuhanan na sila ng statements, at ikinwento na nila ang mga nangyari, sabi ng mga doctor, “.. no doubt naniniwala kami sa lahat ng sinabi nyo pero hindi namin pwede ilagay sa medical records.” In short, hindi binayaran ng insurance ang mga kagat ng ‘aswang’.
Kinabukasan ay madaliang ipina-cremate ang lola. At same day ay lumuwas na sila ng Manila. Even ang mga pulis sa area ay nagsabing kilala nila exactly kung sino sino ang mga nakasagupa ng pamilya dahil sa mga sugat ng mga ito noong nagronda sila sa lugar ilang araw matapos ang pangyayari. Wala naman sila magawa dahil hindi naman pwedeng arestuhin, ano nga naman ang ikakaso nila.
All 3 dogs are still alive and thriving, senior na nga lang sila. Nadagdagan na rin another set of twins ang pamilya nila JP at Cherry, total of 4 kids now. Madalas sabihin ng mag-asawa na hindi nila ma-imagine ang time na mawawala na even 1 of the dogs. Utang nilang maliwanag buhay nila sa mga ito.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.