Lalaking itim

32 0 0
                                        

Lalaking itim

Isa akong part ng LGBT, nung bata pa kami dahil ayaw ng magulang ko n mapabarkada ako, minabuti nila na sa probinsya ako mag aral. Tahimik naman ang pamumuhay doon, maaga plang tulog na ang mga tao. Sa mga lolo at lola ko ako nakatira noon since ang nanay at tatay ko sa maynila nag tatrabaho. Madami akong mga kwento sa bahay, pero eto n muna dahil eto ung di ko talaga maintindihan. Hanggang sa makatapos ako ng HS at sa maynila n din nag aral ng college.

May classmate ako n crush ko nung college. Ininvite ko sya sa probinsya nmn for fiesta. Un ang unang  nagdala ako ng kaklase ko sa bahay na lalaki, valid naman kasi fiesta. Okay nmn lahat, masaya at syempre medyo nakakakilig kasi crush ko talaga ung classmate ko 😅 syempre myembro din sya ng LgBT, then di ko ineexpect ung next n mangyayari, tulog na kme mga past 12 n un, ng bigla sya ng sumigaw ng malakas… sa takot ko kasi simisigaw sya habang tulog ayaw nya gumising, sinampal ko sya… then nung nahimasmasan sya… may lalaki daw na itim… itim na aninon…gusto sya sakalin… papalapit daw sa kanya… kitang kita nya… ako naman… sabi ko panaginip mo lng un…. Baka madami kng nakain kaya ganun… sabi nya hindi meron talaga… syempre para kumalma sya, sabi ko nlng d nlng nmn i oof ung ilaw…

After that incident, parang inassume ko lng na baka nakatulog sya ng busog and didn’t take much time worrying about sa lalaking itim.

After mga ilang years, nagkaron n ako ng stable na ka relasyon, hindi n ako masyado g napunta sa bahay sa probinsya dahil na din sa work. Isang araw, naisipan namn ng partner ko na pumasyal, e d ako naman okay na okay kasi kahit paano bakasyon. Sa maynila kasi kame nakatigil.

Natuloy kame sa probinsya, pi akilala ko sya sa mga kamag anak ko… pero ang di ko inexpect ung next na nangyari, dahil medyo matagal n nga ang nakalipas, hindi n masyado tinutulugan ang 2nd floor, bukod p sa walang ilaw sa second floor ng mga panahon na un kaya sa sala kame natulog…

Madaling araw biglang umungol ang partner ko…. Dali dali ko syang ginising… sabi ko gising binabangungot ka…

Laking gulat ko sa sinabi nya…

“May maitim n lalaki, dinadaganan ako, hindi ako makahinga… “

Hindi ko pa na kwento sa kanya ung experience ng classmate ko sa bahay namn… nakakapag taka lng na same sila ng description nung nag kwento sya sa akin…

Hindi ko na din sinabi sa kanya about sa classmate ko dahil baka lalo syang matakot…

Mula nun, hindi n ako nag dala ng bisita n dun matutulog lagi kme uwian.

Hindi ko alam kng anu gusto nung lalaking itim. Never nmn may nagpakita n lalaking itim sa pamilya namn… though may mga paramdam akong naranasan sa bahay n kwento ko sa mga susunod.





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon