DILAW

46 0 0
                                        

DILAW

Not travel related, tsaka kwento ng hubby (H) 2018 nangyari nu'ng di pa kami nagkakilala (We met in 2019).

Tuwing gabi, madalas siya tumatambay sa mga balut stand sa tapat ng lumang hotel (see pic ng actual hotel) kasama bayaw niya na pulis at isang kaibigan niya. Likas na people friendly at palatawa si H at madali makakita ng kaibigan. Isa sa mga gabi ng pag tambay2 nila ng bayaw niya doon may nagpakilala na babae kay H, Angel pangalan niya. Estudyante sya sa isang kolehiyo na located sa di kalayuan sa hotel. Nag boboard daw sya sa fourth floor ng hotel yung rooftop. Maputi at sexy si Angel, mabango parang bagong ligo, maliit ang mukha at straight ang buhok hanggang balikat. Sabi sa kanya ni Angel, natuwa daw sya sa mga storya ni H kaya nag lakas loob sya nagpakilala kay H.

Ilang gabi din madalas na andoon si Angel sa balutan para lang makinig sa mga kwento ni H at bayaw. Okay lang din kay H para dadami audience niya aside kay bayaw at tindero ng balut. Minsan nililibre din ni Angel silang H at bayaw ng balut. Humingi ng cp number si Angel ni H para daw mag text2 o magusap daw sila. Naging textmate silang 2 pero hindi mahilig mag text si H kaya madalang lg sya nag rereply.

Ilang gabi nagdaan parang napansin ni H na laging yellow spaghetti top at maong shorts na puti ang suot ni Angel. Kada alas 9:30 nagpapalam si Angel sa kanila, uuwi daw sya sa hotel kasi mag aaral pa daw sya para sa klase bukas. Wala naman reaksyon si H kasi kolehiyala, at hinayaan lang nila na mauna si Angel. Kung tumatawag si Angel, ramdam ni H na parang kinikilig sya, hindi dahil sa bedroom voice ni Angel, kundi parang nasa ilalim ng kung anong lugar yung boses niya. Minsan lang niya sinagot ang tawag ni Angel.

Nang sumabay na isang kaibigan (Mer2 nila, pinakilala nina H at bayaw si Angel kay Mer2, sexy at maputi daw si Angel. "Anong maputi? ang itim2x niyan! Ampangit pa" pabulong na reaksyon ni Mer2 kay H. Umalis nalang si Angel at kinakantyaw niya si H at bayaw na nagagandahan daw sila ni Angel na ang nakikita niya ay maitim, kulot ang buhok, at may katabaan. Tinawag pa nilang manlalait si Mer2. Maging ang tindero ng balut nagsabi maputi at sexy daw ang babae.

Doon na sila naghinala. Kasama si Mer2, sinubukan nila magtanong sa mga estudyante sa college kung may nakakakilala daw kay Angel na nag bo board sa hotel, inilarawan pa nila hitsura ni Angel. Walang nakakilala sa kanya.

Inobserbahan nila si Angel ng ilang gabi pero wala naman daw kakaiba sa kanya, maliban sa sinasabi ni Mer2 na maitim at pangit si Angel. Laging nag.aya si Angel kay H kung gusto ba daw niyang sumama sa Hotel. Umayaw si H. "Sige, kung ayaw mo sumama ngayon ipapakita ko sayo kung anong kwarto at floor ako sa hotel, baka may plano kang sundin ako." nagpaalam si Angel at totoo nga, nakita ni H na paakyat na si Angel hanggang roof top, at before pumasok sa loob sa kwarto si Angel, naka ngisi at nag babye pa sa kanya.

Ayaw sana sundin ni H ang babae kaya pagkatapos namaalam sa kanya si Angel, sinamahan sya ni Mer2 na magtanong sa guard sa hotel. Dinescribe nila itsura ni Angel.

"Babae? Wala man pumasok dito. Wala din costumer ngayong gabi."  sagot ng guard. Tinanong nila kung may nakatira ba sa 4th floor (rooftop na may close deck).

"Nakita nga pa namin umakyat yung babae hanggang 4th floor. Sabi niya doon sya nakatira," sabi ni H.

"Bossing bodega yung kwarto nasa rooftop. Walang tumatambay doon o nakatira doon." paliwanag ni guard.

Doon na sila kinilabutan. Mula nun hindi na sila tumatambay sa balutan. Tinapon din ni H ang simcard niya kasi palagi doon tumatawag at nag tetext si Angel. Minsan, isang hapon matapos ng 1 buwan nakasalamuha nila yung tindero ng balut at sinabihan pa si H na "yung babae na kasama niyo gabi2x sa balutan, hinahanap ka. Ba't di ka na daw tumatambay doon?" Ayaw na malaman ni H kung ba't daw nagtatanong pa, pero mula ng gabing hinananap ni Angel si H, di na ulit nagpakita.




📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon