"PINK"
Year 2004, 2nd year high school ako nung makilala ko these 3 girls whose childhood bffs. Block section kami nung 1st yr then pagdating ng 2nd yr ang daming nahalo sa class namin at kabilang sila dun. We are in public school na usually umaabot ng 75 students per section. One of those 3 stands out, why? Maldita/Spoiled brat kasi sya that even teachers di sya kayang baliin na pag ayaw nya ayaw nya talaga! but don't get me wrong ah. Mabait siya sadyang ganun lang sya dahil bunso siya and only girl in the siblings. Bumuo kami ng tropa, from 3 of them naging 5,6,7,8,9,10 and so on. Natambay kami sa bahay nila after school or pag ayaw lang namin pumasok. Galante sya, kaya nya kami i-treat ng lunch with her baon. Karamihan kasi samin noon walang baon, isa na ko dun na papunta pauwi naglalakad lang. During lunch break madalas tatambay nalang at mangangalog para makalunch. Nagkaron ako ng diskarte non magpakopya with bayad, sulat ng notes with bayad, gawa project with bayad, homework with bayad, hanggang sa afford ko na manlibre kahit lugaw. 🥰 Those were the times na ang saya kahit ang hirap para sa lahat samin. Most of us kasi escape na namin from home ang pumasok sa school, mas masaya kami sa school. ❤️
Okay, fast forward. . .
There was this one time, i don't remember clearly kung sa school ba to or sa bahay nila "baby girl" nalang natin sya tawagin kasi yun yung treatment ng tropa sa kanya. Parang sa lahat kasi ng gagawin nya nakaalalay talaga kami lalo nung nalaman namin na may sakit sya. Elem pa lang daw naggagamot na sya sa kidney, until nabanggit nya "gusto ko pag namatay ako nakapink ako, pati kayong lahat". Biglang lahat kami huy wag ka magsalita ng ganyan. Sabi nya "mamamatay naman talaga ang tao". 😔
3rd yr na... may mga bagong transferees, nahiwalay ako sa kanila kasi may mga issues sila lagi like away away tampo tampo. Ako kasi yung tao na di ako mahilig sa ganung mga eksena. Napadpad ako sa ibang tropa, nasama pa din ako sa kanila minsan lalo pag request ni "baby girl" minsan natutulog kami sa kanila. Dalawa kami ng bff ko nung 2nd yr, gustong gusto kami ng mama niya. Pwede ba daw ampunin nya na kami para laging happy si baby girl? Pero syempre NO. May family naman kami kahit madalas di masaya sa mga bahay namin hehe.. Madalas pag sa kanila kami natutulog sabay-sabay pa kami maligong tatlo. May turn kami kung sino na ang magbubuhos gamit ang tabo. Magbubuhos si bb girl then tutuktok nya ng mahina sa timba yung tabo that indicates na isa na samin next magbubuhos. 😅 Para kaming mga bata noh? Baka ganun lang talaga pag komportable kayo sa isa't isa, para na talaga kaming magkakapatid. I remember, this time (3rd yr) Nagdecide si baby girl na ayaw na nya maggamot. Nasasawa na sya kumain ng matatabang na food, no salt, only steamed. Syempre since nandun kami sa kanila mostly pati kami ganun din kinakain to cheer her up na okay lang yan its for you naman. Mabait si baby girl, pero syempre nga may mga instances na pinagseselosan na kami ng mga childhood bffs nya, so I distance myself. Ayun, until napasama na ko sa ibang tropa halos di na talaga ko nakakasama sa kanila super bihira na siguro pag meron nalang may birthday sa tropa. Pero nakaalalay pa din ako sa kanila, one call away naman ako pag needed.
4th yr na, iba na talaga circle ko. Lagi na ko wala sa room lalo may mga bagong halo na super makukulit, as in laging laman ng guidance, kwela at pasaway. Always inuman, always cutting, mga akala mo mga patapon ang buhay kung titignan from the point of view ng mga matatanda. 😆 Huy, pasaway man kami pero di kami nagpapabaya sa grades namin. Yun nga lang sa sobrang pag eenjoy di na kami nagta-top sa class namin, pero atleast sulit yung hs life namin diba. Sabi namin in the future pag nagkawork na tayo matutunan din naman natin lahat kahit di tayo aral na aral ngayon. Orrrr baka optimistic lang talaga kami ng mga bagong kacircle ko, madami sa kanila witty sadyang kolokoy lang din nga. Lapit na graduation, preparing na lahat para sa grad pic, I remember clearly si baby girl nagpapaayos ng hair sa classmate namin na magaling mag-braid. Mahaba ang hair nya hanggang pwetan, konting make up okay na siya, di sya mahilig sa make-up. Polbo at lip gloss lang okay na. Days pass, nakuha na namin mga grad pic. May isa kaming classmate nagbiro, ang gaganda natin sa pics may panglagay na sa ibabaw ng kabaong sabay sabi na joke lang!🤦🏻♀️
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)