Bilisan Mo Mag-Drive

45 0 0
                                        

Not exactly a travel related story but it’s the scariest thing I have experienced. I think 2011 ito nangyari.

Tuwing New Year’s eve, pumupunta sa bahay namin yung relatives namin sa mother’s side. 20 mins away lang kasi sila sa amin kaya sinusundo namin sila para sa amin na mag-celebrate ng bagong taon. Around 3am uwian time na at kaming magkakapatid ang naghatid pabalik sa relatives namin. Tatlo kaming magkakapatid, kuya ko ang nagda-drive, yung bunso na lalake din ang shotgun seat, at ako sa likod dahil middle child na nga, babae pa.

Ok naman yung byahe papunta sa compound ng relatives namin kasi marami kami sa sasakyan. Pero nung pauwi na, kami na lang ang nasa daan. Dahil ako lang mag-isa sa likod, takot ako kasi may dadaanan kaming notorious na may nagpapakitang kaluluwa. Lingon ako nang lingon hoping na may makasabay kaming motorista. Hindi ko namalayan na nandun na kami sa notorious na lugar kasi madilim at walang poste ng ilaw. Nung lumingon ako para ulit tingnan kung may kasabay ba kami sa likod na ibang sasakyan, may nakita akong nakasakay sa loob ng van namin. Babaeng duguan, walang mata, at nakabukas ang bibig. Dali dali akong tumabi sa gitna ng dalawa kong kapatid pagkakita ko nun. Tinanong pa ako ng kuya ko kung bakit at ang sabi ko na lang “bilisan mo mag drive.”

Kwinento ko sakanila pag-uwi at shocked sila sa nakita ko. Pero naniwala sila sakin kasi kilala talaga yung lugar na yun samin. Tapunan kasi ng bangkay. Bilang nasa liblib na probinsya kami at just-another-day lang ang kwentong may pinatay, may mga naging kilalang lugar din na naging “tapunan.” Kwinento ko din ito sa mga kaklase ko noon at isa-isa na silng nagkwento ng kanya-kanya nilanh experience o kwento ng mga kilala nilang naka-experience.

Kinikilabutan pa din ako tuwing naalala ko yung itsura ng nakita ko. Base sa mga kwento may tinapon daw doon na ginahasa at di ko alam kung iisang tao lang ba yun pero sana matahimik na ang kaluluwa nya. 🙏🏽

Yun lamang po.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon