Naked + Grin

44 0 0
                                        

Naked + Grin

Hello! Masarap na ulit magpost. Hehe! Sana pasok to sa travel as this happened on my second day in where I live now in Australia. First day was Brisbane. This was last year, so naka mask pa sa airplane, so straight from airport to house, ligo agad. Never ako nag-isip ng nakakatakot kahit malakas pakiramdam ko at visions. Overwhelmed lang ako noon kasi nasa ibang bansa ako.

So pagpasok ng bahay, wala namang kakaiba, normal. So nasa banyo na’ko. I opened the shower, kumuha na ng shampoo, tumalikod, so nasa likod ko na ang shower, at syempre pipikit na. Shocks?! Why?? May matandang lalaki nakatitig sakin na naka-grin at hubad!!! Yung parang kasama ko siya sa tub. At di siya nag-iisa pero ang focus ko ay siya lang. Lahat sila hubad. Parang naka compressed sila. Maliit siya sa’kin pero kuba naman siya kasi matanda talaga. Close to 5’3” lang ako. Di ako sure kung harmful ba kasi dumilat ako agad. Ang bilis ng pangyayari. Bigla ko kinausap sa isip ko na I come in peace. Kung nauna man sila dito sa bahay, eh okay lang ba in harmony kami lahat kasi wala akong bad intentions. So ayun na naman ako, bukas mata naliligo. It’s been a year na na wala akong nakikita sa banyo eh.🥴

After that, wala na akong nakikita o nararamdaman na iba. A few days after, early morning upon waking up, diretso ako sa dresser. Biglang may pumasok sa isip ko na word “INFIRMARY”, yes, in caps. Ganyan ako pag in a trance state, meditative state, or yung patulog na, dyan pumapasok mga visions at mga random words na may connection sa mga bagay bagay. At after nung word, ay nakita ko ulit si nakey lolo. So naisip ko may connection kaya ito? Niresearch ko ang history ng lugar, wala namang kakaiba, except sa kabilang kanto ay Heritage eme ng city, na walking distance sa’min. Andun lahat ng old cars, old cabins, old trains, old medical machines and tools. Lahat ng lumang gamit ng city ay andun for all of us to see. Pero base sa Google, walang hospital o infirmary na nakatayo dito dati. So hinayaan ko na lang as long as ‘di nila ako aanuhin diba? At ‘di ko naman na nakita si lolo since.

Isang madaling araw, nagising ako for no reason. Pagpikit ko, nakita ko ang sala namin. Nasa kusina ako at nakatingin sa main door. May babaeng hubad facing the door. Matangkad at parang tanned ang skin. Sexy siya, even hair niya ay sexy, yung bed hair na wavy, lagpas boobs ang hair. Sa curiosity ko, imbes na didilat ako para iwasan, hinintay ko na humarap sa’kin. AY POTEK! Kung pa’no ang grin ni lolo, ganyan din sa kanya at mas nakakatakot. Kasi si lolo parang mapaglaro. Etong babae, parang iba ang dating, very devious ang grin. Lumalapit sa’kin. Alam niyo yung lakad na isang step, tapos kabilang step ay dinadrag, tapos vice versa, yung sexy walk na teasing. Nakakatakot! Dumilat ako agad.

‘Di ko makwento sa jowa ko mga nakikita ko o experiences kasi alam niya kakayahan ko pero ayaw niya marinig. Lagi kaming nag-aaway dito sa bahay fo random reasons at very petty na dahilan. ‘’Di naman kami ganyan dati nung nasa Pinas pa’ko. Ang gloomy ng mood sa bahay kahit bright naman ang walls at lights. Don’t get me wrong, we’re so into each other. Pero iba ang mood sa bahay. Bumalik depression ko. Iyak ako ng iyak for no reason. Nakakapagtaka kasi dapat happy ako. Maganda ang lifestyle dito, masarap ang food, at parang walang stress. Pero bakit depressed ako?

So I finally seeked therapy, hypnotherapy at that, since spiritual naman akong tao at ayoko ng medicines from psychotherapy kasi babalik lang daw ang sakit pag tinigil mga gamot. So I gave it a try. Nabanggit ko to sa isa sa mga sessions namin at binigyan niya ako ng insense at tinuruan pa’no gumamit. So far, so good. Naglilight ako ng insense once a week and it’s so calming. Okay na din kami ni jowa. May away man pero yung typical away jowa. Di ko na sila nakita ever. Thank God! Pero to this day, takot na takot pa’rin ako mag-CR at dawn. Bumili na rin ako ng crystals; that’s for another post.

Yung photos ay for reference pero ganyan na ganyan mga itsura nila, siguro 90% close to that. Very “Truth or Dare” at “Insidious” feels.🥴

Muli,

V in Oz





📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon