Biglaang travel sa Norte

21 0 0
                                    

Biglaang travel sa Norte

(Long post ahead)

Hi guys! I am a silent reader here, sobrang tagal na. Di ako traveler, mas gusto ko yung nasa bahay lang. Pero ever since magretire papa ko after 10 years bilang ofw, dun na kami magstart mag travel pamilya, kasama wife ko at daughter ko.

Si erpats, sya yung tipo ng tao na implusive, especially sa gala haha. Pero always ako support sa kanya kasi yun talaga ang hilig nya. Then, etong papasok na wednesday (April 5) nagyaya syang pumunta ng Pangasinan. Gusto nya dalawin yung bestfriend nya doon kasi nagretire na from being a police sa Manila. Yung name ng lugar, di ko na sasabihin pero birthplace yun ng isa sa mga presidente ng pinas hehe. Maganda yung lugar, promise. Ang gaganda ng bahay, ang lalawak ng bukirin, at napakarefreshing ng place (para sa tulad ko na nakatira sa matao at magulong lugar).

Pero isa lang napansin ko doon, walang pusa. Kumpleto farm animals dun, may aso syang belgian, pero walang pusa. Isip ko, baka di sya cat lover, pero sa buong paligid nila at mga kaanak nya, wala talagang pusa maski stray. Hinaayaan ko nalang, at inejoy ko yung lugar. Sa bahay ng bff ng erpats ko e sobrang aliwalas. Mag-isa lang sya doon pero solid, ganda talaga.

April 7, napagpasiyahan ng tatay ko na dumalaw sa pinsan nya. Medyo malapit naman na din kasi at andun na din kami sa Pangasinan. Biglaan, at di pa kasi nakakapnta dun ever since. Baon namin e dasal at google map. Yung name ng lugar e may kapangalan sa isa sa mga city sa Laguna hehe. Yung family ng tita ko e sobrang welcoming. Nasa dulo na sila ng residential, pero may mga kapitbahay. Sa paligid nila e kaliwa't kanang fish pond na napag gigitnaan ng ilog. Typical na probinsya, may mga kambing at baka. Pero pansin ko, sa loob ng lugar na yun, walang pusa, kahit ni isa. Daming aso, ang lalaki sobra. Halos 2:30pm na kami nakarating and ang daming tao. Syempre nag explore at roam kami sa lugar. And mga besh! Majorities sa kanila walang philtrum! Ang galing nila makisama, nagbebenta din sila, may mga tindahan at shops. Yung mga bata dun titigan ka talaga sa mata, tapos ngingiti. I keep quiet lang for the whole time, kasi ayaw ko magcause ng panic doon.

Dumating ang gabi, maaga ang tulugan sa probinsya. Kaso eto na, 11pm nagstart na ako matulog, nagbabasa ng kung ano ano. Sabay pagidlip ko, humilik ako ng isa and lumutang katawan ko, and then bang! Nagising ako. Pawis na pawis kahit naka aircon kami. Upon checking the clock, 12:00 mn na. Yung mga aso at manok sabay sabay na nagingay. Tipong galit na galit. Para bang may tao na nakapaligid sa bahay.

Nagtry ako magcr sa time na yun, sobrang dilim ng paligid, walang ilaw kahit isang bumbilya. Ang tanging ilaw ko lang e yung cp ko. Yung mga salamin ng tita ko din e nakatakip ng tela, na bago para sa akin. And yung mga kapitbahay nya e wala ding mga ilaw. Tanging ilaw ng buwan lamang makikita mo dun. Nasa sala ako ppntang cr, biglang lumabas sa kusina yung pinsan kong babae, binati ko sya at natutukan ng flashlight sa muka, pero besh, blanko lang sya at di ako pinansin. Isip ko baka naalimpungatan lang.

Sobrang bagal ng oras, 2 times ang binangungot, at pagpatak ng 3am, nagiiyak bigla ang anak ko. Di namin mapatahan na hindi naman normal para sa amin. Ang anak ko kasi mabilis mapatahan, pero sya nung time na yun, almost 10 mins nagiiyak, continous yun. Kung di pa kami lahat magigising, di pa sya titigil.

4am same date. Nagyaya yung tita namin sa papa ko na bumisita sa isa sa mga beach dun, yung city name nya is parang tunog tuna can with a 19th century church. Sabi ng tita ko maganda daw dun ng maaga kasi para maabutan namin yung mangingisda. Napagusapan namin yung nangyari pero di narining ng tita ko yung iyak ng anak ko, ang naririnig lang nya e yung tahol ng mga aso. Sobrang ingay daw. Krazy lang kasi ako both ko narinig tahol ng aso at iyak ng anak ko. Pero yung wife ko, mama ko at tatay ko, wala silang narinig na tahol ng aso.

Upon arriving sa beach, seems normal naman. Madaming tao, at parang di sabado de gloria. Naghanap ulit ako ng pusa, pero sobrang frustrating sa end ko kasi wala akong makita. Isipin mo beach yun, madaming locals, and pagkain. Bat walang pusa? Sumuko na ako, at tanggap ko na di normal na yun. So tinuon ko nalang ang atensyon ko sa beach. Pero putcha, walang bago, pero yung alon ang tataas. Galit na galit yung dagat, at walang pumapaong kasi nga di daw stable yung dagat. Pero go padin sa gedli, tamang langoy langoy, naglagay sila ng boundary, kahit hanggang bewang lang, sasawayin ka ng guards dun, kasi yung alon galit na galit.

Yung isang guard dun, nakausap ko. Sabi nya, "Nung martes pa yan hindi matahimik, di pa kasi nakakakuha ng buhay, kaya ganyan." Syempre as bisita dun, damn, bat ganoon ang sinabi nya? Yung dagat lakas din makahigop, prang magtutsunami nga e. Gusto ko magupload ng mga pics dito, pero ayaw ko maging dahilan yun sa ikakasira ng place. Uulitin ko, sobrang ganda ng lugar. Yung dagat kahit rageful, sobrang ganda. Nakakainlove. As usual, madami padin ako naencounter na tao na walang philtrum. Wala akong sinabi na aswang sila or else, pero dami ko kasi nabasa na ganun dito na elemental entities sila.

9am bumalik na kami sa tita ko, and nagyaya na ako umuwi. Kasi sobrang off na talaga. Yung erpats ko biglang nagyaya sa isang lugar na malapit dun, yung name nya is sikat sya sa isang partikular na isda na masarap ihawin. Pagdating dun, nagpagiwan muna kami ng wife,sis, at anak ko, sa may simbahan. Picture taking ganun, kasi breathtaking yung simbahan at lugar. Sobrang ganda talaga, wala akong masabi.

Nagcr ako, pero nagtry padin ako magcheck sa paligid if merong pusa. Commercial na yung lugar at near public market, pero sad to say, wala padin. Paglabas ko ng cr, yung isang bantay dun, nagtanong sa akin, "Iho, naghahanap ka ba ng pusa dito? Wala kang makikita dito." Damn! Ta*na nagulat ako, pero act cool at calm lang. Sabi ko na, naaamaze ako sa lugar at sana meron din kaming simbahan na meron sila, pero ngumiti lang sya at tumango. Wala din syang philtrum. Pero oks lang, naenjoy ko yung lugar overall, sobrang salamat sa mga locals dun kasi di ako naout of place. I don't know if nasesense nila na may knowledge ako sa ibang tulad nila. Pero ang sa akin, respeto at pakikibagay ang ginawa ko.

Lesson learned. Bago pumunta sa isang lugar, need mag research talaga. Every details, every food na ihahain sayo(di naman sumakit tyan namin, pero solid mga seafoods dito, must try talaga). Di pwede  yung ignorante ka. At higit sa lahat, wag ka magpapanic, at stay calm. Laking tulong non! Syempre dasal at gabay ng poong maykapal.

Osya haba ng story ko, sorry di ako magaling magkwento through this. May part 2 sana, yung paguwi namin dito sa bahay, pero sa susunod nalang yun hehe, eto kasi sobrang fresh at first time ko talaga mag travel province.

Uulitin ko, sobrang ganda ng place. Must try ang mga pagkain, ang babait ng mga tao, at higit sa lahat tong lugar na to e nakakapagcleanse ng lahat ng toxicity sa katawan,work at buhay. Yun lang! Salamat!





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon