GRANDMA'S HOUSE

40 0 0
                                        

GRANDMA'S HOUSE

Medyo mahaba na naman to para detalyado. 😉
----

Nung hs ako homestudy ako. Di pa uso modules nun, modules na kami sa Ange. 😅 Anyways twice a week lang ako nagrereport sa school para mag pacheck ng modules, mag exam at kung ano pa.
Eh bilang pasaway ako nung hs, ung mama ko napagod na ata sakin. Ska busy sya sa work. So itinira nya muna ako sa daddy at mga tita ko. (hiwalay parents ko)

Yung daddy ko and mga tita ko, nakatira that time sa house ng lola ko (kapatid ng mommy nila daddy) Sa New Manila. Alam niyo naman yung mga bahay sa New Manila, malalaki. Tas pag sa gabi ka madaan sa streets dun, mapupuno at madilim. 

So yung bahay ng lola ko. Idedescribe ko ha. Malaki sya may drive way sya na mahaba. Pag pasok mo ng gate may parang garden tas andun ung Bachelor's pad kung san kami nagsstay. 1 bedroom yun na may 2 toilet, sala, kitchen at dining. Anyway, yung Bachelors pad na un glass sya. So tagusan talaga at ang view mo yung garden/driveway at sa kabilang side yung swimming pool, rubber tree at Main house.

Hindi talaga maaliwalas ung bahay ng lola namin. Kasi nasa states nadin ung mga anak and apo nya, maids lang kasama nya at byuda nadin sya. Sa main house sya nagsstay. Dati pa maraming creepy stories na ung mga maids may mga sinapian pa nga sabi may entity daw sa rubber tree at mga dewende sa main house.

Pero hindi sa main house ung focus ng kwento ko sa Bachelor's pad at eto yung mga few experience ko dun sa pagsstay ko ng halos 2yrs.

1. Nanonood kami sa sala ng tv ng tito ko. Nakahiga ako sa sofa tas sya sa rocking chair nakaupo. Soccer yung pinapanood namin that time. Tapos bilang glass nga yung bahay madilim na sa garden at driveway konti lang ilaw e. May naaninag akong nakatayo na whitelady sa may damuhan. Nakatingin lang talaga sya samin. Punyemas. Pag sabi ko sa tito ko, nakita din pala nya at paglingon namin nawala na. 😅

2. Nasa room ako mga past midnight na inaantay ko ung tita ko umuwi kasi may pasalubong sya. So habang inaantay ko sya para saking midnight snacks. Bes, yung gripo sa cr sa kwarto nag open. Pati ung shower. Jusmiyo. Di ako matatakutin. Pero kinikilabutan padin ako. Nangamoy ung kwarto na bulaklak. Nilakasan ko nalang soundtrip ko nun habang naglalaro ng ps2. Anyway, ung namatay na asawa ng lola ko dun nagsstay madalas sa bachelors pad nung buhay pa. Maloko daw talaga yun so baka daw pinagtripan ako nung kwinento ko kela dad nung umaga. May naexperience din tita ko sa room mag isa sya may sumitsit daw tas tulog sya may kumalabit sa paa eh mag isa lang sya.

3. Yung tita ko hinatid ng boyfriend niya sa gate lang past midnight na un. May kapitbhay kaming celebrity eh. So malayo palang nakita na nila ung babaeng nka nighties na black sa may tapat halos ng bahay gate namin. Sabi daw nila mag jowa sa kotse. Baka nanay ni (yung artista) yun. Paghinto daw ng sasakyan ng jowa ni tita sa gate namin ung babae naglakad tumagos sa gate namin. Black lady pala. Takot na takot daw sila. Binaba lang daw sya ng jowa nya di na sya inantay makapasok ng gate at humarurot na. Hahahahaha!

Anyway madami pa akong kwento tungkol dito sa bahay na to. Kasama nadin ang mga kwento ng maids/yaya namin. :)




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[5] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon