Kubo

18 0 0
                                    

Would like to share my daughter's situation until today. LONG POST AHEAD po.

We've been to Jomalig this week, before start holyweek lang nauna na kami para wala halos tao or di crowded. Bandang salibungot beach kami nag stay. Dko na po babanggitin kung anong resort.

First night po namin, all goods naman with bagets po pala kami kasama. Yung bunso ko po merong ASD level 3, nagttherapy na po 5 months. Hindi pa po sya napapabinyagan. 3yrs old na po siya.

So eto, sa Kubo kami nag stay. First night po, medyo creepy na po nangyari. Yung panganay kasi namin lagi po yun attentive/alert sa kapatid nya pag sinasabihan namin na tignan nya kapatid nya don't let her to go down. But that time nasa tapat lang kami ng mismong kubo kasi may tambayan po dun , nagkakape kami at naka open po ang pintuan ng kubo para makita din ang bagets. Then maya maya po nawala ung bunso namin, nagulat kami nasa kabilang kubo na at maayos ung pagkakaupo nya sa kubo which is medyo elevated kasi ang kubo na need humakbang pataas sa pintuan para makapasok sa loob. So dun sa ilalim po ng kabilang kubo dun po nakita ng husband ko. That time inisip na lang namin na baka natripan lang ng bunso namin na pumunta dun. Which is sa case ng ASD daughter namin na di sya ung tipong ppunta dun na wala kami. Ung damit nya di madumi, pero yung pants nya sobrang mabuhangin/madumi.

Kinabukasan umaga po, naglalaro po ang kids takbuhan kasi maluwag dun sa resort na pinuntahan namin... Meron po dun na pinupuntahan ng bunso namin bandang common cr/ bomba ng tubig at merong PUno ng Niyog dun.. Medyo malayo na po sa kubo namin ung cr, pinasundan ko sa husband ko at baka kasi madulas banda dun. Pagkakuha ng husband ko, maya maya lang bigla bumagsak ung isang kamay ng niyog dahon. Mapapa sabi kna lang talaga ng BUTI NA LANG. --- At that day din, nakitaan din namin bunso namin na may Kagat sa legs. Unang pumasok sa isip namin, Yung kuya niya may gawa kasi pag nanggigigil ung kuya nya kinakagat sya, at pag tinatanong namin if sya may gawa nagsasabi po agad yun aamin agad yun but that time ilang beses po sinabi ng kuya nya na hindi sya ang may gawa nun. Pinabayaan na lang namin ulit ung nangyari.

Eto na po pauwi na kami ng Cavite --- Wala kahit anong kakaiba na nangyari sa amin nun pati pagtulog wala po all goods lang. ( Yung mother ko pala sa cavite, pala Simba at laging nag dadasal ).... Pagkabalik namin ng Makati, dito na po nag start Yung kakaiba. 2 nights straight po lagi umiiyak bunso namin every 3am-3;30am onwards.... Laking pagtataka po yun kasi NEVER talaga sya umiiyak sa madaling araw.. Hanggang sa inask nmin ung asawa ng kapatid ni husband if may nakikita ba syang kakaiba ngayon. At dun po sinabi na Meron daw actually nung pagdating namin akala nya ung panganay ko ung kasunod namin pagpasok ng bahay, ayun pala may kaluluwang bata daw na natuwa sa bunso ko. Dun na po kami kinilabutan ng husto. Ang payo samin maglagay ng asin at Holywater sa pintuan ng room namin.. Ginawa namin at isang gabi po wala na siyang iyak sa madaling araw. At eto pa po, Bilang sign po ng ASD na sensitive po pandinig nila, Lagi sya nagtatakip ng Tenga which is before di sya ganun. Kahit tahimik po sa bahay ginagawa nya yun, at ngayon Kada magpapa tugtog kami ng Christian Songs, parang kumakalma po siya. Ngayon lang po namin to ginagawa. Hindi pa kami nagpapa tawas kasi dpa tapos ang Holyweek. Sobrang naaawa ako sa anak ko kasi para lagi syang pagod. Bawat sulok tuloy need na kasama sya, mayat maya tinitignan namin katawan nya baka meron pong galos or what na sinasaktan sya ng kaluluwa.

Gusto ko lang eto ishare kasi hanggang ngayon Hindi pa din po ako mapakali bilang nanay. Every Monday at Wednesday Ang therapy nya. Kako sa husband ko kapag may napansin ang Therapist nya sa Monday na unusual, need namin agad pumunta sa nagtatawas kasi kawawa din anak namin.

Uupdate po ako sa comments at mag rereply pag may time po ako. Pasensya na mahaba. Naghahanap din ako ng ganitong case sa mga pumunta sa Jomalig island. Baka talagang nataon kami na nabati anak ko.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon