Lolo Manuel
Hi this is my second story. Yun una kong entry ko is yung nawawala naming bahay sa gabi. Hehe.
Yung kwento po ngayon ay tungkol sa kapatid ng lolo ko na si Manuel at naganap ito sa Bacolod city.
Nangyari ito ng sila ay mga binata pa, si Manuel ang bunso sa kanilang magkakapatid. Palibhasa ay may lahing meztizo at pinaka pogi sa lahat ng magkakapatid base na din sa kwento ni lolo. Madami daw talagang nagkakagustong babae dun. Hindi lang ordinaryong babae pati na rin sa mundong elemental.
Madalas daw pong magpunta sina lolo sa sa ilog para mamasyal saka makahuli ng isda. Isang araw nagkwento daw si Manuel na may mga nakilala syang mga babae sa ilog at gusto daw sya maging kaybigan. Madalas daw po makita ni Manuel yun mga babae sa mabatong parte ng ilog. Halos everyday na daw nagpupunta si Manuel sa ilog at madadalas may nakakakita dito na parang may kinakausap. Pag tinanong mo daw sasabihin nya lang mga bago nyang kaybigan.
Isang araw daw bigla na lang nagkasakit si Manuel, wala naman makitang diperensya kaya sinabihan lang na magpahinga. Naging madalas na din ang paglalagnat nya ng mataas. At kapag maayos naman daw ang pakiramdam eh nakikita daw nila na akala mo may kakwentuhan. Hanggang isang araw tuluyan na ngang di nagising sa pagkakahimbing si Manuel. Biglaan yun pagkamatay at di rin malaman kung anong cause of death nya. Sabe ng matatanda baka daw naengkanto yun kapatid ni lolo.
Sabe ni lolo bago daw mamatay si Manuel madalas nya sinasabe na dumadalaw sa kanya yun isa sa nakilala nya sa ilog at inaaya sya pumunta dun. Bukod daw dun may pinakita daw si Manuel kay lolo na itim na mga perlas na ang ganda daw saka ang kinis na kumikinang pa nga daw.
Naging usapan daw sa mga kapit bahay yung nangyari sa kapatid ni lolo. Sabe nga eh baka daw kinuha na ng engkanto. Araw ng libing ni Manuel, sa probinsya may tradisyon pala na sa bintana pinapadaan yun kabaong imbes na sa pintuan diko lang alam kung bakit. Tapos may matanda daw dun na pinipilit nya na di daw tao yun laman ng kabaong. Kesyo buhay pa daw yun kapatid ni lolo kaso sumama na daw sa mga engkanto tapos ang kapalit daw nun mga hiyas na magaganda kumbaga bayad daw yun sa pagkuha nila.
Nung una wala talaga nakikinig dun sa matanda kaso sabi ng lolo paulit ulit daw yun matanda tapos inuutusan pa sila ihagis daw yun kabaong para daw mapatunayan na totoo sinasabe nya, kaso dedma daw yun pamilya kase nga sino naman nasa matinong pag iisip gagawa nun? Sobrang bilis daw ng mga pangyayari nagulat na lang daw si lolo nagkakagulo na kasi nakiki eksena yun matanda dun sa kabaong. Tapos ayun nabitawan daw yun kabaong, nun pagbukas daw sabe ni lolo hindi nya makakalimutan na walang laman yun kabaong, walang bangkay, ang nandun daw katawan ng saging. So lahat daw talaga eh nagulat at nagtatanong kung nasan na yun katawan nung kapatid ni lolo. Kase pinaglamayan pa daw nila yun eh. Tapos yun nanay daw ni lolo hinimatay kasi di kinaya yun nakita.
Kung iisipin talagang ang hirap maniwala talaga kasi parang imposible eh. Pero nung nakita ko yun reaksyon ni lolo malungkot sya tapos parang naiiyak pa nga. Tapos pinakita nya din samin yun perlas na itim ang ganda kumikinang kinang pa nga. Nagbabakasakali pa rin kasi sya na baka maging daan yun para makabalik na yun kapatid nya sa kanila.
That's all for now. Marami pong salamat.
PS: sa mga magtatanong kung nasan na yun mga bato. Diko na din alam eh. Ang alam ko nasa pangangalaga na ng ibang kapatid ni lolo. Ayaw nya kasi ipatapon.
📜Travel Horror Stories
▪︎2021▪︎
BINABASA MO ANG
[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.
![[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)](https://img.wattpad.com/cover/334075232-64-k923540.jpg)