Ang Lalaking Nakasabit

16 1 0
                                    

Ang Lalaking Nakasabit

Nangyari ito ng mga 6 o 7 years old lang ako nung umupa kami ng bahay sa may Prudencio Street sa Maynila.

Maganda naman ang compound na yun, puno ang mga unit ng umuupa. Sa ground floor, pagpasok ng gate, makikita mo ang parang baliktad na U, kaliwa't kanan ang mga paupahan at sa gitna ang L shaped na hagdan papunta naman sa main house sa 2nd floor. Dito kami sa palapag na ito nakatira.

Pag pasok mo sa pintuan, sa kaliwa ang kuwarto namin, sa gitna ang common area/sala, at sa kanan ang kuwarto ng magina (landlady at anak na binatilyo). Sa tabi ng kuwarto nila, utility area (labahan, lababong hugasan, sampayan, and toilet & bath).

Isang gabi, nagising ako because I needed to pee. Walang T&B ang kuwarto namin, kaya need ko lumabas ng kuwarto. Sadya lang sigurong hindi ako matatakutin kaya hindi ko na ginising pa ang nanay o ate ko para magpasama.

Nakarating naman ako sa CR at nakawiwi ng walang problema. Pero nung pabalik ako sa kuwarto namin, ito ang nangyari.

Naglalakad ako sa common area ng biglang naumpog ang ulo at noo ko. Hindi ko alam kung saan, wala naman nakaharang nung una akong dumaan. Confused ako, kaya tumingala ako. Nakakita ako ng 2 paa at nung sinundan ko ng tingin, nakita ko ang lalaking nakalambitin. Alam niyo yung pakiramdam na madilim, pero itong naaaninag niyo parang mas maitim pa? Ganun yung nakita ko. At sa pagtingin ko pa, nakita ko na parang nakabaling sa isang side yung ulo nung nakalambitin at bakit parang may nakalabas na parang dila.

Natakot ako, pero hindi ako makasigaw. Umiwas ako sa mga paa at dumiretso sa kuwarto namin. Hindi na ako uminom ng tubig dahil baka mawiwi na naman ako kaya straight to bed at tulog ako.

Kinabukasan:

Sinabi ko sa nanay ko ang nakita ko at pinakapa ko pa yung ulo ko dahil may maliit na bukol kung saan ako tinamaan ng paa. Pagkatapos nun, hinila ko pa siya para ipakita kung saan ako naumpog. Wala siyang sinabi at pinasok lang ako sa kuwarto. Hindi ko matandaan kung sino ang nakausap ng nanay ko ng kinahapunan nung araw matapos ako "mauntog." Ang narinig ko at natatandaan ko na sinabi nung kausap ni mommy ay

1. May magasawang nakatira dati sa itaas (2nd floor at malamang sa kuwarto namin)

2. Selosa ang asawa na babae kaya ipinakulam ang lalaki.

3. Ibinaon ng babae ang larawan ng lalaki sa hagdan ng bahay gawa ng sabi ng mangkukulam. Ito daw ay para nahahakbangan ang lalaki (parang passed over sa mga opportunity sa work, etc)

4. Hindi nakuntento si girl. Ang ginawa daw ng mangkukulam ay pinasaniban ang lalaki at pinat0r ture sa mga dark elements.

5. Dahil sa mga kamalasan, dahil na din daw malamang sa sanib at d€mon!c t0rtyur, nabaliw ang lalaki at piniling mag un alive ng sarili gamit ang lubid.

Nang marinig ni mommy ang kuwento, nagdesisyon siya na umalis kami sa bahay na yun. Pero, bago kami makaalis, may mga karanasan pa ako sa bahay na iyun na talaga naman nakakakilabot.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon