Ang Babala kay Tita Marife..

53 1 0
                                    

Ang Babala kay Tita Marife..

Musta? Happy Friday sa ating lahat. eto na ang story na hinihintay ng ibang member ng group na eto dahil napahapyaw lang eto sa nauna ko kwento. Babala lang po. medyo sensitibo po ang mga naganap dito at ang paggalang sa mga pamahiin ay di naman masama kung atin eto susundin.

Si Tita Marife or Ate Apie ay pinsan Buo ni Mama sa Mother side nya. Nanirahan si Ate afie dito lang din sa area namin. Inaanak din ni mother eto sa kanilang kasal.

FLASHBACK 2007

Nagbubuntis nun si Ate Afie para sa kanilang pangalawang anak. taong bahay lang sya at si tito naman ay nagwork nun sa Ludy's ung gumagawa ng mga peanut Butter bilang Delivery Man. kaya madalas gabi na eto umuuwi sa kanila kaya madalas si tita lang ang magisa sa bahay kasama ang anak nya si CM.

Sa mga iba ko nababasa may same aswang story nung nagbubuntis kadalasan pinagsaswalang bahala nila ang mga ganito paniniwala sa kadahilanan na moderno na ang panahon at ang paniniwala sa mga aswang at bati ay isang kwentong sinauna na lamang. tanging mga lumaki sa probinsya at yung naniniwala na lang sa mga aswang ang nagiingat or sumusunod sa mga babala.

Kwento ni Ate Marife, kung naging maingat at sumunod lang siguro sya sa babala nung albularyo ay baka nabuhay pa ang kanyang anak.

Nasa ika limang buwan na ng pagbubuntis si ate afie na minsan may kumausap sa kanya na isang babae. medyo nasa 50's daw pa eto at approachable. pala ngiti. nangungupahan daw eto sa kabilang Village na malapit lang din sa amin.nung una ay di nman pinag isipan kung sino kausap nya or kung ano background nung kausap nya kasi ang nasa isip nya masyado na moderno ang panahon kaya isinantabi nya na lang ang paniniwala sa mga aswang at bati. Madalas daw ang babae na un kasi lagi sya kinakausap at tuwang tuwa sa anak nyan si CM. pinapasalubungan pa daw sya nito ng pagkain at kung ano ano na kanya nman tinatanggap kasi Blessings Daw.

hanggang sa mag ika pito na ng pagbubutis ni Ate afie nang napansin nya na di na papansin ang babaeng lagi bumibisita sa kanya. di nya mawari pero parang hinahanap nya ang presensya nito. hanggang sa isang araw ay naramdaman na nya ang pananakit ng tiyan at balakang nya, at minsan nilalagnat sya na di nya maintindihan. para sya sinisilaban sa init. kaya lagi sya nagpapacheck up na masiguro ligtas sya sa pagbubuntis. sabi ng Doctor medyo sensitibo daw ang kanyang pagbubuntis..kaya doble ingat daw.

Hanggang sa sumunod na araw. ganun at ganun pa rin ang nararanasan nya. hanggang sa binisita na sya ni lola at nagadvise kung magpatawas sya baka nabati eto.

Tumawag sila ng albularyo na kilala din sa amin. sa unang kita palang nya kay ate afie ay nanlumo na eto sa  nakita nya.

Albularyo: Nasabihan na kita nung una na wag ka basta basta magentertain ng mga tao di mo kilala. pati ang proteksyon na binigay at mga bagay na pinagawa ko sa inyo mag asawa di mo na rin ginawa. unti unti na nya nakukuha ang lakas mo. sana mapaglabanan pa natin sya.

Lola: sino ba yung tinutukoy mo? Afie sino sino ba naman kasi yan kinakausap mo. parang di ka laki probinsya. alam mo naman pag buntis diba. kailangan magingat sa mga tao nakakausap.

Nagsagawa na ng pagtawas ang albularyo at doon ay limitaw ang pigura ng isang babae base sa kanya. tuwang tuwa daw eto sa kanya saka sa anak nito nasa sinapupunan.nagsagawa ng ng orasyon at pagsuob kay tita para mapaglabanan nito ang ginagawa sa kanya ng babaeng nangaaswang sa kanya. oh diba. ibang level din..

Ngunit huli na ang lahat, makalipas ang isang linggo dinugo na si ate Apie at ang akala nila ay manganganak na eto. kaya sinugod na sya sa ospital. napagalaman na wala na pala buhay ang kanyang dinadala. and guess what kung ano ang naging katawan ni baby sa kanya sinapupunan. gutay gutay ang laman loob nito na talaga namin kinagulat nila lahat. Halos manlumo na lang sila tita afie at tito sa sinapit ng bata. at dun bumuhos ang galit nila sa gumawa nito.

Nagpatulong sila sa albularyo para bumalik ang ginawa nito. may ritwal din sila ginawa. nag alay sila ng buhay na manok at pinatak ang dugo nito sa bahay nila at dinasalan un ng latin. di ko alam kung para san un pero sabi balik bati daw un sa gumawa nun.

Sa ngaun ok na si ate Afie pero ang makalipas lang ang ilang taon, nagkahiwalay na rin sila ni tito at may kanya kanya na silang buhay at Bagong pamilya.

Naway maging aral sana eto lalo na sa mga buntis or kung hindi man, naway maging aware na lang tayo sa mga bagay at tao na makakasalamuha natin para di natin eto ikapahamak. ang pagsunod sa mga babala at pamahiin ay kailanman ay di kawalan.

Salamat sa pagbabasa..



📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon