Napkin

39 2 0
                                        

PTPA.
Hello everyone! One of the avid fan here sa LTP 🤗 It inspires me na ishare din yung experience ko and at the same time masagot din yung matagal ko ng tanong kung ano ba talaga nangyare sakin.

PASINTABI DIN PO SA MGA KUMAKAIN

It is started way back 2018 and until now sumasagi parin sa isip ko kung ano talaga nangyare sakin nung time na yun and I hope na sana may makasagot🙏
So yun na nga, my ex's family invited me na sumama ako sa hometown nila sa Bicol, at first natuwa ako syempre masarap sa feeling talaga na naalala ka ng family ng boyfriend mo but deep inside me kinakabahan ako kasi malayo yung bicol (and take note legazpi pa sila) and ako laking manila, manila girl kumbaga.
Pero nanaig sakin yung adventure and sa tingin ko mag eenjoy talaga ako plus, mamemeet ko na din iba nyang family.
Pero kabaligtaran pala ng lahat yung mangyayare.
So ito na nga sumama ako. Mahaba haba na din yung byahe namin from pasay (7am nakaalis bus namin) nag stopover muna kami along pan-philippine hwy. Hindi ko na babanggitin yung name ng place pero I know meron dito lalo na yung mga bumyahe from manila-bicol na alam or naaalala yung lugar na to. Canteen style sya na medyo malawak din pero makalumang bahay yung interior. Imagine mo nalang yung itsura ng mga sinaunang bahay pero lagyan lang natin sa labas ng signage ng name ng restaurant.

Habang kumakain kami I think dinner na namin yun kasi hapon na din and magdidilim na talaga, sabi ko mag cr muna ako. So I excused myself and hinanap yung cr. Di naman ako nahirapan hanapin since may sign sila kung saan banda, pagpasok ko I felt eerie agad. Imagine nyo nalang malaking cr parang kasing lawak ng dalawang kwarto na and 3 cubicles lang. So yung 3 cubicles na yun malawak din ang loob and malalaking pinto as in mapapatingala ka sa laki. I chose the 1st cubicle since occupied yung pangatlo and ayaw ko naman sa gitna.

Dito na pala magstart yung mangyayare sakin 😔.
May menstruation ako that time pero I think mga pang 3-4 days na, pag upo na pag upo ko palang grabeng bulwak na ng mens ko. Nagtaka ako kasi usually kapag pang ilang araw ko na hindi na ganun kalakas. Pero inisip ko baka kasi dala lang sa byahe, nag adjust talaga yung pukengkeng ko and that time lang di nakapagpigil😅
Pero sobra talaga bulwak kung bulwak sorry for the words.
Sa tingin ko nga napahinto din yung nasa pangatlong cubicle kasi rinig na rinig talaga.
So balik tayo, ayun na nga sobrang lakas pero medyo binilisan ko lang ang pag ihi kasi baka tapos na sila kumain. Nung maghuhugas nako ng aking pukengkeng napahinto ako kasi kumalabog yung pintuan sa pangatlo. Imagine sa sobrang laki ng pinto sobrang bigat din kasi kalabog talaga yung tunog. Inisip ko baka lumabas na yung gumamit dun and nakalimutan nya na malaki yung door kaya hindi nya sinara ng bahagya.

Nakapaghugas nako nung makita ko na shet walang basurahan🤦🏻‍♀️ san ko lalagay tong napkin ko. Hindi naman pwede na baunin ko pa to diba?😅 So nilabas ko yung baon ko na plastic and dun ko nilagay and sinabit ko dun sa may sabitan sa loob ng cubicle na ginamit ko. Para na din sa susunod na gagamit kung magpapalit sila.

So ayun natapos na and balik sa byahe na ulit. Nakarating naman kami sa bahay nila pero madaling araw na so pagdating naman dun diretcho pahinga na.

Kinabukasan lamig na lamig ako, nagising ako kasi hindi ko makapa yung kumot. Pero pag tingin ko din wala yung ex ko, so tumayo ako pero bigla ako napaupo sa hilo. Nilalagnat na pala ako nun, pumasok naman yung ex ko may dalang gatas, water at gamot. Sabi nga nya nagising sya kasi ang init init daw yun pala ako na yung mainit kasi nilalagnat na.
Sabi ng family nya baka daw natagtag sa byahe, pahinga lang daw muna ako at ilang araw pa naman daw kami dun. So wala ako nagawa kundi magpahinga kahit galang gala nako nun😅

Naging okay pakiramdam ko ng hapon, so niyaya ko ex ko na maglakad lakad kahit sa malapit lang. Pero wag daw muna sabi ni tita Mel (mama nya) dahil baka bumalik kasi kagagaling ko nga lang daw. So ayun pahinga ulit. Nung gabi bumalik na naman lagnat ko hanggang kinaumagahan. So nahinto na naman yung lakad namin.

2 days siguro na ganun lagi, gabi hanggang umaga nilalagnat ako pero okay ako ng hapon. Nagsusuka na rin ako that time ng color green/yellow kahit wala naman akong kinain na color green or yellow. Napapamura nako kasi kapag tuloy tuloy tong ganito wala kaming mapupuntahan and isa pa sayang ang araw.
Nung hapon okay naman pakiramdam ko pinilit ko ex ko na samahan ako maglakad, ang sabi ko para din pagpawisan ako so pumayag naman si tita mel. Nung paglabas namin sa bahay nila lumakad lang kami ng konti may bahay dun na puro halaman ang paligid pati bubong meron tsaka grabe na yung vines ng ibang halaman natatakpan na yung mismong bahay nya kung titingnan sa labas sabi ko pa ang oa naman maging plantita nito. Napansin ko pa yung babae na nasa mid 70's na naggugupit sa halaman nya nakatingin samin. So nagdirediretcho kami medyo mahaba na din nalakad namin hanggang nakarating kami sa half court, medyo malilim naman kaya sabi ko pahinga muna kami dun and since medyo nararamdaman ko yung lalamunan ko na susuka anytime. Habang nagyoyosi yung ex ko may tumawag sa kanya yung pinsan nyang lalaki mas bata sa kanya sabi uwi na daw kami. Pinapauwi daw kami ni tita mel, sa isip ko nagpaalam naman kami bakit bigla kami pinauwi.
So umuwi nga kami, nung malapit na kami sa bahay nila nakita ko si tita mel nandun sa may matandang babae na may mga halaman. Tapos iba yung mukha nya kahit medyo malayo pa kami kita ko yung kaba sa mukha nya, nagsesenyas sya na pinapapasok ako dun sa may bahay na may mga halaman. Nagkatinginan kami nung ex ko pero pumasok padin ako. Tinanong ko si tita mel kung bakit, sorry lang sya ng sorry sakin.

Pagpasok ko narinig ko sabi nung matanda kay tita mel pati dun sa pamilya nya kasi andun din iba nyang kapatid na kasama namin dun sa bahay. Sabi ng matanda " kung hindi ko pa nakita wala na to." Sobrang kinabahan ako sa sinabi pero wala lang ako ginawa, nilapitan nya ako tapos may ipapainom sakin tiningnan ko lang sya tapos sabi nya "inumin mo na kung gusto mo umabot pa ng linggo" so ako dahil nataranta ininom ko agad pucha sobrang pait na maasim diko mapaliwanag.

Tapos nagsimula na sya magpahid sa katawan ko ng kung ano ano. Maya maya sobra na akong nanghihina kahit daliri ko sa kamay hirap akong igalaw pero hindi ako nakakatulog. Sobrang nanghihina lang.

May mga ginawa sya sakin like hinilot buong katawan ko, may hinahampas sakin pero hindi naman masakit pero every time hahampasin nya ako kahit sa kamay lang feeling ko nasusuka ako. Sabi lang nya "sige lang ilabas mo yan" E ako kahit gusto ko isuka hindi naman lumalabas.

Tinanong nya pa ako kung may nawawala daw ba akong gamit like personal belongings or mahalagang gamit ko sabi ko wala naman po kompleto naman dala ko.

Hanggang sa natapos yung ginagawa nya, pinapasok na sila tita mel pati yung ex ko. Narinig ko sabi nung matanda kay tita mel "Dugo yung hawak nya mahihirapan tayo dalawang araw lang kinaya ko. Pabalikin mo na to hindi na kailangan abutin ng lunes, kukunin to." Kahit hindi ko magets yung sinasabi nung matanda sa mukha ni tita mel sobrang lugong lugo sya, naaawa at nag aalala.

After nung araw na yun, kinaumagahan nagligpit na ulit kami ng gamit and then bumalik na kami dito sa manila. Wala naman sila sinasabi sakin about sa nangyare kaya ako hanggang ngayon iniisip kung ano ba talaga yun.
Pero everytime naaalala ko yung sinabi nung matanda na hawak nya (ibang nilalang I think) yung dugo, (siguro dugo ko) Isa lang pumapasok sa isip ko, yung biglaang pagbulwak ng regla ko sa CR na hinintuan ng bus namin papunta sa bicol. Or yung iniwan ko na napkin😔

Kaya everytime na may mens ako okay lang baunin ko na yung ginamit kong napkin sa bag ko kesa iwan ko sa ibang lugar. Pero yung nangyareng yun hindi ko parin alam.

Saturday ako ginamot nung matanda, sunday morning umalis na kami and thankfully monday safe na ako dito sa Manila.

Sana may alam dito kung ano yung nangyare sakin, para lang sa ikakapanatag ng loob ko kasi sa sobrang kakaisip ko din napapanaginipan ko na like yung sa CR may malaking lalaki hindi ko mabuksan yung door mga ganun.

So yun lang, marami pako gusto ishare sa inyo pag naipost to. 🤗
Thank you sa pagbabasa kahit sobrang haba hehehe

-Manila Gurl



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon