CHARLIE CHARLIE, ARE YOU HERE? AND CAMPING

65 0 0
                                        

CHARLIE CHARLIE, ARE YOU HERE? AND CAMPING

Hello spookify and readers! It's Mina again ‘yung sender ng GUWARDYA. Dalawang story po ito pinagsama ko na lang po na isend pero hindi naman po kayo malilito. True story po ito na nangyari sa akin nung bata pa ako

CHARLIE CHARLIE, ARE YOU HERE?
Sa Las Piñas ako nag-aaral nu’ng elementary and dito ako sa somewhere in calabarzon nakatira pero tingin ko magkaka ideya kayo kung saan ako nakatira pero ayos lang. Hindi ko na po sasabihin ang buong pangalan ng school pero magbibigay na lang po ako ng clue (ZES) ‘yan po sa mga nag-aral diyan nung elementary hi sa inyo!Sa pagkakatanda ko nangyari ‘to nu’ng grade 5 ako, nasa classroom kami wala pang teacher ata or breaktime namin nakalimutan ko na. Usong-uso pa ‘yung ‘charlie Charlie are you here?’ dahil alam ko sa internet ito sumikat so dahil wala naman kami ginagawa napag-isipan naming buong class na laruin ‘yon, sinara namin pinto, efan para wala talagang hangin. Nagpalibot kaming lahat at nagsulat na sa papel ng dalawang yes and no merong dalawang lapis bali ipapatong ang isang lapis sa isa pa kaya mag mumukha itong pa + nu’ng nai-balance na ay nagsalita kami ng “charlie charlie, are you here?” wala pa rin nangyayari sa lapis kaya inulit namin ng ilang beses hanggang sa biglang umikot ang lapis at tumapat sa ‘yes’ tinignan ko ang mga classmate ko dahil baka hinipan lang nila pero walang naghipan dahil lahat kami ay nakatutok sa papel at lapis. Nag takbuhan kami at binuksan namin ang pinto dahil sa takot hindi na namin pinag-usapan ‘yon pero nag dasal ako pagtapos no’n.

Ngayon alam ko na hindi dapat tayo naglalaro ng mga ganon katulad ng spirit of the glass kung saan nakakatawag tayo ng spiritu dahil delikado ito, hindi namin naisip ‘yon noon dahil nga mga bata pa kami.
_________________

CAMPING
Ito naman po ang nakakatakot na naranasan ko nung girl scout ako.

Nangyari pa rin ito sa eskwelahan kung saan kami nag ‘charlie charlie, are you here?’. Grade 6 ako ng sumali kami ng mga classmate ko sa girl scout, may camping kami friday ‘yon pagtapos ng uwian sa hapon hindi na kami umuwi sa mga bahay namin dahil mapapagod lang kami kaya dinala na namin sa school ang mga camping bag namen. So gabi na nag bonfire kami, kantahan nung natapos na pinagpahinga na kami dahil maaga pa kami gigising.

Ginising na kaming lahat ng pagka aga-aga dahil mag e-excercise, pagtapos ng exercise tinuruan kami ng iba't-ibang knots tas sinabihan kami na gumawa ng yell or ‘yung pang cheering na kanta tapos logo ng group namin, nahati kasi kami sa apat na grupo section 2 ako and kasama ko ibang classmate ko pati ibang section 1. Gabi na ulit,  ‘yung room nga pala na naging kwarto namin ay malapit sa hagdan paakyat sa second floor so medyo nasa dulo kami, ‘yung building kung nasaan ang room namin ay hanggang dalawang floor lang tapos kapag sumilip ka naman sa bintana ng room ay nandoon ang garden, kaya kapag bukas anh bintana ay makikita mo ang garden. Nag pa-practice kami ng yell namin non sigaw-sigaw and sayaw na rin pero hindi ‘yung sayaw na todo, hindi naka bukas wall fan namin non dahil sira ‘yon pati ‘yung takip. May kasama kaming isang teacher nasa pintuan siya dahil binabantayan niya kami and pinapanood na rin ng maka rinig kami ng ingay pag tingin namin sa wall fan p*cha umiikot pero dahil sira nga ang takip natama ‘yung mga elisi ng fan sa takip kaya maingay siya, ‘yung teacher na nagbabantay samin nagulat din dahil bigla na lang itong umandar malapit sa pinto ‘yung switch ng fan ay malapit sa pinto katabi ng teacher namin kung saan siya nakatayo, mas nagulat kami ng pagtingin namin hindi ‘to naka on. Pinindot ang switch ng fan para i-on and off at namatay din ito, ‘yung teacher na nagbabantay samin tinawag niya ‘yung ibang teacher and sinabihan kami na itigil na ang ginagawa namin dahil gabi na rin daw at mag pahinga na. Hindi ako natulog agad nu’ng gabi na ‘yon pero nakahiga na ako sabi ko baka dahil sa ingay namin kaya may nagpa ramdam naingayan siguro natulog na rin ako dahil uuwi na kami kinabukasan and wala na rin namang nangyari na kakaiba. Nag enjoy pa rin ako kahit ganon ang nangyari, dapat talaga mag respetuhan lang mapa tao man o spirit para walang nagagambala/nagagalit.

Mina
somewhere in calabarzon




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon