Good evening! Dahil may mga nababasa ko dito mga stories nila about sa tiktik o aswang share ko lang din yun sakin. Nangyari eto nung pinagbubuntis ko yung anak ko.
So just a few background muna. Way back highschool mahilig nako sa mga paranormal stories. I even joined a group of witches dito bago ako mag college dito sa NCR. So etong group na to na featured na to sa Rated K before, and kung may nakaka alala sainyo ng Nginig paranormal investigation, yung mga psychic don ay mga friends ko. Natuto din ako ng mga rituals dahil sknila.
Balik tayo sa kwentong aswang, nabuntis ako 2010 graduating ng college super takot ako malaman ng parents ko na 3 months preggy nako non. Then pumunta kami ng mother ko sa cebu, naka book na flight namen before ko pa malaman na buntis ako. So nung pumunta kami ng cebu, super tinatago ko ung tyan ko at di ako ready na malaman ng mama ko. Anyway nandon kami for vacation kase manager ng hotel yung friend ni mama so ininvite sya and sinama ako. First time namen non sa cebu, though my father is a cebuano pero dito na sila kase sa manila naka base.
Ff, pagdating namen ng hotel don. Sympre ang dialect is bisaya, nakaka intindi naman ako pero gamay lang. Iba yung feeling ko sa hotel, mabigat na talaga. Pag dating sa reception may isang staff don na masama ang tingin sakin. Napatingin sa tyan ko. So babae sya mga nsa late 20's or early 30's that time. Deadma lang ako sa tingin ni ate ako namn smile smile lang. Pinapahinga muna kami ng friend ni mama sa isa sa mga room don sa hotel tapos after 1 hour nag grocery kami para kahit papano may snacks kami sa loob ng room.
First night, nasa room na kami ni mama. Sa room may dalawang kama pero tumabi ako kay mama kase malaki ung kama nya at feeling ko malamig masyado sa pwesto ko. So dahil buntis nga, madali ako mapagod at dahil maselan ako sa pagkain hndi ako nakakain ng ayos kahit kase sinusuka ko din at patago akong nagsusuka. Sa pagod sa byahe, nakahiga na kami ni mama pero si mama that time nagccheck pa ng cp nya at chinecheck ung mga kuha namen sa digicam. Magkatalikuran kaming dalawa. Naka dim na yung ilaw at bukas ang tv, ako naman papasok nako sa panaginip ko at patulog na talaga. Ng biglang, nakaramdam ako ng paninigas ng katawan, pinipilit kong imulat ung mata ko kase gsto kong humingi ng tulong kay mama gsto kong sumigaw at bumaling ng paharap saknya or kalabitin sya kaso walang nalabas na boses sa bibig ko. Alam kong gsing pa sya kase naririnig ko ung keypad ng cp nya habang pininpindot nya. Binabangungot ako sa mga sandaling iyon pero same scenario sa real world. So pinilit kong imulat mga mata ko, naimulat ko sya at super natakot ako kase nakita ko may malaking itim na ibon na lumilipad sa loob ng room namen! Kitang kita ng mata ko yung paglipad nya at pag dapo nya sa ceiling. Yung style ng pagdapo nya is pabaliktad na prang pwesto ng owl. Ang laki at kulay itim. Yung para bang dumapo sya don para magmasid. Naiiyak nako sa takot at pilit kong bnubuka ang bibig ko para may lumabas na boses. Ramdam ko na luha ko na pumapatak habang nakatitig ako sa ibon. Aware ako sa nangyayari sa paligid ko at hndi lang ako basta basta nananaginip. Kase naririnig ko ung tv naririnig ko ung keypad ng cp ni mama andun ako sa mismong kwarto at same scenario. Kaya alam kong hndi basta panaginip yun. Hanggang sa, naalala ko ung protection spell na tinuro sakin ng mga kaibigan kong psychic. Binabanggit ko ng paulit ulit sa isip ko habang nakatitig ako sa ibon. Effective! May lumabas na boses sa bibig ko after ilang beses kong banggitin. Nagulat si mama nung narinig narinig nya. Bumaling sya sakin at tinapik tapik ako, at that moment nakita nyang naninigas nako. At after ng ilang tapik nya sakin, nawala ung paninigas ng katawan ko at nakagalaw ako ng maayos. Nung nakgalaw nako, binaling ko ung paningin ko sa kisame. Sabi ko kay mama, asan na yung ibon na lumilipad. Takang taka sya ano daw ibon pinagsasabi ko. Don ko na kinwento ung na experience ko. At dun nya na narealize na inaaswang ako at naconfirm nya na buntis tlaga ako. Sabi nya, may hint na sya na buntis ako hnhintay lang nya na sabihin ko. Kung di pa raw ako aaswangin di pa raw ako aamin. 🤣
Based on my own experience, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Anyway iba na religion ko ngayon. (To give you a hint, twice a week ang pag samba) converted nako 3 yrs ago. So hndi nako naniniwala sa mga ganon kwento, kaso pag binabalikan ko ang mga na experience ko noon hndi ko rin maipaliwanag. Pero mas focus nako sa religion ko na yun at tuluyan ko na rin iniwanan sa past yung mga rituals, spells, voodoo eme na yan.
Marami pakong kwento, twice kong na encounter tong ibon na itim na pala to. Yung pangalawang beses, naipanganak ko na ung baby ko.
See you sa next kwento. 😊 Thank you
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.