Naniniwala ba kayo sa parallel world?
December 2013 namatay ang lolo ko. Sa anim na magkakapatid parang nanay ko yung pinaka affected. Huling lamay humahagulgol siya sobrang iyak niya nahimatay siya. Ganun katindi tama sa kanya. Lola ko at ibang mga kapatid niya syempre umiiyak din pero siya ung bukod tangi na nahimatay kakaiyak to the point na nung nahimatay siya nagiba na talaga kulay niya. Buti may marunong mag CPR kaya naagapan naman.
Fast forward January 2014, nasugod nanay ko sa ospital. Cervical cancer. May high blood na rin at mataas ang sugar. Naiwan magisang bantay yung kapatid ko sa ospital. Nasa bahay naman ako nag reready papasok sa NSTP nang bigla akong nakatanggap ng tawag galing sa kapatid ko. Umiiyak siya, nag papanic, nanginginig yung boses. Hindi daw nagigising nanay namin. Dali dali akong pumunta sa ospital kasama pa ang lola ko galing sa bahay. Pag dating namin sa kwarto kalmado na yung kapatid ko. Kwento niya lumabas lang daw siya saglit para bumili ng gamot. Pag balik niya akala niya nakatulog lang ang nanay. Ginigising na daw niya at sinasabing nakabalik na siya dala na ang gamot. Hindi daw kumikibo. Tinatapik na niya, hindi pa rin sumasagot. Niyuyogyog na niya, wala pa rin. Tumakbo na daw siya papuntang nurse's station para humingi ng tulong. Agad naman daw dumating ang mga doctor. Lahat ng test ginawa, chineck ang vitals. Nag run ng CT scan. Lahat.
Ang sabi ng mga doctor: Normal po lahat sa kanya. Meron po bang nangyari sa bahay bago siya nadala dito? O meron po ba siyang ibang iniindang sakit or problema?
Sagot namin: Wala naman po bukod sa last month lang po namatay yung lolo namin. Yun po pinaka last na mabigat na nangyari.
Doctor: Pasensya na kayo kasi ginawa na natin lahat ng test na pwede para ma-try i-pin point ang cause kung bakit hindi siya nagigising. This is something that the medical field can't explain. Siguro ang magandang gawin natin na next step is magpaconsult sa neurologist. We will still observe within the next 24 hours, let's wait and see kung gigising na siya.
At this point takot na takot na kami ng kapatid ko kasi hindi na namin alam kung anong gagawin namin. Ang naiisip namin baka sa 24 hours na hihintayin namin eh bigla na lang bumigay yung katawan niya at mawala na siya samin.
Kinakausap namin siya kahit hindi siya gumigising. Sinasabi namin lahat ng magagandang bagay at lahat ng good memories na meron kami.
Dumarating na yung ibang mga kamaganak namin. Kinakausap siya. "Pinapabalik" siya. Sinasabihan siyang "wag sumama".
Nag rrounds mga nurse at doctor from time to time chinecheck vitals niya and every time lumalabas na normal pa rin. Nag kakayod pa nga sila ng ballpen sa talampakan ng nanay. Unresponsive pa rin. Inaangat yung kamay niya pero bumabagsak lang. Pinipisil pisil mga kamay at paa. Unresponsive siya.
Lumipas ang limang oras. Dahan dahan niya dinidilat mga mata niya. Dahan dahan din tumutulo ang luha. Humagulgol siya. Iniwan daw siya ng lolo. Pinipilit daw siya sumama. Sinasabi daw sa kanya na ok na kaming magkapatid kasi andito pa samin ang lola. Nakayakap daw sa hita niya at sinasabi na sumama na sa kanya sabi pa daw ng lolo ay natatakot daw ang lolo kasi madilim at walang tao sa pupuntahan niya. Gusto na daw samahan ng nanay. Iyak siya nang iyak.
Nag iyakan na lang kaming lahat sa kwarto. Halo halo ang emosyon.
Fast forward to 2023. Napansin talaga namin ng kapatid ko. Mga ilang taon na rin, parang nag iba talaga ang ugali ng nanay. Dating sobrang masinop sa pera. Maabilidad. Madiskarte. Masipag. Bilang solo parent, bilib talaga kami sa kanya dati. Pero may nag iba talaga. Parang naging mapagwaldas ng pera. Parang nawawala sa tamang pag iisip pag dating sa pera. Hindi na siya nag tatrabaho simula nung 2019. Ako na at ang kapatid ko ang nagpoprovide. Lagi siyang galit pag hindi niya nakukuha gusto niya lalo sa pera. Kaliwat kanan ang utang kahit lahat naman napprovide na namin. Literal na baon sa utang hindi namin alam san napupunta ang pera. Lagi siyang galit. Yung dating mahaba ang pasensya ngayon konting kibot galit at naninigaw. Never niya kaming sinigawan at pinagbuhatan ng kamay dati.
So ang theory namin ng kapatid ko baka sumama talaga ang nanay sa lolo dati pa at ibang tao o espiritu na ang kasama namin.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)