Breath of Hell

42 1 0
                                        

Breath of Hell

Eto pala yung late ko na posted story ko about my demonic encounter that happened way back 2015. Wala ng intro intro, kwento na kaagad.

It happened way back 2015 when I was around 21 or 22. I was active in this charismatic church that I used to attend (I no longer attend here kasi later on my eyes were opened by the grace of God that I realized na false church o "kulto" pala sila, they dont really teach what the gospel is. Sa gusto malaman anong church to, it's G12) and normal sa church na to yung may demonic experience kuno kasi daw ibig sabihin malakas ang faith mo at tinatakot ka daw ng demonyo para mashaken ka. These claims are all false, by the way. Kaya maraming demonic experiences ang nagaganap under that cult church kasi merong mga ""rituals"" na ginagawa dun as part of service na tinatawag nilang "Encounter" o yung pag sanib nga sayo ni "Holy Spirit", eto yung imamanifest mo si Holy Spirit by praying in tongues  tapos mararamdaman mo sya, iinit yung sa tyan mo, yung iba nahihimatay, umiiyak, sumisigaw, nagwawala, even nagsusuka. Yes, nagsusuka. Ipag pa pray over ka nila para "ma encounter" mo si Holy Spirit for whatever reason and yun na yun. Biblically speaking, these are warning as dangerous teaching that are far from the teachings of the bible. Ang talagang nangyayari is ibang spirit ang pumapasok sa person, kumbaga nagiging gateway ka ng demonic spirits na hindi naman dapat. You are opening yourself to the realm of the unseen. Had to explain that kung paano ko nagkaron ng vivid encounter with the demons.

Patulog na ako nung gabi na yun, naalimpungatan lang ako saglit kasi nagtalo yung nanay at tatay ko sa higaan habang nakahiga, something tungkol sa cellphone. Nakahiga ako sa floor pero may comforter, kaya bumangon ako para sabihan sila na magpatulog na at may pasok pa ako bukas. Bago ako humiga at magtalukbong ng kumot, tumingin ako sa orasan, 12:15 am. Madaling araw na pala. Tulog nako, antok nako eh.

Wala pang dalawang minuto nung nakapikit nako, unti unti naramdaman ko na lang na nanginginig yung paa ko paakyat sa binti, as in nangangarag sya na parang nag chi chills ako, umakyat sya unti unti hanggang sa bewang ko (nakapikit ako the whole time pero ramdam ko talaga na nanginginig katawan ko) tapos nararamdaman ko ang init! Hanggang sa bigla na lang may sumigaw sa kaliwang tenga ko (kaliwang tenga lang talaga sya, wala akong marinig sa right ear ko at all) na boses ng demonyo, napakalakas. Sabi nung demonyo "HINDI MALILIGTAS MAGULANG MO!!!!"

Nasabi kong demonyo sya kasi sobrang distorted ng boses, ang lalim tapos hindi ko maintindihan yung sinasabi, parang speaking in tongues talaga. Alam nyo yung mga tinatago yung identity ng whistle blower sa TV kaya binabago yung boses ng malalim para di makilala, ganung ganun yung boses, pinagkaiba lang, gibberish yung sinasabi.

Taas buong balahibo ko lalo na sa kaliwang bahagi ng katawan ko, ang ingay ingay ng "demonyo" na yun, parang galit na galit sya sa di ko maintindihang bagay, hindi ako makagalaw kahit anong piglas gawin ko, pwede ko namang buksan mata ko pero yoko nga baka makita ko eh HAHA

Pakiramdam ko mabibingi ako sa ingay, dasal ako ng dasal sa isip ko na magising na ako, matigil na to, tapos biglang may isang boses pa ng demonyo na dumagdag sa ingay, alam kong dalawa sila kasi medyo high pitched ng onti yung boses tapos nagtatalo sila nung unang boses nga, again, gibberish sya kaya di ko talaga maintindihan, pero parang pagkakagets ko is nagtatalo sila galit na galit kasi dapat may gagawin daw sila kaso naantala (parang something related sa magulang o pamilya ko ito), busy sila magtalo samantalang ako naninigas di makagalaw, para akong mababaliw kasi takot na takot ako bat nangyayari to

Pakiramdam ko talaga halos isang oras silang nagsisigawan sa tenga ko, sobrang tagal talaga as in, dasal ako ng dasal sa isip ko walang nangyayari, hanggang sa yung unang boses na narinig ko, sumisigaw palakas sya ng palakas (may ilalakas pa pala yung ingay nya no) habang papalapit ng papalapit sa tenga ko (alam nyo yung sa horror movies na may mahabang corridor tapos sa dulo nun nakatayo yung multo, sabay isa isang mamamatay yung ilaw kasabay nung multo na papalapit sayo) ganung ganun yung boses, pero pinagkaiba lang boses sya at hindi ko nakikita kasi pilit kong pinipikit mata ko dahil alam kong may magkikita ako na di ko gusto.

Papalapit ng papalapit yung sigaw sa tenga ko hangang sa maramdaman ko yung init ng hininga nya at init sa katawan ko na di ko alam saan nanggagaling, pero kung huhulaan ko-- impyerno.

Hanggang sa bigla na lang nawala at tumahimik lahat, nakakagalaw na ulit ako, dali dali akong gumising tas humagulgol ng iyak sa takot.

Pagtingin ko sa orasan, 12:15 am.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon