JOGGING GOALS
Noong college days ko sa boarding house 'to nangyari. Weekend kaya nagkayayaan kami ng roomate ko na mag-jogging. Usapan gigisingin ko siya ng 4:00 am kasi mantika sya kung matulog. Hindi pa uso cellphone nun.
Dalawa lang kami sa room. Nasa upper deck sya ako naman nasa ibaba ng double deck. Bandang 2:00 am naalimpungatan ako sa tunog ng zipper ng hanging closet. Yong usong lagayan ng damit noon. Naaninag ko yung kasama ko nakatayo binubuksan at isinasara nang paulit ulit yong zipper ng closet. Medyo maliwanag kasi malapit sa bintana at tumatagos yong liwanag ng ilaw ng poste sa tapat ng bintana sa room namin.
Nakatagilid ako paharap sa bintana kaya kitang kita ko siya. Pumihit ako patihaya sabay sabi sa roomate ko na,
"Sabi mo gigisingin kita Ng 4:00 , bakit 2;00 palang gising ka na?"
Hindi sumagot. Pagtingin ko sa gilid ng upper deck andun yong braso ng roomate ko!!! Meaning tulog pa sya!!! Sa isip ko sino 'tong nasa tagiliran ko? Sabay talukbong gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hindi na ko nagmulat hanggang sa nakatulog ako. Nagising na lang ako maliwanag na ginigising ako ng roomate ko.
Nene
1987
SHC
Lucena City
📜FEU Secret Files
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)