Premonition

43 0 0
                                        

Premonition

Long post ahead, pagpasensyahan  na po at hindi po ako story teller at medyo hindi ko alam kung pano ikkwento..

This post is related dun sa nakita kong shinare dito sa group tungkol sa mga taong napipicturan ng walang ulo. Since I had a similar experience, not mine pero nangyari sa asawa ko. Kahit ako personally, pinalaki kami sa family na hindi mahilig sa superstition pero after this, lagi ko na lng sinasabi sa sarili ko na wala nmang mawawala kung ika'y maniniwala.

The picture below was taken sa MOA grounds sa isang car club na member yung asawa ko nung October 2014. Sya yung mismong naka yellow na katabi ng sasakyan namin, siya din yung unang commenter sa pic kasi natakot tlga sya. This was there first Grand EB & Anniversay celebration and dahil pioneer member yung asawa ko, ang member ID nya is #14.

Nung nakita nya yung picture na yan and pinakita nya sa mama and tita nya, he was told na sunugin lahat ng suot nya from head to toe, pero I didn't know kung bakit hindi nya ginawa, sabi ko naman, wala nmng masama kung susundin namin yung sabi ng matatanda. Then after a few weeks/months, nakalimutan na din namin yung picture na to.

Na realize lang namin lahat after nung aksidente na nangyari sa asawa ko nung Dec 14,2014. Nasa Pangasinan yung byenan ko at asawa ko kasama mga pinsan nya para dumalaw sa mgakamag anak dun, dahil nsa manila ako at may  work, ang kwento sakin, yung asawa ko daw yung nagpipilit na maghanap ng resort hotel na matutuluyan para makapagswim sya bago matulog. Yung asawa ko daw tlga yung na abala na maghanap ng matutuluyan at hindi sya tumigil hanngat walang nahahanap. Dumating daw sila dun sa napiling resort ng mga 8pm maliit lang daw yung lugar and walang ibang guest kundisila lang., Nag dinner lang daw sila saglit, nagkayayaan mag swim tapos kanya kanyang pahinga na.

Patulog na daw sana yung yung byenan ko kaso napansin nya na wala pa yung asawa ko sa kabilang kama, pinahanap  daw yung asawa ko pero hindi makita. huling nakita daw ng pinsan nya sa may swimming pool kasi sabay silang lumusong after mag dinner pero naunang bumalik sa kwarto yung pinsan ng asawa ko at naiwan sya mag isa naliligo sa pool. Ilang beses nila inikutan yung sa may pool side pero wala dun. Eventually, yung tito ng asawa ko yung nakapansin na may tao sa ilalim ng pool na nakahiga, at dun na nila nakita yung asawa kong wala ng malay. Dinala daw agad nila sa pinakamalapit na ospital pero hindi na kinaya. Until now, palaisipan pa din kung ano ang nangyre and kung bakit yung nangyari.

Medyo bizarre yung pagkawala ng asawa ko kasi, nalunod sya sa isang 4ft na swimming pool somewhere in Binalonan, Pangasinan (hindi ko na maalala yungname ng resort). 5'7 height ng asawa ko, wala syang alcohol sa katawan and based sa autopsy, normal lahat ng internal organs nya, walang internal bleeding at lalong walang foul play. Ang sabi sabi, may nangunguha daw tlga sa resort na yun, parang 2nd accident na nangyari yun dun and na publish pa daw sa local newspaper yun ng Binalonan. Unfortunately, wala din cctv sa resort nung nangyari yun and medyo madilim daw sa part ng pool kaya hindi napansin nung mga unang naghanap sa asawa ko kung may tao sa loob ng pool. Kahit mahirap, kailangan din naming tanggapin ang nangyari para na din sa ikatatahimik ng kaluluwa ng asawa ko.

As mentioned sobrang naging significant ng #14 samin, mga pang everyday encounters & this:  Pang number 14 member yung asawa ko sa club na sinalihan nya kung saan sya nakuhaan ng picture na walang ulo, Dec 14, 2014 sya nung kinuha sya ni Lord & 14 days yung funeral dahil hindi agad nailuwas yung remains ng asawa ko from Binalonan. Also, as per research ko noon sa sobrang significant ng #14 --  number 14 signifies 'guaranteed death' since this number is considered as the worst among all unlucky numbers. I don't know how true pero, again, wala namang mawwala kung maniniwala.


📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎


[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon