Bahay sa Batangas

146 0 0
                                        

Bahay sa Batangas

Na mention ko na sa story ko before na meron akong tita na may bahay sa Tanauan Batangas. Not abandoned, but uninhabited dahil nasa Italy sila ng anak niya. Dalawa na lang sila sa buhay, dahil kamamatay lang ng asawa ni tita, last year. Anyway, ayaw mapabayaan ni tita ko ang bahay nila sa Batangas, kaya occassionally, pinapapuntahan niya ito kay mother. Si mother naman, magbibitbit ng 2 taga linis. Siguro umaabot sila ng 2-3 days sa Batangas just to clean the whole house.

Last week lang, naulit ang pagpunta. Apat sila; si mother, brother ko, and yun dalawang taga linis. Mukhang tuluyan na nga pinamahayaan ng kakaiba ang bahay dahil umpisa pa lang ay nagpakilala na sa guests cleaners and mga spirito.

Unang araw nila, nagbababa na ng mga gamit sa sasakyan, yun isang cleaner, si Kuya Jhun, pumasok sa bahay para ipasok ang mga gamit. Nabigla siya ng may nakita siyang tao na humahangos paakyat ng hagdan. Akala niya kapatid ko, kaya sinundan niya pataas. Pag akyat niya sa second floor, wala siyang nakitang tao at nakasara ang mga pintuan. Naka lock pa. Maya maya, nagpasukan na ang mga kapatid ko, kaya bumaba siya upang itanong kung may umakyat sa itaas. Laking gulat niya dahil ngayon pa lang pala magpapasukan ang iba at siya lang ang kauna unahang pumasok sa bahay.
Kinagabihan, di makatulog si Kuya Jhun dahil may tumatawag daw ng pangalan niya galing sa first floor. Jhun! Jhun! Jhun! boses ng isang babae. Alam ni kuya jhun na di galing iyon sa mga kasama niya kaya di na lang niya pinansin.

Pangalawang araw, naglilinis sa loob ng bahay si Ate Alma, siya ang nakatoka sa pagtatanggal ng agiw at alikabok. Masaya naman daw niyang inaayos ang mga kasangkapan mula itaas hanggang baba. Tapos nag break sila para mag merienda sa may bakuran. Pumasok ang brother ko sa loob ng bahay para kumuha ng tubig. Nagulat ang kapatid ko kasi naka baliko lahat ng picture frame sa sala. Ang nakapag tataka, kahit mga picture frames sa 2nd floor nakabaliko din lahat. Lumabas ang kapatid ko, para I call ang attention ni Ate Alma, tinanong niya kung may issue ba ito sa mata, dahil baket ata naka paling ang ayos ng mga kwadro. Nagulat si Alma at sinilip, nagulat siya kasi lahat ng picture frame ay naka slant. Inayos niya ito at pag gising nila kinabukasan, naka slant uli ang ayos ng mga frames.

Si Kuya Jhun, may kwento uli nun second day. Nag gagapas kasi siya ng damo dun sa bakuran, sakto , napatapat siya sa puno ng Dragon Fruit, may patay na mga sanga kaya ito ay kanyang pinagtataga, nagulat na lang siya, bigla na lang daw out of no where, may dalawang babae, na tumatakbo, galing dun sa puno at bigla na lang nawala.
Convinced na kami na yun bahay ni Tita, simula ng wala ng tumira ay pinamahayan na ng ibang entities. Mapapansin naman yun kse nga iba yun aura ng bahay at madilim yun atmosphere kahit na umaga or may ilaw.
Bago sila umuwi, sinalubong sila nun may-ari ng katapat na bahay. Sa kanila kasi binilin yun susi ng bahay ni tita. Humihingi ito ng dispensa kasi baka mapansin ni nanay na may isang pictute frame na nabasag. Baka magalit kasi ni tita. Mangyare, may pinatulog pala siyang pamangkin minsan sa bahay ni tita. Di daw ito nakatagal kasi natakot na ito, kasi daw, bigla na lang daw yun isang picture frame ay bumagsak samantalang wala naman daw hangin.

Dito na lang muna..ang haba na.



📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon