BAKANTENG LOTE
Ps. Gusto ko lang ishare yung whole story ng bahay namin na parang literal na haunted house na nasa movie. Walang halong shit or what or para lang sa clout. This is based sa experience naming whole family and relatives na as of now nararamdaman parin namin "sila".
*If in anycase na makaramdam ako ng consequences for sharing this story, Idedelete konalang tong post ko na ito. Ikikwento kodin kung bakit ako natatakot sa pag share nito kasi before may life threatening na nangyari samin ng dahil sa may nagawa kaming hindi maganda sa "kanila".
[Part 1]
Bakanteng lote dati yung tinayuan ng bahay namin ngayon. Sabi ng parents ko and pati ng mga nakatatanda, na dati daw itong chapel. New year nung lumipat kami sa bago naming bahay. As usual need mag ingay para maitaboy "daw" yung malas at bad spirits. Paputok jan paputok dito, ultimo inikot naming magkakapatid yung bahay habang hinihipan ng malakas yung dala namin torotot. Masaya sa una, pero hindi namin alam na dun na magsisimula lahat ng kababalaghan sa bahay.
[Not sure kung nabulabog namin sila dahil sa ingay and at the same time, bagong lipat kami sa bahay?]Nagsimula silang magparamdam tuwing gabi kapag patulog na kaming magkakapatid. Minsan magigising kanalang sa katok at may times pa maririnig mo na ginagasgas nila yung kuko sa pintuan. Walang gabi na panata kaming nakatulog noong unang linggo namin sa bahay. Inaantay konalang lumiwanag bago ako makatulog.
Kahit umaga may nagpapakita saamin especially kay mama kasi maaga syang gumigising para maghanda ng agahan. Puting lalaki yung nakita nyang dumaan sa hallway namin. Minsan naman bumubukas yung drawer sa kusina. Minsan may biglang sumasara na pinto kapag nasa sala kami. May times naman na naririnig ni papa si mama na umiiyak sa CR pero tulog pala si mama sa kwarto. Minsan din ginagaya yung boses namin. Minsan pag may gatherings dito sa bahay namin, meron kaming mga pamangkin na bata na bigla nalang silang hihinto then titingala na parang may nakikita sila.
Nung una hindi mag sync in samin na haunted itong bahay namin. Akala namin nadala lang kami ng takot at sarili naming mga imahinasyon kasi bagong lipat kami. Pero hindi pala.
Nanaginip si kuya about sa kung anong nangyari sa dating nakatira dito sa bahay namin. Ang kwento nya is merong pamilya na nakatira dito sa bahay namin before. Workaholic silang magasawa tapos yung batang anak nila is iniiwan nila palagi sa maid nila kapag papasok na sila sa trabaho. Playful daw yung bata and palagi nyang namimiss yung parents nya. Kaya palagi itong nakikipaglaro sa maid nila. Then one time daw may nakapasok na lalaki tapos pinagsasaksak daw yung bata and yung maid.
[Through out the years yung mga nangyari, hindi lang po ito isang buwan na experience]
[Fast Forward]
Bumisita yung relatives ni papa galing probinsya. Hindi namin sila masyadong close kasi galing sila sa malayong lugar, kaya wala silang knowledge or narinig about sa kwento kwento sa bahay namin.Pagpasok palang nila sa main door namin. Biglang kinilabutan si tita the moment nung pumasok sya sa bahay namin. Take note na modern design tong bahay namin na out of the blue bigla syang may naramdaman. As far as I remember tatlo yung may third eye na bumisita samin that day. Not sure kung totoo itong sinabi nila, na kapag may humigit sa isa ang may third eye na nasa isang lugar. Isang third eye lang ang gagana then the rest nang may third eye is sasara. Meaning hindi sila makakakita but mararamdaman parin nila if may nearby na spirit.
Honestly pagpasok nila parang naging ghost hunting ang nangyari kasi, grupo grupo kaming pumapasok sa bawat kwarto and ineexplain nya yung kung ano yung nakikita nya.
Nagsimula kami sa kwarto nila mama. Bago sya pumasok ng kwarto bigla syang nahirapan sa paghinga, sabay sabi saming madami daw sila sa kwarto na ito. [Mayroon din kasing salamin na magkatapat dun?]
Next is yung sa sala namin. Bigla nyang itinuro yung sa ilalim ng mesa. May nakikita daw syang bata and inaaya sya makipaglaro.
Lastly is yung sa storage room namin sa likod. Nagiba yung timpla ng muka ni tita, sabay sabing "ayoko na haha". Puti daw kasi yung lahat ng nasa loob ng bahay namin. Pero itim daw yung nakita nyang lalaki na nakadungaw sa bintana.
[Part 2] Kwento ko paba yung part 2 nito? Feeling ko kasi wala naman magbabasa kasi medjo mahaba na
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.