Ale

28 1 0
                                    

"Ale"

Buntis ang pinsan ko at napag-uusapan Yung mga weird things nating mga momshie habang nasa pregnancy journey. At dahil dun naalala ko yung weird things ko din during pagbubuntis ko sa eldest ko. Aside kasi sa pagpapahanap ko noon ng relyenong tamban at halo-halong walang yelo , eh may pinaka-weird akong inuu-ugali noon at yun ay ang pagcrave at pagbili sa isang pagkain pero never ko namang kakainin 😅🤣.

Basta nabili ko na at naitago ay masaya na Ako nun. So ayun nga dahil doon madalas akong mabulukan ng pagkain na mga itinago ko.

That time nakatira kami ex ko sa Centro ng Libmanan, paborito kong tambayan doon ay yung park at dun sa may simbahan na halos katapat lang ng tinitirhan namin.

One afternoon nag-aya ako Kay ex na samahan ako sa may palengke dahil gusto ko kumain ng pritong "proven/proben" basta parte ng manok na piniprito at Isa ding street foods. Eh Kaso ayaw akong samahan ni ex , kaya mag-isa akong pumunta since walking distance lang naman yun. Pagdating dun agad akong pumila doon sa suki ko ng pinagbibilhan ko Kasi masarap suka na sawsawang gawa nila.

Pagkabili ko binigyan na ko ng asawa ni ateng tindera ng upuan kasi Gawain ko na talaga na dun kumain sa may tabi lang nila, kaya sanay na din Sila na abutan ako ng mauupuan tsaka madalas mabanggit ni ateng tindera na tuwing andun ako eh sold out Sila palagi, swerte daw Kasi Ang buntis. Habang kumakain at nakaupo ako doon ay may matandang babae na lumapit at humimas sa tyan ko, nagulat Ako Kasi walang permiso pero medyo nawala din nung nagsalita Yung matanda na "Pahagad man daw kayang swerte mo" sabay ngumiti sya. Ngumiti na lang din ako at yumuko , dun ko napansin na may Dala syang mga kakainin at Isa na dun Yung paborito kong "arroyo" kaya nagtanong ako sa matandang ale kung magkano yun at bibili ako Ng ilang piraso. Sampong Piso ang isa sagot niya, kumuha ako ng 3 piraso at inubos ko na ang kinakain ko. Nagpaalam na din ako Kay ateng tindera na aalis na Ako. Nakita ko na umalis na din Yung matandang ale, kaya nagtuloy na Ako pauwi. Pagdating ko sa bahay eh nilagay ko sa basket na sinasabit namin sa bubungan yung kakaning nabili ko at nagtuloy na sa mga kailangan Kong Gawin.
Around midnight nung makaramdam ako ng gutom at naalala ko yung kakanin kaya kinuha ko sa basket at naupo ako sa kama kaharap ng pinto namin sa kwarto. While inaalis ko yung kakanin sa plastic ay narinig ko Yung bubong namin na parang natupi , Yung tunog na may tumatapak. Paikot -ikot ang apak sa may pwesto kung saan ako andun. Dahil medyo nacreepy-han ako ay ginising ko na ang ex ko at sinabi ko sa kanya ang nangyayari. Agad naman syang bumangon at nagtungo sa rooftop kung saan pwede mo Makita Yung part nung bubong namin. Pagbalik niya sinabi niyang pusa lang daw ang Nakita niya at inaya na ulit akong matulog kaya Ang siste ay di ko na nakain Yung kakanin. Hanggang nawala na Yung kakanin sa isip ko at nagpabusy kinaumagahan.

Pagdating ng hapon ay nagulat Ako Nung tawagin ako ng katrabaho naming mananahi may naghahanap daw saakin sa baba. Dahil di ko Kilala at Wala akong inaasahang bisita ay Yung ex ko na pinababa ko. Pagbalik niya sa TaaS ay may Dala syang nakasupot at nang tingnan ko ay kakanin yun na arroyo. Sabi Niya ay pinabibigay daw saakin nung matandang babaeng naglalako , kaya sinabi ko na kumuha sya ng Pera at bayaran Yung ale , pero Ang sagot Ng ex ko ay pinapabigay nga sakin. Nag-aabot na daw sya ng bayad sa ale pero hindi raw tinanggap. Kaya Ang nangyari ay itinago ko na lang Yung kakanin.

Nasundan pa ang ilang araw na laging may pabigay Ang matandang ale saakin pero ayun nga lahat yun ay tinatago ko lang at never kinain, dahil may Isang tanong ako sa isip ko na Paano niya nalaman kung saan ako nakatira eh Hindi ko Yun sinabi  sa kanya o kahit dun sa tinderang madalas ko bilhan ng mga street foods. At ilang araw na din na tuwing Gabi ay nagigising ako sa tunog ng yapak sa bubungan pati na ang tunog na parang halhal na aso o Yung bang hingal na aso.

Sumapit Ang araw ng Linggo noon, mag-isa akong nagsimba. Pero noong palabas na Ako ng simbahan ay nagkita kami Nung Isang katrabaho Namin sa tahian , si ate Merly. Habang naglalakad kami palabas sa simbahan ay bigla na lang sumulpot Yung ale at nagmuwestra na hahaplos sya sa tyan ko , ay bigla syang tinabig ni Ate Merly at sinabihang "Bistado taka ,aram ko sain ka nakaistar kaya dae ka mapasala na kantihon ining mag-ina" habang sinasabi Niya yun ay mahigpit Niya akong hinawakan at halos kaladkarin na pauwi. Pagkatapat Namin sa Bahay ay tinanong niya ako kung madalas ko daw bang Makita Yung matanda at kung may binigay daw ba sakin ?.
Ikwenento ko sa kanya lahat at pagkatapos nun ay agad Niya akong pinapasok sa Bahay. Pinakuha Niya sakin lahat Ng kakanin na tinago ko at binuksan sa harap naming lahat . Napakabaho Nung Amoy , may mga uod din at di ko maintindihan kung anu Yung mga andun Kasi parang nabulok na Karne na may mga hibla Ng bunot Ng niyog. Sinunog nila yun at nagpatulong sya sa Isang manggagamot na Kilala Niya para mabigyan ako ng pangontra , binigyan ako ng maliit na bagay na nakabalot sa pulang tela at bala ng baril na may nakakabit na imperdible. Sabi Ng manggamot ay inaaswang daw ako at Ang kabutihan lang ay never Kong kinain Ang binigay saakin. Dayo daw talaga Ang madalas puntiryahin nung matandang yun, maigi na lang daw na talaga na Hindi ako nayanggaw, Sinabi Rin Ng manggagamot na maaring ginamitan ako Ng taga-bulag para di ko Makita Ang totoong itsura Ng pagkain. Marami daw paraan Ang mga aswang sa pagyanggaw maari daw na magipit Sila ng lason sa kanilang kuko at ikurot iyon sa mga pagkain . Kinikabutan ako , parang dun palang nagsink in sakin Yung mga yapak at mga weird sounds na naririnig ko sa Gabi. Napaigi din Ang kawierduhan ko na pagtatago Ng pagkain at Hindi ako napahamak.
After nun naging maayos naman Ang pagbubuntis ko , although may times na parang may dumalaw pa din saakin pagsapit ng Gabi ay di na  ko nangangamba basta Dala ko Ang pangontra at mga barya.

Paglipas Ng ilang buwan nun nanganak na Ako pero sa kasamaang palad, 3 days ko lang nakasama Ang anak ko , aspiration pneumonia sabi ng mga doctor. Pero iba Ang sinasabi Ng mga matatanda...

Para saakin kahit anu pa mang reason kung bakit sya nawala sakin ay itinaas ko na lahat yun Kay Lord. At sa pagdaan ng panahon kahit nangungulila ako ay tinanggap na ng puso ko. Going 5years na sya sa heaven  this coming Nov..

Ayan Muna sa Ngayon mga mima😁 namiss Kong magshare sainyo ❤️



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon