AMPARO SUBDIVISION
Share ko lang yung story ng erpat ko, Nangyari ito nuon pa,kabisado ko na itong kwento kasi hanggang ngayon lagi pa din nya kwento samin at hinde nagbabago ang sequence.
Taga Novaliches kami Zabarte to be exact, dun na kmi pinanganak ng mga kapatid ko kaya naabutan namin na hinde pa sya developed. wala pang SM fairview at pag mamasyal ka is sa Cubao ka pa pupunta or sa Bayan.
Sa Coke nag work ang tatay ko sa Bagbag sya dati naka assign at nalipat sa Lagro Sales Office at isa sa area nya ay ang Amparo Subdivision, malaki ang subdivision na yun mapuno, masukal, ma bangin at hinde pa sementado ang kalsada, malapit lang sa LaMesa Dam (try google earth) at konti pa lang ang nakatira.
One day month of June mga 4pm nag punta sya sa isang Wholesaler named Jorlet at ang kasama nyang diser si Jonel. Ipapakilala ang tatay ko sa mga tindahan sa subdivision at para makapag survey din. Binigyan ni Jonel ng mapa ng subd. ang tatay ko na may mga tindahan ng pupuntahan nila at sinabi na sundan sila at mag convoy. Sakay ng blue na Van si Jonel at Jorlet at Suzuki minivan (red) naman sa tatay ko.
Umuulan nung panahon na yun kaya medyo di clear ang visibility, maputik ang kalsada at hindi makatakbo ng matulin. Maraming street ang subd at ang mga bahay ay magkakalayo, puro talahiban pa at puno kaya medyo hindi na napansin ng erpat ko kung asan na sila Jonel at napagiwanan na sya.
Nag check sya ng mapa at ang pinaka malapit sa lugar nya ay ang JESTAN store, “siguro dun ang punta nila Jonel”. habang tinitingnan nya ang mapa meron isang street na wala sa map at ito ang pinakamadali na daan papunta dun sa JESTAN Store. Nagalit pa nga daw sya nuon sa Diser nya at sinabing "tingnan mo to may kinalimutan pang street". Iniliko nya papasok sa street na yun at nag drive syang muli, halos wala ng kabahayan ang dinadaanan nya at habang nag dadrive may nakita syang Bahay Kubo na may nakadungaw na matanda sa bintana.
natural lang na nagtanong sya, "may dumaan bang blue na Van dito?" at kumaway lang ang matanda hindi na nagsalita at parang pinapahiwatig ay derecho ka lang. Di naman nag isip ng anything about dun sa matanda basta drive lang,medyo dumidilim na din at past 5pm na at umuulan pa kaya kailangan na din nya marating ang pupuntahan.
Habang nagddrive, ayun na! natatanaw na yung Jestan Store. pero bago nya marating yung tindahan ay may madadaanan uli na 2 magkatapatan na Bahay Kubo at sa bawat tapat nito ay may nakatayong matanda na may mahahabang buhok na di madistinguished kung lalake o babae, ang suot nila ay gawa sa anahaw at pareho nakatingin sa paparating nyang van. Nang malapit ng tumapat ang tatay ko at nasinagan na ng headlight ang kubo, napansin na lang nya na hinde pala nababasa ng ulan ang dalawa na parang may invisible na payong na nagrerepel sa patak ng ulan. Lalo pa sya natakot ng nakita nyang nakalutang pala ang mga paa ng matatanda. Napahinto sya ng sasakyan at kinabahan lalo nang ang 2 matanda ay ngumiti na aabot sa tenga at nag lean forward (kung alam nyo yung step ni Michael Jackson sa Smooth Criminal) ganun at lumulutang na papunta sa kalsada kung saan sya andun. Napasigaw sya ng "ENGKANTO" at sabay reverse sa van at nagulat na lang na yung dinaanan nya kanina ay nawala na at naging bangin na lang. Tuwing aatras sya ay umaatras din yung matatanda at bumabalik sa tapat ng kubo nila. At mag aala Michael Jackson uli pag aabante sya. Madaming beses nag attempt yung tatay ko, para silang nagpapatintero lang. Mag alas siete na din daw nun at sobrang pagod na at malapit ng maubusan ng gas.
Halos mawalan na daw sya nuon ng pag asa at saka lang nya naisipan tumawag sa Panginoon, nagdasal na sana Makita nya pa at makauwi pa sa Pamilya nya. Habang nagdadasal daw ay parang naaalarma ang 2 matanda at pumorma ng paglapit at handa ng ihulog sya sa bangin o pasukin sa van kahit na malayo pa ang van nya. Sinalubong daw nya ang dalawa ng matulin at nakakita ng open kaya kinabig nya pa kanan at sumampa sa gutter, nang gilid sa kalsada, tinamaan pa nga daw nya yung isang Kubo. Tumili pa daw yung dalawa ngtuluyan nyang malampasan ang mga ito. Nkarating na sya sa Store at sarado na ito, kaya bumalik na lang sya kela Jorlette at naabutan pa nya ito at nagtatanong kung san galing? At naikwento nga nya ang nangyari. Pinatutuhanan naman ito ng mga nakatira duon na madami nga daw kababalaghan duon. Minsan nga daw meron pang magbabalot na bitbit ang basket at sa kabila naman ay ang kanyang ulo.
Kinabukasan bumalik ang erpat ko sa lugar nayun at may kasamang mga back-up at helper, 2 sasakyan pa daw sila nuon at may mga dos por dos pa hehe. Pero wala na yung kalsada na nilikuan nya, at creek na lang ito.
📜Travel Horror Stories
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.