Karma or Sumpa

44 2 0
                                        

Itong susunod na kwento ko eh super natakot talaga ako, kwento ito ng aking kaibigan.

"Karma or Sumpa"

Ako personally naniniwala ako na kung anu ang ginawa mo sa kapwa mo eh babalik sayo masama man o mabuti

Simulan na naten ang kwento, nangyari raw ito sa Isa sa mga kababata nya nung highschool.
Sa magbabarkada sila yung pinkaclose sa Isat -isa (babae po sila pareho)

Ang kwento ng kaibigan ko, yung buhay daw nung kababata nya nung highschool was very simple kumbaga nakakaraos naman sa araw araw at bukod sa lahat napaka bait daw ng parents nito sa kanila.

Natatandaan daw nung friend ko, nung 4th yr  h.s sila biglang yaman daw yung family nung kababata nya, naparenovate yung bahay, nakabili ng mga sasakyan as in biglang yaman. Ganun pa man din, hind naman nagbago ang mga ugali nito , kumbaga humble parin.

Pero may napansin daw yung friend ko sa tuwing ppunta sya sa bahay nung kababata nya eh laging wala ang tatay nung friend nya. Nagtanong yung friend ko

Friend, bakit parang wala lagi si Tito? .. ah si Papa naku laging nadedestino sa malayong lugar once a week na lang sya umuuwi dito. (Former  bodyguard ng Isang politiko ang work nung tatay nung friend ng friend ko.) Dinagdag pa nito di nya daw alam kung anu or saang lugar ang work ng tatay nya.

Nung yumaman at nakaluwag sa buhay yung family nung friend nya dun naman daw nagsimula ang sunod sunod na kababalaghan at kamalasan sa buhay nito.

Fast forward na tayo, lagi daw nanaginip yung friend nya na maraming patay sa paligid nito at  lahat daw ng nakikita nya sa panaginip eh parang galit sa kanya.

So dinedma lang daw nung kaibigan nya yung panaginip.. dumating yung time na ggraduate na sila ng high school naging matiwasay naman lahat pero after a year namatay yung nanay ng kaibigan ng friend ko, sobrang sad nung friend ng kaibigan ko as in na depressed ito ng sobra.

Hind na nga daw nakapag college agad kasi parang nawalan ng pagasa sa buhay, mahal na mahal daw kasi nito ang nanay nya.

Simula ng namatay yung nanay, mas madalas ng umuuwi yung tatay nung kaibigan ng friend ko sa bahay nila. Sa awa ng diyos medyo nakarecover sa matinding depression yung friend ng friend ko.

Akala nila ok na lahat, nagsimula ulet managinip ng sobrang sama yung kaibigan ng friend ko.. this time nakikita nya yung tatay nya na pinapatay paulit ulit daw binabaril...paulet ulet daw yun every night, at ang pinaka nakakakilabot dun ang sabi dun sa panaginip "Ikaw na isusunod nameng papatayin" jusko araw araw daw napapanaginipan ng kaibigan nya ang ganyang eksena.

Ang masakit dito naghirap ulet ang pamilya nung friend ng friend ko..at ang pinaka nakakatakot eh nakakatangap sila ng death threats araw araw.

Ito na yung big reveal nagconfess yung tatay,  na naging "Hired Kill8r" sya yun yung naging work nya after mag work as bodyguard.. iyak daw ng iyak yung tatay at sorry ng sorry..ang kwento eh sumuko sa mga pulis yung tatay at yung friend daw nung friend ko eh natagpuang tulala sa loob ng room nya. Ang last na balita eh asa mental hospital daw yung friend nya.

Grabe talaga ang karma pag bumalik sobrang bagsik! Di naman gumanti sayo pwedeng balikan yung mga mahal mo sa buhay.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon