Hi admin permission to post
Kamusta, amadeuz po ulit mejo tumahimik lang saglit busy kaya loud reader muna😌 nakuha lang atensyon ko nung isang nagtatanong kung wala daw bang kwentong marinduque d2. Eto unh mga kwento ko tungkol sa bayan namin. Actually madami to. Naikwento ko na nga ata d2 ung iba pero pagsasama samahin ko nlang d2. Hanapin nyo ung link alam ko anjan lang un nAtakpan.
Ung tatay ko lumaki sa isang brgy isa sa bayan sa marinduque sa sta. Cruz... Di ko sasabihin ung eksaktong lugar konti lang nman yan madaming marinduqueno pala d2 kaya malamang sa malamang alam din nila yan.
Ung tungkol sa wag kang magtuturo oo ung mga matatandang marinduqueno ipinagbabawal nila yan pag asa dagat ka. Nasampal ako nung lolo ko nung minsang nangingisda kami. Kako lo mukhang manok ung isda.
May phobia ako sa dagat. Dahil karamihan sa angkan ko sa dagat namatay sa side ng tatay ko. Sabi sabi na ayan daw ung kapalit dahil sa kakayanan na ibinigay sa lolo ko. Kung matatandaan ninyo yung may alagang bungisngis saka tikbalang. Eto ung nauna
Si oko
Binago ko ung pangalan si oko namatay habang nangunguha ng sea shell sa dagat. Napunta siya sa maputik na lugar lumubog sa sobrang bigat ng dala nyang sea shell sa galon na nasa bewang nya nahirapan siyang lumutang samahan mo pa ng sobramg lapot na putik. Namatay to pagkakatanda ko 9 years old lang siya non. Tapos ung tiyuhin namin na sobrang kasundo niya habang nagdadalamhati sa "looban" nakita yung kaluluwa ng pinsan ko nasa harang. Puting puti ung suot na damit saka kumakaway... Sinasabi ng ilan na isa ung pinsan ko eh isa sa naging alay na kinuha ng dagat sa kaytulog. Dahil matapos un anlakas ng huli ng isda...
Mv dona paz
1994 lumubog ung barko. Sa kasamaang palad andon ung tiyahin saka isang pinsan ko. Nasama sila sa mga namatay nung panahon na yon. Pagkakatanda ko 14 years old lang pinsan ko non. Sing edad ko.swimmer ung tiyahin ko ganon din ung pinsan ko kaya ganon nlang ang pagtataka nila kahit sobrang lapit lang ng barko sa dalahican. Hindi sila nakasurvive kahit pa may suot silang life jacket na magina....
Taxi o taksay
Tawag sa bangka panghuli ng isda.
Ung isang pinsan ko nung minsang sumama sa dagat para manghuli ng isda. Lahat ng kasama niyang tumalon para ayusin ung lambat sa ilalim buhay. Bukod tanging ung pinsan ko lang ung nilamon ng dagat. Sabi ng nakakita. Nagkaron daw ng ipo po sa lugar kung saan tumalon ung pinsan ko. Hindi na un nakalutang kahit pa swimmer. Nakita un bloated na saka nakabalot sa halamang dagat sa romblon...Ako
Marunong ako lumangoy... Pero nung time na naligo ako sa dagat akala ko anlayo na ng nararating ko pero sabi ng pinsan ko paikot ikot lang ako don sa lugar tapos palalim ako ng palalim kung san ako tumalon. Akala ko noon mamamatay nako kasi pakiramdam ko hinihigop ako ng current sa ilalim. Ang ginawa ko lang ikinalma ko ung sarili ko saka ako lumangoy ng dahan dahan paangat. Halos madumi saka ihi nq kakapigil ng hininga saka pakiramdam ko sasabog na baga ko sa sobrang lalim ng napuntahan ko. Ung paningin ko padilim na kundi lang ako tinalon ng napadaang mangingisda malamang pati ako patay na. Simula non kada titingin ako sa dagat nagkakaron ako ng anxiety. Pakiramdam ko anliit liit ko tapos nahihirapan nako huminga. Ndami dami nading tumatakbo sa isip ko. Pag napupunta ako sa dagat.
Mt malindig eto ung bundok sa marinduque na sinasabing enchanted... Sa gabi makikita mo ung prusisyon ng apoy sa bundok o kaya ung bundok mismo makikita mo parang nasusunog. Pero kinaumagahan pagtingin mo walang bakas. Ung mga local ipinagkikibit lang nila un ng balikat kasi para sa kanila normal lang un sa amin...
Engkanto sa simbahan
Mas paladasal sila kesa sating mga tao. Makikita mo sila na nasa loob mapapansin mo lang na hindi sila tao kasi wala silang mga philtrum... Tapos ung dasal nila pabaliktad. Halimbawa
Ama namin sumasalangit ka.. simula tayo umpisa hanggang dulo. Sila naman mula dulo hanggang "sumasalangit ka ama namin"
Bukod sa mas mataas sila kesa sa mga tao, lagi silang naka belo saka nakayuko lang ung ulo.
Aswang
Naikwento ko na dito
Bungisngis ganon din
Engkanto sa puno naikwento ko na din saka ung bantay lumuluhid ung kawayan saka may lumalabas na sobramg laking kalabaw na sinlaki ng tao ung sungay tapos sa gitna nila may sumasayaw na engkanto. Hindi ka makakadaan. Saka wag ka papansin ng mga bagay na bago sa paningin mo kasi
Mapaglalaruan kna.
Salamat admin
Magandang gabi
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.