Lutaw

36 2 0
                                        

⚠️ LONG POST AHEAD ⚠️

“Lutaw”

Second Encounter - 2001-2002

By this time, may idea na po dapat kayo kung ano yung lutaw. Kung hindi pa, pakisearch nalang po dito sa group yung 1st encounter ko so you can follow along.

Nasa high school nako nung naranasan ko ung pangalawang experience ko sa lutaw. Walang pasok nun kaya bumisita ako sa mga pinsan ko at dun mag oovernight. That time, pinsan ko lang nasa bahay kasi nag bakasyon family nya. Kaya nung nabalitaan ng mga tropa namin na bumisita ako at dun matutulog, nakitambay na rin sila sa bahay.

Kwentuhan, halakhakan...the usual friend stuff. Mga past 10 PM na siguro nun nung nag start na kaming mag dahan dahang magprep para matulog na. Bale 5 kaming lahat including kami ng pinsan ko. Napagpasyahan naming sa sala nalang lahat matulog. Nilabas namin ung mga kutson at humiga na. Pwesto namin is nasa left side ung main door tapos ung ulunan namin nasa may kalsada.

Habang nakahiga, sige pa rin kwentuhan pero mahina nalang ung mga boses namin. After a while may naamoy kaming masangsang. Kakaiba talaga ang amoy. Di mo maipapaliwanag. Di lang sya yung tipong nabubulok. Unique kumbaga ung baho. Bigla kaming natigil sa kwentuhan. Lights off pa naman maliban sa ilaw na nasa bandang kusina na may kalayuan.

Makalipas ang 20 minutes siguro, ayan na. Narinig na naming may naglalakad sa daan. Lakad na parang nakatungkod. Ganon yung tunog ng bawat yabag. Wala na raw kasing paa mismo yung lutaw kasi naagnas na. Bale ang natira nalang e ung mismong buto kaya ganon ang tunog ng yabag nila. At sino ba naman ang maglalakad ng ganong oras at dahan dahan pa. Isa pa wala namang nakatungkod na kapitbahay dun. Nagpaikot ikot lang ang lutaw ng mga 15 minutes siguro tapos bigla nalang nawala.

Kung tatanungin nyo ako kung nakakita na ba ako ng lutaw? Hindi pa at ayoko na ring pangarapin pa. Ayon sa mga nakakita na, di daw talaga maipinta ang itsura ng lutaw kasi naaagnas na yung buong kaanyuan neto. At mamalasin daw kung sino man ang makakakita dito.

-END-



📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon