TAWA
October 9, 2020 mga alas kwatro ng hapon. Di malilimutan ‘to kasi nangyari a day after my wedding. Pumunta kami sa property ng husband ko para icheck sa pina expand naming babuyan. Andun si hubby (H), 2 years old na pamangkin, father-in-law at si Manoy Wilson na tito ni H, nag-aayos sa water supply. Maraming puno sa lupa nila tulad ng acacia, goma, cacao, santol, lansones, mangga, niyog, guyabano, marang. Pinili naming na magpatayo ng babuyan doon kasi malilim, malamig at malapit lang sa kalsada. May malaking puno ng mangga sa likod ng babuyan pero hindi na namumunga. Masarap tumambay doon lalo na hapon na kasi malamig at maaliwalas.
Chineck ko cellphone ko kasi marami nang missed call sa Yaya Goyang at Tatay Upong. Tinawagan ko silang dalawa, una si Yaya kausap pero mas matagal kami nag usap ni Tatay Upong. Cellphone nila ay keypad na mahina dahil sa quality ng cellphone. Masaya kami nag usap nang biglang may biglang nag intercept sa linya ko. Boses ng lalaki, malalim na malakas at gumagaralgal (growling).
“Tay, di nako madungog imo giistorya,” sabi ko. (Tag.: Tay, hindi kita marinig)
Patuloy lang nag usap si Tatay sa kabilang linya pero ang boses ng lalaki patuloy parin. Napahinto ako at nakinig nang mabuti. May-ari ng boses ay malaking lalaki … imagine Khal Drogo na boses, pero di ko matukoy anong linggwahe. Maya-maya nagpakawala siya ng mahinang tawa, nagsitayuan ang balahibo ko, di na marinig boses ni Tatay Upong, parang nangungutya ang lalaki sabay tawa ng malakas.
“Tay! Ugma na ta magstorya kay saba kayo diri!” (Transl.: Tay, bukas na tayo magusap kasi maingay dito) sabi ko sabay off ng tawag. Walang ibang tao sa lugar maliban kaming lima lang. Abala sila tatlo sa babuyan na tila walang nangyari. Niyaya ko si H umuwi na sa bahay kay baka matagalan pa sila matapos mag ayos sa water hose.📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.