Permission to post admin...
About ito sa premonition pero di ko alam kung may halong paranormal..kase ang daming sign na nangyari na medyo nakakatakot for me..at dahil dito magpapaka anonymous muna tayo, respeto na rin sa mga pamilya nila..
Warning:long post ahead..
"BABAENG DAGAT"
dalaga pa ko ng mangyari to, di ko na maalala kung anong year..and wala din po ako sa pangyayari, base lang din to sa kwento ng mga nakasama nila sa outing..nalunod po yung dalawang friend ko at tita nung isang friend ko na nalunod..sad to say😢hindi po sila nakaligtas😭..
Nung araw na yun, masaya ang lahat dahil outing, di ko na tanda kung ilang jeep sila lahat..mga dalawa or tatlong jeep, bali nagrent lang sila ng sasakyan..sa pagkakatanda ko yung resort na napuntahan nila ay walang permit..
1st sign:
Habang nagiintay yung iba sa pagkainip nagsugal muna sila sa loob ng jeep habang yung isa natutulog sa mahabang upuan ng jeep.. Dahil nga mga kabataan may mga kalokohan(pero mababait po sila) nagkabiruan na magbigay ng tong(parang abuloy sa patay) habang nagkakatuwaan eh nagpapatugtog sila sa jeep biglang tumugtog eh punebre(kanta sa libing)lalo silang nagkatawuan dahil nga wala naman sila idea sa mga susunod na mangyayari2nd sign:
Lahat ng kasama sa swimming nakaitim, yung mga namatay sa lunod ay mga naka puti..3rd sign:
Halos lahat ng sumama sa swimming eh hinatid sa pagsakay ng jeep ng kanya kanyang pamilya4th sign:
Pagdating nila sa resort may nakita daw puting manok ang tropa, pinalo nila sa ulo then nilibing nila tapos hinukay ulit nung gabi para lutuin at kainin..5th sign:
Bago sila makapasok sa resort may weird daw na matanda na sinabihan sila na wag daw maligo dahil andun daw ang babaeng dagat nangunguha daw ng mga lalake..Lahat yun late na nila naisip, nangyari na..yung dalawa kong friend na nalunod, yung isa gay yung isa lalaki.. Sinagip lang nung lalaki si gay kaya ayun pareho silang nalunod..yung tita nung gay mga ilang oras kusang niluwa ng dagat after malunod, humihinga pa daw pero sumuka ng tubig na may kasamang buhangin, lumaylay ang dila at nalagutan na ng hininga..yung gay na friend namen kinabukasan ata or 2 days bago kusang lumutang.. Paalis na sya papuntang japan mga ilang weeks na lang, napkabait ng friend namen na yun before sya mamatay nagtataka kami sakanya kase medyo masungit sya..yung lalaki naman mga 4 days bago nakita ng mga mangingisda, hindi na makilala kase matagal nababad sa tubig.. Nakilala na lang dahil sa singsing at short na suot..ilang days after nya mamatay nakausap pa namen sya, masayang masaya kase natangap na sya sa trabaho..
Nung mga oras na lulunod sila sa lugar na yun, may iba pa palang nalulunod..nai televised pa po sa news yung pangyayari..pinost ko to para maging aware tayo sa mga nangyayari sa paligid naten wag baliwalain lalo na kung may babala.. Pero nangyari na, siguro nga hanggang dun na lang sila..Pero sobrang sakit pa rin hanggang ngayon lalo na sa mga naiwan nila..hindi po kami nakasama sa swimming dahil yung isang friend ko hindi nagising nung pinuntahan sila nung friend nameng gay..wala din po kase kami cellphone kaya di nila kami nakontak..inadya din po siguro na di ako makasama dahil hindi din po ako marunong lumangoy..
At naniniwala po ako na pag oras mo na, tanging Diyos lang ang nakakaalam..
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
![](https://img.wattpad.com/cover/334075232-288-k923540.jpg)
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.