So eto na nga ang entry ko.
Nung college ako, nagcheck-in kami jan sa avenida ng ex ko. Nagsisimula sa “K” yung name ng hotel. 12hrs yun with free breakfast. May condo naman kami sa espanya pero minsan trip lang talaga namin mag motmot.
Pagpasok namin sa room, well, inexpect na namin na di naman ganon kalakihan ang room. Saktong may tv lang na nakapatong sa pahabang mesa, katapat queen size bed na nakasiksik sa sulok + tv ulit na nakadikit sa kisame na nakatapat ang bed. Meron ding salamin na malaki sa gilid ng kama. Tapos wala manlang ilaw na maliwanag sa kwarto. Yung ilaw sa may pinto na maliit at sobrang hina, yun na yung ilaw ng buong kwarto at dagdag nalang kung papailawan mo pa yung cr at iiwang bukas. So medyo madilim talaga.
Fast forward, matutulog na kami. Nakabukas lang mga ilaw namin kasi nga di naman ganun ka nakakasilaw.
Di ako lapitin ng multo at never pa ako nakaexperience ng encounter sa kanila sa buong buhay ko kaya hanggang ngayon di ko parin talaga maexplain ang nangyari samin.
Di ko alam kung half asleep ba ako, o nananaginip lang pero nakikita ko ang sarili ko at ex ko na nakahiga sa kama, tulog, at may babae sa paanan ng kama namin. Yung jowa ko ang nakapwesto sa side na may salamin so medyo nakatapat sakanya ang babae. Di rin ako matatakutin kaya sobrang imposible na nag iimagine lang ako kasi never ako mag iisip ng nakakatakot.
So balik kay girl, nakatayo sya, nakatitig saamin. Matagal na ganun lang ang eksena. Basta ang naaalala ko lang mahaba ang buhok nya, walang mukha. Tas naging pula yung ilaw ng kwarto. Takot na takot ako kasi di ko alam ano gagawin ko pero paonti onti nang lumalapit ang babae saamin dahil napansin nya atang alam kong anjan sya. Di ko kasi maexplain ang point of view ko kaya di ko mapabangon sarili ko pero nakikita ko sya na lumalapit. Hanggang sa nung dadakmalin na ako, nagising kami pareho ng jowa ko.
Oo sabay talaga! Mga alas 3 ng madaling araw. So shrinug off ko nalang ulit dahil sa isip ko ay panaginip lang dahil nagising ako pero di na ako bumalik pagtulog. 5am nagcheck out na agad kami dahil gusto ko na umuwi. Habang naglalakad kami pa espanya, kwinento ko sa jowa ko yun.
Pareho pala kami ng panaginip. Saktong sakto yung details at kaya din raw sya nagising nung nagkasabay kami kasi nga lalapit na yung babae. Di na rin pala sya nakatulog ulit. Di lang nya minention sakin yung nangyari para daw di ako matakot.
Sa mga experts dito, paki tulungan ako paexplain ano yung nangyari kasi di talaga namin alam kung panaginip o imagination lang yun lahat. O ganon ba talaga pag nakakakita ng kaluluwa?
Salamat.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.