SO CLEAN, SO GOOD
Share ko lang ang experience namin sa hotel na 'to. Alam niyo na yung tinutukoy ko. Basta yung mga 'so clean, so good' yun na yun.
Mahilig kami mag-rides ng boyfriend ko. Tapos kapag ginabi naghahanap na lang kami ng matuluyan. That night, nakita namin 'tong red na hotel na 'to kaya doon na lang kami nag-check.
Pagpasok ko pa lang sa room, naweirduhan na ako kasi diba parang may naririnig kami na ingay sa kabilang room. Alam mo yung parang violin na parang instrumental, ganun. Eh medyo sana na kami mag-check in sa ganun pero first time ko makarinig ng tugtog sa kabilang room.
Hindi ko na lang pinansin. Ayun, kumain muna kami ng boyfriend ko tapos kwentuhan hanggang sa nag-decide na ako mag-shower. Alam mo naman dapat clean muna bago matulog ganun.
Kalagitnaan ng pagligo ko, katok nang katok yung boyfriend ko. Sinasabi ko lang na wait kasi patapos na ako. Atat na atat kasi eh.
Hindi siya sumagot. Maya-maya kumatok na naman. Edi nainis na ako,
"Ano ba sabing wait eh, hindi ka makapag-antay?"
Tapos wala pa rin siyang sagot. Iniisip ko baka nagtampo yun. Maya-maya kumatok ulit. Sa asar ko kinuha ko na yung towel kase basang-basa pa ako. Inis na inis na talaga. Pero laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto walang tao!!! Tapos yung boyfriend ko, humihilik at ang sarap ng tulog.
Nilapitan ko siya baka kamo pinagtripan ako. Pero tulog na tulog talaga. Kinabahan na ako nun. Dagdag pa yung tugtog sa kabilang kwarto na parang 'ugoy ng duyan'. Hindi na talaga ako nakatulog nun dahil medyo cre3py talaga yung place.
Pagtunog ng alarm ng boyfriend ko, gising pa rin ako. Early check out kasi kami kaya nagpa-alarm siya. Sinabi ko sa kanya yung nangyari pero ayaw niyang maniwala.
Paglabas namin, may nakasalubong kaming janitor. Nakayuko siya pero kinausap ko pa rin. Sabi ko,
"Kuya, bakit po rinig na rinig yung tugtog sa kabilang kwarto. Hindi tuloy kami makatulog..."
"Saan pong kwarto ma'am? Kayo lang po kase ang naka-check in sa hallway na 'to..."
Parehas kaming gulat ng boyfriend ko. Hinila ako ng boyfriend ko sabay binulong niya sa akin paglabas na hindi na raw kami babalik doon at dumaan muna raw kaming simbahan baka raw kasi sinundan kami.
Ele
2023
UC📜FEU Secret Files
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.