When I was 12 yrs old, may nangyare sa bahay namin na until now diko ma explain. Gabi non, siguro mga around 6PM kami lang ng ate ko tao sa bahay namin kase umaalis parents namin noon. That night, nilalagnat ako apos kung ano anong naririnig ko. Tinanong ko ate ko kung naririnig nya rin ba yung malalakas na tunog ng nababasag na pinggan tapos may nag aaway, sabi nya wala daw tahimik lang naman daw. So ako pumasok nako sa bahay namin baka guni guni ko lang. Yung ate ko may niluluto syang Lucky Me noodles sa kusina kase nga may lagnat ako. So eto na...
Sabi ng ate ko "neng icheck mo nga yung niluluto sa kusina kung okay na". So ako pumunta ako sa kusina namin para icheck yung niluluto. Pero iba yung nakita ko...
Yung mga gamit sa pagluto, sandok at bowl na lalagyan sana ng noodles, nakalutang sila sa ere... As in nakaangat sila at nakalutang ng mataas. Iniisip ko baka guni guni ko lang kase nga may sakit ako. Tinawag ko ate ko ng walang takot "ate halika nga tignan mo nakalutang ata yung mga gamit sa kusina". Tapos lumapit ate ko sakin habang nasa kusina ako sabi nya "ganyan pag may sakit nagha hallucinate"... So eto..
Akala ko din nag hahallucinate ako pero pag tingin ng ate ko nagulat sya kase nakikita nya yung nakita ko. 😬 Tapos hinawakan ni ate mga gamit na nakalutang unti unti nya binaba. Takot na takot kami parehas, gang dumating sila mama at papa, di kami nagsasalita ng ate ko. Eto yung pinaka creepy na part...
Pag open namin ng TV, araw daw ng demons nung araw na yun, kase nangyare sya sakin June 6, 2006 (666)... Kaya diko makalimutan yang numbers na yan.
Diko alam anong elemento nakahawak dun sa mga gamit namin pero diko sya nakikita. Until now, dito parin ako nakatira sa bahay na to. 😬
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.