Haunted Apartment

16 0 0
                                    

Haunted Apartment

Naniniwala ba kayo sa incubus? This happened to me nung teenager pa ako. Ewan ko ba simula nung lumipat kami sa apartment na tinirahan namin before parang ang weird na.

Gaya ng nananaginip ako na may ka sexual intercourse ako na lalaki pero hindi ko siya kilala at wala siyang mukha tapos nagising ako na nakatanggal ang shorts ko.

Meron pa, na minsan may nakaupo sa paanan ng bed ko na babae, and kahit anong sigaw ko walang nakakarinig saakin haggang sa unti-unti siyang lumalapit saakin.

Yung kapit bahay rin namin dati may anak siyang baby and yung baby bibo naman pero tuwing papasok sila sa bahay wala ng tigil kakaiyak, kaya umalis sila sa katabing bahay namin.

At ang pinakamadalas, yung tito ko na namatay (binata siya at favorite niya ako nung bata ako) lagi ko siyang napapanaginipan, lagi niya ako inaaya na sumama na sa kanya at lagi kong sinasabi na "patay ka na eh" pero nalulungkot siya tuwing sinasabi ko yon at pati ako nalulungkot rin pag nakikita ko yung mukha niya. Kaya ang ending lagi akong pumapayag na sasama na ako sa kanya pero tuwing paalis na kami nagigising ako, may magbubukas ng pinto ko or gigisingin ako ng parents ko. Basta laging ganon sasabihin niya na sumama na ako sa kanya and pag aalis na kami nagigising ako..

Sabi nila yung dating kinatitirikan ng apartment namin ay bakanteng lote at may puno na malaki may nagbabantay.





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon