"Hamon" by Jindemi
Warning lang po.
2008
Meron akong pinsan na si Dudz, di sya naniniwala sa mga kababalaghan mas lalo sa mga ghost and elements.
Si Dudz nalang ang naiwan sa Pilipinas dahil lahat ng Tito at tita ko,pati sibs nya nasa abroad na. Tinatapos nalang nya ang pag aaral nya.
Nakatira ang family nya sa isang apartment building for 30yrs.
Sya ang pinakabata sa magkakapatid 16 lang sya.Ewan ko ba sa pinsan ko, wla talagang takot sa katawan. lumabas sya ng apartment nya at nagtapon ng basura ng 11:30 ng gabi.
Madilim ang mga apartment sa labas, malaki ang land area kasi sa gitna ay bakanteng lupa at napaikutan ng apartments na magkakahiwalay parang u shape sila.
makaluma ang building, Ang mga bintana ay jalousie type, may mga kwarto na di na walang tenants at nasira nalang sa kalumaan.
pag labas palang nya nakakita na sya ng mga anino, mga itim na hugis tao iba iba ang tangkad nito, na para bang may malalaking tao at maliliit na bata.
naghahabulan ang mga ito na para bang naglalaro.
"Hoy mga Gago, wag nyo ako tatakutin! di ako natatakot sainyo. sapakan nalang tayo!! " pabiro nyang sigaw
Tumigil daw sila tumakbo at huminto na nakaharap sakanya.
derecho lang sya maglakad dala dala ang basura na itatapon nya sa may entrance ng apartment complex.
nakikita nya sa gilid ng mga mata nya na parang statwa lang ang mga anino pero para daw nakatingin sa kanya.
tinapon nya ang basura at nun pabalik na sya ay wala na ang mga ito.
Kinabukasan ng gabi, naisipan nya mag yosi kaya lumabas sa apartment nya ay pumwesto sya sa sementong upuan.
mayat maya at napansin yang parang may taong sumisilip sa jalousie isang unit na walang tao.
"Hoy wala kang mananakaw dyan"
"Mga hayop, di nyo ko matatakot! "
sigaw nya.Tinapon nya ang yosi nya at nakakita sya ng babaeng nakaitim sa madilim na parte ng apartment.
Nkipag titigan daw sya dito.
" Hoy di mo ko matatakot! di ako takot sa mga kagaya nyo, pumasok pa kayo sa bahay ko para masaya hahahah" patawa nyang hamon.Pag pasok nya sa bahay nya at napansin nya may nakaupo sa sala. yung babae sa labas ay nandoon na sa loob ng bahay nya😱
Nagulat daw sya kasi di nya akalain na papasok sa bahay nya. di daw sya makagalaw. nandoon lang un babae. nakaupo lang.
Di parin sya natakot at di man lang daw sya tinaasan ng balahibo.
mas takot daw sya sa buhay kaysa sa patay.
pumunta sya taas kung saan ay loft type ang apartment nya.
ang kama nya mismo ay nasa edge ng loft kaya pag sumilip sya ay makikita nya ang baba.
parang may 3 kahoy barrier lang na maninipis para di sya mahulog sa edge.
Natulog na sya ng walang katakot takot sa katawan.nagising sya ng mga 1am kasi sobrang bigat daw ng lower leg nya at nilalamig sya.
Nagulat sya kasi iba na ang pwesto nya sa kama. nakalambitin ang paa nya sa edge ng loft at super bigat daw.
nagtry nyang hilain ang binti nya paalis sa edge ng loft kaso di nya kaya.
umupo sya at sinilip nya.
Tumaas ang balahibo nya ng makakita ng dalawang itim na nilalang na nakasabit sa lower leg nya na para bang naglalaro.
napasigaw sya at bigla daw bumitaw ang mga ito na para bang natuwa na nakita sila.
di nadaw sya makatulog at naririnig nya may mga nagtatakbuhan sa sala nila. Nagsisi sya bat nya hinamon.
Makalipas ng ilang linggo.
Di daw sila nawawala. nandoon lang sila sa bahay nya.. ang pakiramdam daw nya ay parang gusto daw nya mamatay.di sya makatulog ng maayos.Pinaglalaruan sya.. nililipat lipat ang gamit nya, maingay sa gabi at nagtatakbuhan. tinatapik din sya paminsan kahit san parte sya ng bahay.
Sinabi nya sa mga relatives nya sa abroad at sinabi maghanap sya ng kasama na tumira kasama nya at sila daw bahala maski sa pagkain.
Niyaya nya ang classmate nyang alam nyang nagrrent sa manila at agad naman itong pumayag.
Inutusan ni Dudz magtapon ang classmate ng basura kaya lumabas ito ng gabi, sa paglalakad daw nya ay nadaan sya sa mga unit na walang tao ngunit.
Iba iba ang basag ng jalousie, meron sa gitna, meron sa bandang taas, sa bawat hakbang nya ay tila sinusundan sya ng sumisilip sa bawat basag na jalousie.
tinapon nya ang basura at tumakbo pabalik sa apartment.
sa baba ng loft si classmate ntulog.
Unang gabi nya at nakarinig sya ng nagkakalampagan sa kusina kaya tumayo sya para silipin ito.
akala nya ay si dudz na magluluto ng midnight snack.
laking gulat nya na halos may apat na anino na naglalaro laro sa may kusina.
pag silip din nya sa sala ay may nakaupong itim na babae....
umakyat sya sa loft ni dudz para gisingin ito at akala pa nya na may humawak sa paa nya kaya nadapa pa sya sa hagdan.
pag akyat nya sa loft ay nakatalukbong daw si Dudz ng kumot..
"Dudz! Dudz! tang*n@ pre! may mga multo sa baba" at inalis nya ang talkbong ni Dudz..
natakot daw sya sa itsura nito. takot na takot daw si dudz at bukas na bukas ang mata..nakaharang ang kamay nya sa tenga nya. na para bang ayaw marinig ang mga ingay.
tinapik tapik daw nya ito at kasa sya nakita ni Dudz..
"Pre, naririnig mo ba yun?" pabulong at takot na sinabi ni Dudz.
" oo pre, may mga itim na nagtatakbuhan sa baba" pabulong na sagot ng classmate.
" Hindi pre,bumubulong sila" sabi ni dudz.
" wala pare, nagising lang ako kasi ang ingay sa kusina, pag labas ko madaming itim na tao" sabi ni classmate.
nanginginig na sinabi ni Dudz...
"Pre..... kanina pa nila ako binubulungan.......pagdating mo palang na patayin daw kita"
to be continued.......
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.