Tamy

43 0 0
                                        

"Tamy"

Inshort for "Tita mommy" yan ang nakasanayan naming itawag sa mommy ng isang classmate namin nung hs. Mabait si Tamy, lagi may nakahandang meryenda para samin sa tuwing magba-bible study kami sa bahay nila. Bukod dun para niya kaming nga extended na anak sa labas😁 nagseselos na nga samin si Raya na anak niya talaga, kasi sweet at maasikaso daw si mommy niya samin.
After ng bakasyon nagkanya-kanya kaming busy schedules magkaibigan kaya nawalan kami ng time na sumilip o dumalaw kila raya. Nagulat na lang kami na biglang pumunta si Raya kasama Papa niya sa Bahay, naglilibot sila para sa "abuloy" (nakalakihan ko na dito saamin yung nga kamag-anak ng namatayan ay naglilibot para makahingi ng tulong like bigas o Pera any takal at amount) sa p@t@y. Namaalam na daw si Tamy naaksidente Siya pauwi galing sa trabaho.
Napag-usapan naming magkakaibigan na tutulong kami kila Raya sa bilar o burol. 5days burol ni Tamy , sa ikatlong gabi ay apat sa aming makakaibigan ang tumulong Kay Raya sa lahat ng kailangan Gawin. Andun yung tita niya na lagi nagbibilin at paalala tungkol sa mga pamahiin.
Pasado alas-onse ng karamihan sa mga bisita ay nagsiuwian na, tanging mga kamag-anak nila Raya at kaming magkakaibigan na lang naiwan. Puro oldies Yung mga relatives nila Raya kaya inaantok din Sila at nagsitulog sa 2nd floor. Bago matulog ang tita ni Raya ay mahigpit syang nagbilin na dapat ay di mawalan Ng bantay na gising si Tamy, Hindi Siya pwedeng makatulugan dahil baka Isa daw saamin ang "sukatin" Niya.
Hindi ko pa masyadong gets Yung pamahiin na yun dati, pero lahat kami ay sumagot ng opo sa tita ni Raya. Naglaro na lang kami ng Monopoly para di antukin. Sa kasarapan kami ng tawanan at kwentuhan habang naglalaro ng bigla na lang maglaglagan ang mga plastic cups at paper plates na nasa gilid ng lamesa. Napatigil kami lahat , Sabi ng Isang friend namin na baka naingayan daw si Tamy saamin kaya sinaway na kami. Humingi kami ng sorry at nagdasal.
Yung mga upuan nga Pala sa burol eh Yung gaya ng upuan sa simbahan. Pumuwesto si Raya at Yung Isang kaibigan namin nun pahiga , iidlip daw Muna sila. After an hour at nagising sila ay sinabihan kaming Sila Naman daw magbabantay para makaidlip din kami.
Mabilis akong nakatulog nun..
Nagising lang kami ng makarinig kami ng sumisigaw, Yung tita ni Raya  Pala Yun . Nagaalala syang nagtanong saamin kung nakatulugan daw ba Namin si Tamy. Mabilis namang umamin Sila Raya na nakatulog din sila ng di nila namamalayan. Napa -sign of the cross Yung tita ni Raya sa harap ng ataul then nagdasal , nagtinginan naman kami magkakaibigan.
Tahimik na lang na umupo Ang tita ni Raya sa tabi ng ataul.

Pagputok ng liwanag ay nagpaalam na kaming uuwi Muna at babalik na lang kami kinagabihan para tumulong ulit.
Pagbalik Namin kinagabihan ay nagulat kami na 2 ataul na ang andun😳 Hindi namin Makita si Raya kaya sa tita niya kami lumapit.
Paglapit namin sa kanya ay bigla syang humagulhol, while saying "Wala na si Raya" 💔😭 nagulat kaming magkakaibigan nun, kala pa namin nagbibiro si tita. Pero Ng Makita ko Papa ni Raya na may dalang picture frame at ipinatong dun sa Isang ataul tapos larawan ni Raya Ang nakalagay ,napaiyak na talaga ko.
Sabi ng tita ni Raya na napasukan nila ito sa kwarto na nakab!gt! Habang may $u!c!d3 note sa kama.
Nasaktan kami para kay Raya💔 thinking na Hindi Niya kinaya Yung sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng mommy niya.
After ng libing, may sinabi samin Ang tita ni Raya. Hindi daw sya naniniwala na coincidence lang ang pagpapak@m@t@y ni Raya, dahil sya daw ang "sinukatan " ni Tamy Ng makatulog kaming lahat sa burol Niya. Ipinaliwanag Niya saamin na kaya daw Hindi pwedeng makatulugan Ang patay ay dahil kukuha ito ng Isang isasama Niya na kasukat Niya. Nangilabot kami sa sinabing yun ni tita , 🥶 idagdag mo pang kaya Pala sya nagsisigaw nun Ng sumilip sya sa ataul ay dahil Nakita niya na may lubid sa kamay si Tamy , ibig sabihin ay yun daw ang ginamit nitong panukat 😰.

After nangyari to mga Mi , Hindi naman sa pagaanu eh nagstart na kong maniwala sa mga pamahiin, I mean Wala naman sigurong mawawala kung irerespeto o susundin natin mga iyon. Although sa paglipas ng panahon ay unti-unti na itong nawawala..
We miss you both so much Raya and Tamy 😭❤️



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon