Naniniwala ba kayo sa "pinaglalaruan"?

16 0 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa ”pinaglalaruan”?

Well, ako, hindi talaga ako naka-experience nyan... Not until when I went to Boracay.

So ako, yung boyfriend ko, at yung mga friends ko ay pumunta sa Boracay last year, June 2022. Before kami umalis, syempre naghanap at nagdala na ako ng mga OOTD ko. Gusto ko, may white pearl na hikaw akong suot suot lagi pagdating namin sa Boracay kasi ang lakas maka-beach vibes. Hindi ko inaalis kasi ang lakas makaganda. When we got to Boracay, we stayed sa isang hotel sa station 3 for 3D2N.

Nothing weird naman when we arrived in the hotel and we got in our room, ang ganda pa nga ng view sa room namin ng boyfriend ko.

Syempre, pag nasa bakasyon ka, mag-eenjoy ka. Dami naming nagawa ng mga friends ko during the entire vacation.

So yung last night na namin sa Boracay, around 11PM, nagdecide yung boyfriend ko na gusto nya magpa-home service massage, so we looked for it. Around 12 MN, may dumating na masahista, babae, maliit at payat. So nagtaka kami ng boyfriend ko, kasi parang ang lambot ni Ate. Parang pag magmamasage sya, di uso sa kanya ang hard. Puro soft lang. Ganon siya!

Nakatulog ang jowa ko from 12 MN to 12:30 AM. Ako naman, gising pa during that time pero medyo inaantok antok na. Nung nagising yung boyfriend ko nang 12:30 AM, ako naman yung natulog. Kelangan ko kasi matulog at makaipon nang energy kasi maaga flight namin ng boyfriend ko at ng mga tropa ko, 7:30 AM. bago matulog, nag alarm ako ng 4:30 AM sa phone ko, considering yung oras ng ligo, preparation, and travel going to Caticlan Airport. And kapag natutulog ako, hindi ako nagtatanggal ng accessories. Natutulog ako nang may kwintas at hikaw (yun lang kadalasan ang accessories ko).

Fast forward, nagising ako sa alarm. 4:30 AM. Tulog na yung boyfriend ko, wala na yung masahista.

Hindi ko alam kung anong sumagi sakin pero sinalat ko bigla yung tenga ko.

Natulog ako na may hikaw ang magkabilang tenga ko… Pero nagising akong yung hikaw na nasa kaliwang tenga ko ay nasa kanan na. (See photos). Nagtanong pa ko at halos maiyak iyak ako sa boyfriend ko dahil ang nasa utak ko non, pinagtripan ata niya ako, o ng masahista, habang tulog ako. Pero hindi raw sila, at aamin naman jowa ko kung siya gumawa nun haha! Plus madali akong magising din. Ang akala ko pa nga, dalawa na yung butas ng tenga ko sa kanan. Wala akong matandaan na naglagay ako ng dalawang hikaw sa iisang butas ng tenga, at sa liit ng butas ng tenga ko, imposibleng di ko maramdaman at di ko magamit ang utak ko kung maglalagay ako ng dalawang hikaw sa iisang butas ng tenga. Also, hindi talaga ako nag-aalis ng accessory. If you can see sa picture, pati kwintas suot suot ko pa rin, kakagising ko lang yan :)

Iniwan ko na lang yung hikaw ko sa hotel. Until now, palaisipan pa rin sakin.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon