Aswang

82 2 0
                                        

ASWANG!!

ung iba ang sabe nila urban legend.. kwento lang yan panakot sa mga bata . pero yung totoo talagang nasa mundo natin sila.

Yung time na ung mga pamangkin ko at mga kaibigan nila hilig sa mga camping at adventure eh naisipan nila mag bakasyon sa lualgar namin (BICOL)

So eto nga year (2010) bale 8 kame lahat sinabihan ko hng mga pamangkin ko at mga kaibigan nila walang kuryente sa lugar namin at ang tubig sa amin iniigib lang sa balon excited sila kasi nga 1st time nila mararanasan un ganun kasi mga laking maynila nga. at sinabihan ko din sila na wag na lalabas ng bahay kapag 6pm na. So eto dumating na kame sa lugar namin sa BICOL halis isang oras din kame nag lakad papunta dun sa bahay  ng tiyuhin ko. Nagulat  nga eto nung dumating kame at sinabe nya bakit ngaun kayo nag punta dito panahon ng aswang na bulag!

Nawala din sa isip ko na kapag ganun panahon eh kahit sila ay takot na takot dahil ang mga aswang na bulag ay mga aswang na talagang lumalapa ng tao. At ang aswang nitonay grupo kapag umatake mga aswang na matatangkad na payat at mukhang nito parang mga aso na mahahaba at matutulis na tenga.

1st day namin normal lang masaya adventure talaga kumakain kame  ng bukob at umiigib kame ng pang inumin namin sa balon pero ako aware na ko sa lugar namin kaya kapag may nararamdaman at nakikita na kung maligno at pinapauwi ko na sila.

2nd day dito nag simula ang kinakatakutan ng tiyuhin ko tinatawag ako nito at sinabihan kumuha ng buho ng kawayan at lagyan kada poste ng kubo namin at ung mga pamangkin ko naman nag taka sa ginagawa namin ng tiyuhin ko sinabihan ko lang sila pinapatibay namin ung bahay kasi may bagyo na dadating..

3rd day mag alas singko ng hapon dito na nag simula ang kababalaghan na hinding hindi ko malilimutan lalo na ng mga pamangkin ko at kaibigan nya nung nag gabe na talaga pinapasok na namin sila sa bahay ang nilick na ang pinto agad agad bigla eh may nararamdaman na kame parang mga tumatakbo dun sa labas ng bahay parang mga tao na tumatakbo paikot sa bahay at maya maya eh may kaluskos na kameng naririnig sa bubong at kasabay nun nakakaamoy na kame ng mabahong amoy na hindi mo maamoy sa ibang lugar sa tanang buhay mo.. Dito ay hindi pa sila gaano takot at sinasabe nila mga ibon lang kuya eh pero nung tumagal pa nakakarinig na din sila ng mga tila ba kalabaw na hinihingal sa pagod at ung kaluskos sa buong ay palakas ng palakas pa tila ba gustong pumasok sa loob ng bahay..

Kaya naman etong tiyuhin ko kumuha ng mainit na tubig at binuhos sa dingding namin para mag alisin ang mga eto. maya maya tila naman umalis ang mga toh pero pag kalipas ng ilan oras bumalik na naman ang mga nilalang na toh tila ba hinihintay nila kame lumabas. kay eto naman kaibigan ng pinsan ko naisipan silipin sa butas ung mga nilalang na un at laking gulat nya pag silip nya sa butas eh may matang pulang pula din ang nakasilip dun sa butas at ung tinusok ng tiyuhin ko ung mata un bigla etong tumakbo.. ang sinilip namin toh nakita namin apat na nilalang ang nakita namin nagtatakbuhan palayo sa bahay

kinabukas nabalitaan din namin na ung sementeryo sa lugar namin at bukas ang mga puntod at nawawala ang mga laman nito.

4th day ang akala namin tapos na at akala din ng tiyuhin ko at d na babalik ang mga aswang na un dun kame nag kamamele nasa biranda kame nun nagkwekwentuhan sa nangyare nang biglang may malaking baboy tumalon sa biranda namin buti na lang at nandun tiyuhin ko nataga agad nya toh at ung baboy talagang lumalaban tiyak hayup na hayuk lumapa ng tao halos mag unahan kame sa loob ng pinto para makapasok sa loob ng bahay.  at nag hintay na lang kame uli mag umaga at nag balikan na kame sa maynila imbes na 1week na bakasyon ay naging apat na araw na lang dahil sa karanasan na yan..


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon