5th Floor
Year 2015, naisipan kong isurprise ung bf ko sa work niya sa Ortigas. Since magkaiba kami ng shift (GY ako) sakto ung out ko para makabili pa ng cake at maihatid sa office niya bago siya pumasok. Kinausap ko ung mga katrabaho niya para tulungan ako sa surprise ko.
Pagkarating ko sa office nila, hindi ko maalala kung anong floor kasi once palang ako nakapunta. Tapos ang tagal pa magreply nung ka officemate niya. Nakapila na ko sa elevator at madami akong kasabay, di ko alam bakit bigla ko nalang naisip na pindutin ung 5th floor. Paglabas ko dun, ang alikabok. Ung mga pinto ng offices either nakabalot ng plastic or may takip ng manila paper. Nagtataka ko bakit ni isa sa mga office dun eh walang nagrerent saka bakit parang ang tagal ng bakante kasi ang kapal na ng alikabok, pati sahig namumuti na.
Naglakad lakad pa ko pero nagdecide na ko bumalik sa elevator, sa tapat nun may fire exit, habang nag aantay ako may nakita akong dumaan na parang shadow. Ang bilis, sinundan ko kasi naisip ko magtatanong sana ako baka sakaling alam niya kung anong floor ba ung company na hinahanap ko. Pero wala akong nakita. Kaya bumalik na ko sa tapat ng elevator. Habang nag aantay ako tumawag ung officemate ni bf. Asan na daw ba ako? Sabi ko naligaw ako eh andito ako sa 5th floor. Sagot niya, “Bakit ka anjan, may multo jan”
Nagulat ako at kahit natatakot di ako nagpanic, iniwasan ko nalang tumingin kung saan saan. Bumukas na ung elevator at sumakay na ko. Pagkadating ko sa tamang floor, saka nila kinwento sakin na matagal na daw bakante yung floor na yun kasi walang nagtatagal na tenant dahil sa mga nagpaparamdam. Kahit nga daw sa office nila meron din kaya walang naiiwan dun magisa. Sa meeting room daw nila laging may mga kumakalabog kahit walang tao. Yung bundy clock nila, bigla nalang nahuhulog. Mga ganung eksena. Kaya sabi ko di na ko babalik dun magisa.
Pero ang tadhana ay sadyang mapaglaro. Bago magpandemic, nalipat ako sa trabaho dun sa building na yun. GY nanaman ako at madalas pag pumapasok ako, wala akong kasabay sa elevator. Todo dasal ako palagi na wag sana bumukas sa 5th floor. Hanggang ngayon vacant pa din kasi yung floor na un.
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)