Posible ba na iblock ng brain ang isang detalye sa memory natin dahil sa sobrang takot?
The year was 2011. Basic phone pa lang ang gamit ko. Tapos kapag sa probinsya ka nakatira, may iilang part lang sa bahay ang may signal. Sa amin, sa may bintana.
Isang gabi, may tinatapos akong powerpoint presentation. Dahil may katext ako, dun ko naisipang pumwesto sa may bintana sa salas. Nung bandang 12 midnight na, may kinuha ako sa kwarto. Yung bintana ko sa kwarto eh casement window (nigoogle ko types of window para maimagine nyo lol.) Half-closed lang yung bintana ko kasi may nakapatong na towel. Bago ako umalis nakita ko na gumagalaw yung towel. Yung parang may naghihila sa kabilang side. Natakot na ako. Inisip ko baka yung pusa lang na gusto umakyat. Pero walang pusa. Kumanta-kanta na lang ako pampawala ng takot sabay labas agad. Bumalik ako sa pag-type sa laptop nang biglang may nag-text. Nung kukunin ko na ang cellphone na nakapatong sa bintana, may tao. Sa labas. Sa tapat ko. Ang lapit. Pakiramdam ko bintana lang ang pagitan namin. Nakatingin sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Di ako makagalaw. Nakatitig lang ako sa kanya. After ilang segundo o minuto, hindi ko na alam parang ang tagal ko kasing nakatulala, saka ako napasigaw ng malakas. Wala pang ilang segundo nagising na sila Mama at Papa, nag-aalala. Sinabi kong may tao sa labas ng bintana. Si Papa kumuha ng itak sa kusina. Naiwan si mama para pakalmahin ako sa pag-iyak. May ilang kapit-bahay na ding nagising at lumabas ng bahay nila dahil naririnig nila siguro yung pagalit na sigaw ni Papa habang paikot-ikot sa bakuran namin naghahanap ng tao na baka nagtatago lang sa mga halaman. Wala naman daw napansin yung mga kapit-bahay namin na tao kung sakaling tumakbo palayo, baka nakidaan sa bakuran nila o ano. Nung medyo kalma na ako, ang tanong nila sino yung nakita ko. Di ko kilala sabi ko. Baka raw hindi taga rito sa amin. Gusto nila idescribe ko baka makilala daw nila. Sabi ko di ko talaga mamukhaan. Parang mannequin na lang maalala ko. Baka daw taong may sa taga-bulag. Di ko alam kung ano yun. Sabi nila may anting-anting. Subukan ko daw alalahanin. Kaso pano ko idedescribe eh kapag inaalala ko yung nakita ko, human figure naman, pero bat parang walang mukha. Tinanong din ako kung yun yung unang beses na nangyari yun. Sabi ko yun yung unang beses na nakaharap ko sya.
Naalala ko na maraming beses na tuwing gabi may naaamoy ako laging kakaiba. Amoy lasing na ewan. Dati akala ko si Papa kaso may times na nagtataka ako kasi minsan may maaamoy ako eh di naman nakainom si Papa.
Nung pagkauwi namin ni Mama galing sa barangay night nung nakaraang taon nun, magbibihis ako sa kwarto, nakasiwang ang bintana at may nakita akong mata sa gilid. Tumakbo agad ako, sabi ko may nakasilip. Sabi ni mama, baka namalik-mata lang ako. Sino naman daw tao don eh gabing-gabi na. Sumilip sya bago isara yung bintana para ipakita sakin na walang tao. Baka nga namalik-mata lang ako kasi masyado ako matakutin. Pero ngayon, sigurado na ako na may mata ngang nakasilip sa bintana ko nun.
Kaya takot na akong tumingin sa bintana pag gabi. Baka may tao o mata na naman akong makita.
Hanggang ngayon pag naaalala ko, palaisipan talaga kung ano nga ba yung nakita ko sa labas ng bintana.
Wala ba talagang mukha? Baka nga taga-bulag? Baka taong di ko kilala kaya di ko mamukhaan? Baka kilala ko di ko lang matandaan. O baka naman niblock lang ng utak ko so I can still sleep at night.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)