Pakiramdam ko may naisama ako na di talaga dapat namin kasama sa paglipat.
Nakatira kami ng bf ko non sa Las Pinas, naisip namin na lumipat ng apartment sa Las Pinas pa din pero mas maluwag. Maayos naman yung apartment, nasa second floor yung unit namin. Di ko alam pero pag umaakyat kami ng hagdan iba yung feeling. Yung bf ko ayaw nya magisa ako o sya na aakyat sa hagdan though di nya inamin sa akin, alam kong takot din siya. So bale don sa unit namin, nagstay kami ng ilang months. Di naman creepy yung unit namin mismo pero yung hagdan iba talaga. Saka yung hallway. Yung gabi bago kami lumipat, nagising ako ng 2am or 3am. May sobrang masakit sa ilong na amoy, na amot nasusunog na goma na amoy pulbura na amoy usok. Basta ganon ang amoy. Ginising ko bf ko sabi ko baka may sunog. Wala daw syang naaamoy. Di ako nakatulog non kasi inisip ko baka may nasusunog na.
Lumipat kami sa sta mesa para mas malapit sa work naming 2. Yung sa sta mesa 1 bedroom apartment. Though di namin ginamit yung bedroom kasi iba yung feeling ko don sa loob, parang ansikip na ewan. Sa sala kami natutulog. Noong nasa sta mesa na kami, don ko unang nakita yung anino. Nagluluto ako non, tapos may anino na matangkad na nagcast doon sa area kung saan ako nakaharap. Ang sabi ko pa non, o andito ka na pala. Ang aga mo umuwi. Walang sumagot kaya lumingon ako. Walang tao. Sa takot ko don ako sa bandang pinto tumambay hanggang makauwi bf ko. Pangalawang beses na nakita ko yung anino, nasa kusina ulit ako. Nagluluto. Yung kusina kasi adjacent nya yung bathroom na yung door parang stained glass pero aninag mo kung may tao sa likod. Naaninag ko na andon jowa ko so tinanong ko kung anong gusto nyang ulam. Sumagot yung jowa ko nasa labas pala sya nag aayos ng motor. Walang tao sa bathroom.
Di ko na kinaya kaya sinabi ko na sa jowa ko na iba talaga yung apartment sa sta mesa. (Di ko pa narerealize non na baka ito pa yung kasama ko mula Las Pinas). Lumipat kami ng apartment. Sta Mesa pa din. One bedroom apartment pa din. Ang akala ko talaga that time na pag lumipat kami wala na, meron pa din pala. Same anino.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.